Nagkabuhol-buhol ang sasakyan at matindi ang trapiko na naganap sa Liwasan Bonifacio kamakailan lang dahil sa mga nakahambalang pedicab na demotor o mas kilala natin sa tawag na "Kuliglig".
Ang Kuliglig ay katawagan sa Hand tractor na ginagamit sa pagbubukid sa maraming lugar dito sa ating bansa. Kung tutuusin napakaimposibleng isipin na pumasok sa isipan ng mga tao ang pagkabit ng makina sa sidecar na ginagamit panghakot ng gamit sa Divisoria.
Kinalaunan, Hindi na paninda ang hinahakot ng mga kuliglig draybers, kundi pati na rin ang mga tao na pinagkikitaan na rin nila. Dumarami na ang kuliglig sa Maynila hanggang sa nagsulputan na pati sa Recto, Avenida, Carriedo at Quezon Boulevard. Pati na rin sa Roxas Blvd. ay umabot na rin.
Nagpupukulan ng reklamo ang Manila Police District (MPD) Manila City Hall Officials at ang nagpoprotestang "Kuliglig" draybers dahil sa madugong dispersal noon. Kung naging malamig lang ang ulo ng bawat kampo, hindi sana nagkagulo.
Pero, nagkamali ang mga nagsipag-protestang drayber matapos harangan ang North Bound lane ng P. Burgos Avenue, Sa Ermita, Manila, Sa harap mismo ng Manila City Hall kaya tumindi ang trapik. Ipinakita nila sa mga tao na arogante nga sila sa kalsada.
Nararapat lang ang naging pasya ni Mayor Alfredo Lim na patalsikin o walisin na ang mga makukulit na kuliglig. Ipinatupad niya noong oktubre na "Kamay na bakal na ang dapat sa mga nagmamatigas na drayber ng kuliglig".
Ang mga Pinoy nga naman ay laging umaabuso at walang kinakatakutan. Nakikipagsabayan pa ang mga kuliglig draybers sa mga naglalakihang sasakyan. Nagbibigay rin ito ng Polusyon sa hangin dahil sa maduming usok na lumalabas mula dito.
Sadyang napakadelikado ng mga kuliglig na ito. Kung kaya't nararapat lang na mawala at walisin na ang kuliglig sa kalsada.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento