Apokalips


Linggo, Pebrero 27, 2011

2010 Boy en Girl Week, Sulit ba?

   Isang karangalan sa isang mag-aaral na mapili upang maging isa sa mga "Student Teacher" sapagkat ibig sabihin lang nito na may potensyal siya upang maging isang guro.

    Kung kaya't may aktibidades na katulad nito ay upang maramdaman ang pagiging isang guro at para malaman natin na mahirap sa isang guro ang ginagawa niyang propesyon.

    Binabati, ginagalang, at nagsusuot ng pormal na damit o kasuotan na parang isang tunay na guro. Ilan lamang ito sa mga katangian mo, kapag ikaw ay naging isang ganap na ST (Student Teacher).

    Kamakailan lang ay nagpadala ang DepEd ng kasulatan na naglalaman na idaraos sa Disyembre 6-10 2010 ang Boy and Girl Week.

     Ngunit sadyang nahuli ang pagdala ng sulat mula sa DepEd patungong NFHS, Kung kaya't napagpasiyahan ng SSG Officers na gawing dalawang araw ang Boy and Girl Week.

     Hindi nakuntento ang Punong Guro na si Dr.Proceso T. Lera sa desisyon na dalawang araw kung kaya't ginawa niyang isang araw na lamang ang naturang aktibidades.

     Isa na siguro ito sa pagpapatunay na nahuhuli na ang paaralan, Sino nga ba ang dapat sisihin? Kailangan lang sigurong maging bukas tayo sa mga nangyayari hindi lamang sa loob ng paaralan ng NFHS, kundi pati na rin sa labas.

     Karamihan tuloy sa mga guro hindi na kumuha ng kanilang mga ST (Student Teacher) sapagkat parang "walang kwenta lang" ika nga nila.

      Bulok ang naging sistema ng Boy and Girl Week ngayong 2010 kumpara noong 2009. Ang dapat na isang linggong pagiging ST (Student Teacher) ay nauwi sa isang araw lamang. Sadyang nakakapanibago ang Boy and Girl Week sapagkat nasanay na ang nakararami sa dating nakasagawiang sistema.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento