Apokalips


Linggo, Mayo 20, 2012

Barkada kong tunay.

Time Check : 1:40 a.m
May 21, 2012. Monday :)

Wala akong magawa.
Gusto kong gumawa ng blog.
Kahit pagod na ako.
Masaya ako.

Para samin magbabarkada, hindi ordinaryong araw to. Kanina idinaos ang 2012 Flores de mayo (Santa Cruzan). Taon taon itong pinagdiriwang, kaya masaya ako dahil taon taon din kasali yung mga kaibigan ko. Hindi ito isang ordinaryong araw para saming magbabarkada, tatlo sa kanila kasali tapos yung iba suporta.

Napakasayang araw ito para samin, dahil kahit papaano nabuo ang barkada namin kahit hindi kumpleto. Sa katunayan, hindi ko rin alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko pagnagkakasama sama kami, pero isang pakiramdam lang ang nadarama ko ... ang pagkasaya. Bakit nga ba ganito na lang ang pagkasabik namin na makumpleto ang barkada ? ganun ba kami kalayo sa isa't isa? bakit ganito ang reaksyon ko ? bakit ba ganito na lang ang labis na reaksyon ko ?... sa totoo lang, sinabe ko na. hindi ko rin talaga maipaliwanag.

Balik tanaw mula sa pagkabata namin:

Simula bata pa lang, hindi namin alam kung paano kami pinag tagpo-tagpo. kahit alam naming magkakaiba kami ng paniniwala, ng adhikain, ng suwestiyon, ng ugali at ng kung anu-ano pang ugali sa mundo, magkakaiba-iba kami !. Marami kaming mga hindi pagkakatulad-tulad. Sa totoo lang sa street namin sa Sto.Domingo, Holy Spirit, kami ang bumubulabog sa kalsada, kami ang panggulo ng kalye, kami ang kasiyahan ng mga matatandang nanunuod samin, kami rin ang kabwisitan ng mga magulang namin, (lalo na pag may sumusugod na magulang ng kaaway namin), kami rin ang nagpapasiya at nagbibigay inspirasyon sa mga batang susunod na henerasyon. basta kami rin ang pinakagago sa amin.

Sa lugar namin, parati kaming kinaiingitan ng lahat ng bata, dahil halos walang nagtatangkang sumali samin kapag may laro kami. dahil siguro sa pakiramdam nila hindi sila kasali, dahil siguro alam nilang iba ang ugali namin, iba kami sa kanila. Pag dating sa mga laro. Halos lahat ata ng laro, na laro ng pinoy, e, nalaro na namin. Bambsak, agawanbeys, tumbang preso, patintero, pinispalo, jolen, goma, tansan, chinese garter at tentwenty , teks, piring-piringan, tomsoyer, agawan panyo, dr.kwak-kwak, pepsi7up tapos hindi ko matandaan yung isa eh yung tatalikod ka, katalikod mu yung kalaban mo, tapos kailangan ilalarawan lahat ng pang-asar sa kalaban mo ng kakampi mo, hanggang sa mahulaan mo :)  at marami pang iba... (hindi ko na maalala yung iba, basta yan lang halos tumatak sa isip ko, paano yung iba kasi gawa-gawa lang naming laro, pero sobrang saya !! eh) basta !

1.) Bambsak : ito yung larong parang tagu-taguan. may isang taya, magbibilang siya. tapos lahat kayo kailangan nakatago na, tapos kung sinu makita ng taya sasabihin niyang "BOOOOM " tapos yung mga nakatago pa, pwede nilang isak yung taya. pag naSAK (hahawakan nung mga nagtago at sasabihing "SAK" yung taya, kung ilan yung naka SAK yun yung bilang ng ligtas sa mga na boom ng taya. tapos yung mga natirang hindi nailigtas, magkakamatisan sila. yung KAMATISAN: ipipikit ng taya yung mata niya, tapos magiiskrambol lahat ng nasa likod (nakapila sila ah) tapos sasabihin ng taya, STOP ! tapos iistap lahat sabay magsasabi ng number, kung ilan yung natirang hindi ligtas. tapos kung anung number sasabihin ng taya, bibilangin sa pila, kung sinu yung nasa numerong iyon. siya ang taya :). Hahaha, sobrang saya nu ? lalo pag kami ang naglaro, sigurado yan. gagawa ng effort. kung saan-saan magtatago, yung tipong buwis buhay !! whaha ..

2.) Agawanbeys : eto pamilyar naman siguro ang lahat diba?. para sa mga hindi. Ito yung larong may dalawang base. kampihan kayo, tapos sa base niyo kailangan andun yung kamay niyo para mantaya ng kalaban kailangan fresh yung pagbebase niyo kesa sa kalaban. Halimbawa, nagpahabol ako, hindi ako fresh from base. tatayain ako ng mga fresh from base, hanggang sa sunod-sunod na yung habulan na yun... o kaya paunahan maka base... yung kalaban niyo kailangan mahahawakan yung teritoryo niyo. paunahan, siyempre pag nangyari yun, sisihin ang tagabantay :D whaha ... Dito, dito sa larong to ! marami samin ang lumalabas ang pagka pikunin, ahaha yung tipong sasabihin ng isa madaya, tapos hanggang sa mag-aaway away na kami, at ayawan na :D whaha .. dito rin nadidiskober yung mga may talent sa pagtakbo :P

3.) Tumbang preso : dito naman, minsan lang namin laruin to kasi, nagkakatamaran, lalo na pag burot ang taya :D siguro naman pamilyar tayo lahat dito, yung may lata tapos hahampasin ng mga kalaro mu. isa lang ang taya dito, tapos pag natumba yung lata, pupulutin ng mga kalaro mu yung tsinelas nila. dito na yung pagkakataon mu para itayo ang lata, tapos tayain yung mga wala pa sa base :D haha ..

4.) Patintero : pamilyar naman tayo dito diba ? yoko na ilarawan o sabihin yung proseso ng game kasi mahaba to eh. peru nung naalala ko 'tong larong 'to naalala ko na naman yung mga panahong dito lagi kami nagkakapikunan. sasabihing nataya. sasabihin nung iba hindi. hanggang sa kampihan na yan. diskusyon. o kaya may magpaparayang grupo para lang hindi matigil ang laro, o kaya magmamataasan, hanggang sa sira nanaman ang laro. nauuwi lang sa AYAWAN NA ! hehe :)

5.) Pinispalo : pamilyar din kayo dito, :) ito yung may starting point, tapos may finish line :) peru tsinelas ang gamit tapos papaluin mu hanggang sa mafinish line  ... sa larong ito, paliitan kami ng pamatong tsinelas para mabilis fuminish, peru dito kahit indibidwal ang laro. nagkakampihan pa din ... pag nasa line kasi yung pamato ng isa pwedeng tumulong sa iba ang isang manlalaro. hanggang sa maburot ang gusto niyong maburot :) whaha .. tapos ang talo, ang parusa palo sa paa. grabe ang sasakit pa naman ng palo kaya hindi mo nanaising hindi mag praktis sa bahay niyo.

6.) Jolen, Goma at Tansan : sa jolen, dito alam naman natin mga ibat-ibang laro, gaya ng adding, tapos yung sasapulin mu yung holen sa box tapos paglumabas sayo na ! .. sa tindahan pamahal ng pamahal ang jolen. sa goma ganun din, kung minsan pa nga padamihan sa kamay, na ginawa ng bracelet :) at ang huli sa tansan, potik dito halos kung san san na kami dati nakakarating na lugar, para kaming mga batang gala at batang namumulot ng tansan, para lang paramihin, tapos ang saya namin pag nakakita ng takip ng softdrinks na pang 1.5 dahil malaki yung halaga nun :)

7.) Chinese garter & tentwenty : larong pambabae sabi niyo diba? peru sa mga kabarkada ko, wapakels. Go kung go, mapababae, mapalalaki. naglalaro, pupunta pa kami sa pinakamalayong lugar para lang makabili ng magandang klase ng garter :)

8.) Teks : haha sino ba naman makakalimot dito, nilalaro namin to kaso boring. kaya mabilis malaos. kung dati teks, ngayong henerasyon merun na silang "pogs" parang ganun din yung teks, kaso yung teks rectangle yung pogs bilog:) whaha yun lang pinagkaiba nila.

9.) Piring-piringan : alam naman ito ng lahat eh, peru sa amin may pinauso kami. may tatlong kapangyarihan ang taya, kulay RED,YELLOW at BLUE. pag Red natural lang ang kilos namin. pag Yellow, mabagal yung galaw namin, lakad lang. hindi pedeng tumakbo. pag BLUE hihinto ka lang. bawal kang gumalaw kahit papunta na sayo ang taya. ikaw ang taya pag brineak mu ang rule :) hehe o ' diba ? masaya ?

10.) Tomsawyer : alam naman to halos lahat ng bata, lalo na yung fan ni tom sawyer :) minsan lang namin malaro to, halos karamihan samin babae, kaya ayaw kasi sasampa pa sa likod diba? tsaka sakitan .. kaya ayaw namin, pag napagtripan lang ! hehe ..

11.)  Agawan panyo : masaya rin tong larong to. pauso lang namin. haha :D yung may magkalaban na grupo, tapos may isang referee na may hawak ng panyo. tapos parehas ang bilang ng kalaban niyo sa isang grupo. may bilang kayo. halimbawa lima, 1,2,3,4,5 .. tapat tapat kayo ,, pag sinabe ng referee ang number niyo lalapit kayo sa panyo parehas kayo ng katapat mong number ng kalaban niyo, tapos magpapakiramdaman kayo at gagawa ng diskarte kung paano kukunin ang panyo, nang hindi kayo matataya ng kalaban mu ... masaya tong larong to, hehehe :)

12. ) Dr.kwak-kwak : eto minsan yung ginagawang finale namin pag naglalaro, kasi lahat tinatamad na sa mga magagaslaw ng laro. eto kasi magbubuhol buhol lang kayo hanggang sa mabuo ni dr. kwak-kwak, minsan lang namin to nilalaro, pag napagtripan ulit :D wahahaha , boring eh, pambata masyado ..

13.) Pepsi7up : kung minsan konti na lang kami naglalaro nito, yung may mga energy pa, kasi nakakatamad din to kasi, may taya tapos huhulaan yung mga nasa utak niyo, depende sa theme :) hehe tapos kung sino may mahulaan tatakbo lahat hanggang sa may mataya :D whaha ..

tapos yung pang 14 nakalagay na dun. at marami pang iba ... as in, sobrang dami !
O diba, iilan pa lang yan pero sobrang saya ko pag-naaalala ko pa rin hanggan ngayon ? siguro nangulila ka rin sa pagkabata mo?, na parang gusto mu na rin balikan. ako kahit paulit ulit ko tong basahin. matatawa't matatawa ako dahil sabay ng pagbasa ko, nabubuo sa aking isipan ang mga askyon ng bawat barkada ko, bawat halakhakan, takbuhan, sugatan, pikunan, hanapan, sipaan, awayan. pero ang pinakamaganda dun, nagkakabati bati rin, kunabukasan.... Sadyang kay sarap balikan ng pagkabata, lalo na't may tropa kang katulad ng barkada ko. Kaya laking pasasalamat ko ring naging parte ako ng makulit kong tropa, kahit na sobrang daming pagsubok. kahit na sobrang kulit. ok lang.

Naalala ko rin ang trip namin dati, pag may dadaan halos pagtritripan namin. hanggang sa maka-away na namin sila. tapos bawat street sa holy spirit may kaaway kami. kumbaga parang siga kami, pero ang nakakahanga sa amin. walang iwanan sa ere, walang taguan, walang takutan,walang papatibag. laban ng isa, damay ang lahat pati ang nanay. umulan umaraw, susugod kami ! ... at eto pa, sino rin bang makakalimot sa telepono sa tabi ng tambayan namin. (uso pa telepono, nde pa masyado uso cellphone) halos hula ng number, tapos ipophone pal na namin ... isa pa sa pinakamalalang trip namin, ay maligo sa ulan. tapos biglang hinto ng ulan. kaya nagbasa na lang kami at nagtankang punuin ng tubig ang trak, na balak naming gawing pool ! (mga halatang wala pang isip, sino bang tangang nakapuno ng tubig sa likod ng truck ? hindi man lang namin naisip na may butas yun, pano namin mapupuno yun) hanggang sa maubos ang tubig sa drum nila ate nene :).... isama mo pa ang pagbalak ng pagtayo ng sarili naming bodega o binabalak naming bahay naming lahat, yung tipong titira kami  sa iisang bubong. hindi pa man natutupad, pero sisiguraduhin naming matutupad namin ang pangarap na iyon.

Ngayon, para sa akin, wala na akong makita pang mga batang naglalaro sa lansangan na natumbasan ang samahan na katulad ng sa amin. wala pa akong nakikitang kabataan na nagpapangiti at nagpapabalik ng alala ng mga taong lumipas na ang pagkabata. Blue Angel's Dragon (BAD) / Black Angel's Barkada (BAB) TEAM for ever :)) pangit man o korni mang pakinggan. isipin mo na lang bata lang ang nag-isip niyan :)
Hindi man perpekto ang barkada namin, ang importante naging parte kami nito, isang rekadong hindi pwedeng paghiwa hiwalayin. isang pamilyang binuo ng mga batang makukulit na hindi naging hadlang ang edad para bumuo ng isang importanteng pahina sa buhay ng bawat isa ... ang pagkabata. Salamat :*


---
Ngayong, mga nasa edad na kami ng pagkatanda, hindi pa rin lumilipas ang mga alaalang nag pamarka sa aming puso para bigyan ng halaga ang bawat pagkakataon sa buhay ng tao. ngayon, minsan na lang kami magkitakita, yung ibang barkada, may iba ng barkada, ung iba nasa ibang lugar na. hiwa hiwalay man kami, peru naniniwala pa rin akong magkakadikit ang puso namin. naniniwala pa rin ako o kami, na makukumpleto pa rin ang barkada namin. hindi man ngayon? bukas? pero ang tanging alam ko lang ay, may tamang panahon para paghandaan iyon.


I love you guys ,,,

toot*toot*too* ngayon ay ganap ng 3:45 a.m, Ika- 21 ng Mayo. Lunes.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento