Gamutin ang ang naghihihkahos na Pilipinas, Kaya ba?
Mabahong kanal na puno ng nagbabarahang basura, nagbubuhulang kuryente na animoy supot ng gagamba, lubog sa utang, magkakalahing nagpapatayan, maraming drug pushers, adik, holdaper, namamalimos na bata na dapat sa skwelahan tumutungo, nawawalan na ng magagaling at batikan, mga lalaki at babaing walang maayos na trabaho, kurakot na pamahalaan, lumulobong populasyon at lumalalang polusyon ..
Ilan lamang ito sa mga katangian ng ating mahal na Pilipinas kung aking ilalarawan, Ngunit sa tingin ba natin Mahal na maituturing ang Pilipinas kung sa kalagayan nitong naghihirap at nangangailangan ng kaunlaran, hindi lingid sa ating kaalaman na tayong mga Pilipino rin ang may gawa sa nangyayaring ito. May pag-asa pa kaya ang Pilipinas sa lumalaking krisis ng bansa, sa tingin ba natin malulutas pa ang mga suliraning ito ?
Mabahong kanal na puno ng nagbabarahang basura. Kung may disiplina lang ang mga tao walang magtatapon ng basura sa mga ilog at kanal na dahilan para bumaho ito at bumara ang mga butas dito. kung may mga disiplina lang din ang mga naglalakihang mga pabrika na dumadaloy ang kanilang kemikal sa tubig na nagdudulot upang mamatay ang mga isda at dahilan na rin upang mamaho ito.
Lubog sa utang. Alam naman nating lahat na napakalaki ng utang ng Pilipinas sa ibat-ibang bansa, Ngunit pano tayong mga indibidwal makatutulong kung ang sarili nga nating utang ay hindi mabayad bayaran o mabawasbawasan man lang.
Magkakalahing nagpapatayan. Isipin na lang natin na laganap na sa panahon ngayon ang nagpapatayan, dahil na rin sigurong wala tayong pagkakaisa, gaya na lamang din sa mindanao laganap dito ang patayan, kung naiisip lang nila na magkakalahi tayong Pilipino at hindi dapat magpatayan. Siguro'y meron ngayon tayong pagkakaisang tinatawag ngunit hindi natin ito pinahahalagahan.
Maraming drug pushers at holdaper. Hindi rin naman natin masisisi kung ganito ang gawain ng karamihang pilipino, marahil kaya lang ginagawa ng tao ang mangholdap dahil sa kawalan ng trabaho, at siguro kaya naman marami na ring mga tao ang nalululong sa masasamang bisyo ay dala na rin na gusto nilang makaiwas sa problema na kinahaharap nila sa buhay, ngunit kung patuloy ang paglaganap ng mga ito, hindi uusad at mawawalan ng pag-asang makaahon ang minamahal nating Pilipinas.
Maraming namamalimos na bata na dapat sa skwelahan tumutungo. Kawawang mga bata na imbis lapis at papel ang hawak, ay lata at sampaguita, ngunit dahil sa kanilang mga magulang na hindi naman pala sila kayang buhayin, hindi na sila nakakapag-aral kung kaya't nagtitinda na lang ng sampaguita o kaya naman ay namamalimos na lamang ang kanilang ginagawa pantawid gutom sa pang araw-araw.
Nawawalan na ng magagaling at batikan. Magagaling? nasaan sila?. Ano pa bang bago? edi nasa ibang bansa, karamihan sa mga Pilipino ay pinipili na lamang na magtrabaho sa ibang bansa dahil daw malaki ang sweldo, ngunit kung ating iisipin ay parehas lamang at kung ating mamarapatin mas maganda ang maglingkod sa sariling bayan kaysa sa ibang bansa.
Mga walang maayos na trabaho. Gaya nga ng sabi ko, marami na ring gumagawa ng mga illegal na gawain para lang may maipakain sa pamilya at mabuhay sa isang araw, hindi rin natin sila masisisi dahil habang umuusad ang panahon hindi rin sila nakapagtapos ng pag-aaral kung kaya't hindi rin sila makapaghanap ng magandang trabaho.
Kurakot na pamahalaan. Alam kong mahirap manghusga sa ating Gobyerno, dahil hindi naman natin alam at wala tayong sapat na ebidensya para sabihing sila ay nagnanakaw sa kaban ng pamahalaan, ngunit ang ipinagtataka lang natin, ay kung saan napupunta ang pera na ikinakaltas bawat sweldo at ang perang nalilikom sa taong bayan.
Lumulobong populasyon. Family Planning, yan ang sagot sa lumalaking populasyon ngunit siguro nga ay maraming Pilipino ang hindi nakakaunawa dito, hindi man lamang nila iniisip kung may maipapangkain ba sila sa kanilang pamilya kung sakaling dumami ang kanilang mga anak, sino ang kawawa? sinong dapat sisihin? ang mga anak o ang mga magulang.
Lumalalang polusyon. Polusyon, Hindi na ito bago sa atin, dahil alam nating lahat na tayong mga tao ang may gawa para lumala ito, dahil hindi tayo disiplinado, hindi natin kayang kontrolin ang ating mga sarili sa pagtapon kung saan-saan at hindi natin kayang linisin man lang ang mga kasalanan na ating kinakalat.
Kung ang lahat ng tao ay may disiplina maaaring mabawasan ang mga suliraning kinahaharap ngayong ng ating bansa, siguro lahat ng tao ay may sapat na trabaho malaki ang posibilidad na makaahon tayo, siguro kung maayos na ang buhol-buhol na kuryente maganda na tignan ang lansangan at mababawasan na rin ang sunog, siguro kung nauunawaan na ng iba ang salitang Family planning ay mababawasan na ang maghihirap at mababawasan na rin ang bilang ng populasyon, siguro kung pagmamahal na lamang ang ating papairalin sa puso ng bawat isa, wala ng nag-aaway away, siguro kung naiisip ng mga taong nag-iibang bansa na mas makikita ang pagiging nasyonalismo kung dito sila sa pilipinas maglilingkod ay marami na rin silang natutulungan, siguro kung ang pamahalaan ay iniisip ang tama at tapat na paglilingkod para sa bayan ay uunlad na ang ekonomiya at mababawasan na ang utang ng pilipinas.
Paghihirap ng Pilipinas ay malulutasan kung ang lahat ng tao ay may pagkakaisa at pagkakaintindihan, pagmamahalan at pagbibigayan, lahat ng tao ay magiging masaya at lahat tayo ay makikinabang. Sa pagtatapos nito, sana'y aking nabuksan ang inyong munting isipan, kasabay nito ang pagbubukas ng inyong mga puso sa pagiging TUNAY NA PILIPINO.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento