Noong ako ay tumuntong sa sekondarya ng North Fairview High School bilib ako sa mga mag-aaral na merong nakasabit na PRESS ID sa kanilang mga leeg. Simula noon ay pinangarap ko na, na maging isa sa mga journalist ng aming paaralan.Unang pumasok sa aking isipan, Anu nga ba ang mga katangian ng isang journalist ? ito ba ay pangkaraniwan lamang o kung ito ba ay mahirap o madali ? ito ang BUHAY NG MIDYA.
Saan ba tayo kumukuha ng impormasyon patungkol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran,sa mga kalagayan ng ating mga kamag-anak na nasa malayong lugar, sa parating na bagyo, sa nangyayari sa bansa at sa mundo, hindi ba't sa midya. Sadyang masasabi ko na ang propesyon ng isang mamamahayag ay napakahirap gampanan.
Dito nakataya ang buhay sa katotohanang pinanghahawakan. Ang bawat katagang isinusulat at ineere sa himpapawid, na maaaring makasira at bumuo ng isang panibagong pahina sa kasaysayan.
Sa propesyon ng isang midya ay hindi yayaman ang isang tao sa isang upuan lamang, Dugo at pawis ang kapalit ng kakarampot na kita, gayong buhay ang kapalit sa katotohanang ipinahahayag.
Sa panahong kinagagalawan natin ngayon may iilan na bumibili ng katotohanan, kaya may mga journalist ngayon ay kumakapit sa patalim na tumatanggap na ng lagay.Ang pagiging isang mamahayag ay parang isang panghiwa na sisira at hhihiwa sa kabuktutan ng lipunan, ngunit kapag ito ay nahawakan ninuman kaya nitong mapanatili ang dangal ng wastong paglalahad.
Gaya ng sabi ko, gusto kong maging isa sa mga journalist ng aming paralan, ngayong ako ay nasa ikatlong baitang na, natupad ko ito na sana ay magtuloy-tuloy na hanggang sa huli. Simula ngayon gusto kong maging isang mamahayag.
Walang mayaman, walang kotse, walang sariling tinitirhan at walang luho sa katawan, tinutukoy ito ng isang TUNAY na BUHAY NG JOURANLIST. I WANT TO BE A JOURNALIST ! yan ang sigaw ko.
haist hirap pola qumawa aa hehe :)
TumugonBurahin