Apokalips


Huwebes, Mayo 24, 2012

Kabanata 1: Buhay sa kolehiyo: Paglalayag sa Maynila

shuttle.
tapenshap. (stop&shop)
pup.


Mga sinakyan ko papuntang pup sta.mesa. Dalawang oras ang biyahe. Sawa sa usok.Tagaktak na pawis.Sira ang porma.walang kasama. estranghero.nakakakabang paglalakbay. sobrang inet (summer eh) tapos traffic pa.

Habang papalapit na ang pasukan, labis na rin ang kaba sa aking dibdib. wala pa akong paaralang papasukan. hindi ko pa sigurado kung saan ba ako?. Sadyang napakahirap magdesisyon, napakahirap pumili, napakahirap maglakad. napakahirap makipagsapalaran. sobrang napakahirap ....
Limang beses na akong pabalik balik sa pup sta.mesa, para maglakad ng mga papel ko. Dapat kasi talaga sa university of the east na ako. kaso 40k per sem ang tuition ko? napakamahal. kumpara sa pup na halos 2,200k lang ang tuition ko. kaya pinagtiyagaan... kahit mahirap. Sa buhay ngayon, dapat maging praktikal na lang, gustuhin mo man sa mamahaling skwelahan.. pero mahirap lang ang buhay kaya sa state u ka na lang ..

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas o mas kilala sa tawag na PUP, ay isa sa pinakamagandang unibersidad sa pilipinas. eka nga nila parang UP. ang pup ang tinaguriang pinakamababang tuition sa buong asya. Maraming ring mga istudyanteng naghahangad na makapasok sa unibersidad na ito, kaya napakaswerte kong isa ko sa mga iyon.

Subalit bago ako maging opisyal na mag-aaral ng paaralan, sadyang napakarami ko ring napagdaanan. sa tingin ko hindi lang ako, siguro halos lahat ng naghangad na magpup. naranasan ko ang haba ng pila, na umaabot hanggang 6th floor. naranasan ko rin ang lupit ng mga gwardiya na ayaw magpapasok hangga't wala ka pang magandang idadahilan. naranasan ko na ako lang bumiyahe at magpasikot sikot sa sta.mesa. naranasan ko ang magLRT mag-isa. naranasan ko ang sobrang katangahan, na maiwan ang test permit. dahilan para bumalik pa ako sa bahay (quezon city-sta.mesa).hindi ko rin makakalimutan ang sobrang nalituhan ako. ang north,south,east,west :). hindi ko rin makakalimutan ang kumausap ng ibang tao para lang magtanung kung saan ba ang hinahanap ko at kung saan ba ako sasakay. hindi ko rin makakalimutan yung mga panahon na gusto ko ng umiyak at sumuko. hindi ko rin makakalimutan na marami akong nakilalang mga tao sa pila. iilan lang to sa mga naging karanasan ko sa pup. masaya ako dahil kahit papaano tapos na ang paghihirap ko. may papasukan na ako. may kurso na ako. ang hinihintay na lang ay ako.

isang panibagong yugto ng buhay ang aking bubuksan na ang tanging hiling lamang ay makayanan. papasok na ako sa tunay na buhay, kung saan ko makikita ang realidad ng buhay.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento