Apokalips


Miyerkules, Setyembre 12, 2012

Ang tunay na karangalan


"Do not educate your child to be rich. Educate him to be happy. So when he grows up, he’ll know the value of things not the price."

kung minsan hindi natin alam kung ano nga ba ang tunay na kahalagahan natin bilang isang tao. Kung minsan din masyado tayong mapagkumpara sa mga taong mas nakakaangat dito sa lipunang kinagagawalawan natin. Ano nga ba ang mas mahalaga sa buhay? ano nga ang rason kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ibabaw.

Matalino. Mabait. Masipag
Ito ay iilan lamang sa katangiang hindi mo maitatangging totoo kapag nakilala mo si Ana. Sikat siya sa eskwelahan nila sa angking talino at kagalingan sa lahat ng aspeto. Iba ang kanyang kasipagan pagdating sa pag-aaral. Mabait si Ana, pero ang nakapagtataka wala siyang mga kaibigan sa paaralan.

Grade 1 pa lang si Ana siya na ang top 1 sa paaralan, hanggang grade 5 at pagdating ng grade 6 siya ang tinaguriang Valedictorian sa kanilang paaralan, kaya gano’n na lamang kahanga ang lahat ng kanyang mga kaklase sa kanya, pati na rin ang kapit-bahay nila. Halos pinuno na ni ana ang kanilang bahay ng tropeo, medalya at iba’t-ibang sertipiko. Kasabay nito ang mga ngiti ng mga magulang ni ana tuwing nakakakuha siya ng mga parangal.

Para sa mga ordinaryong mag-aaral, mga nagbubulakbol, mga loko-loko sa paaralan at mga batang pa-ulit ulit sa pag-aaral, sadyang nakakainggit ang mga batang matatalino katulad ni ana dahil sa kasikatan at karangalan na natatamo nito. Masaya nga ang maging katulad ni ana kung ating iisipin, sa kabila nito masaya nga ba si ana sa ginagawa niya ?

Tropeo. Medalya. Sertipiko
Mga bagay na gustong makamit ng bawat mag-aaral, dahil dito sumisikat ka, hindi lang yon, dahil nagiging proud sayo ang mga magulang mo. Para kay ana, ito rin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya at sa mga magulang niya ngunit kasabay nito, bago niya makuha ang mga bagay na ito marami siyang pinagdadaanan. Mag-aaral ng mabuti, hindi nakakapaglakwatsa, bawal makipagbarkada, kailangan lang magpokus sa pag-aaral at kailangan sumali sa iba’t –ibang paligsahan kahit na kung minsan hindi talaga siya magaling sa aspetong iyon, dahil na rin siguro sa siya ang inaasahan na sasali dito.

Hindi madaling maging honor student para kay ana dahil kung minsan naiisip niyang hindi niya natatamasa ang saya ng buhay, ang realidad sa kabila nito. hindi niya na minsan alam ang kahalagahan ng buhay niya sa mundong kanyan ginagalawan, para kay ana umiikot na lang ang kanyang mundo sa tropeo, medalya at sertipiko, hindi niya na nagagawa ang mga bagay ng ginagawa ng pangkaraniwang bata.

Tumuntong sa Hayskul si ana, kasabay nito ang lalo pa niyang pag-aaral ng mabuti dahil alam niyang mas mahirap na sa hayskul. Sa First year, siya na naman ang First honor, hanggang second year at third year, pagdating ng fourth year siya na naman ang tinanghal bilang Valedictorian, lumipas na naman ang 4 na taon na kaharap ni ana ang mga libro. Apat na taon na ang kasiyahan niya ay puro sa medalya lang at ang napupuntahan niya ay ang eskwelahan at bahay lang.

Sa pagsakay ng jeep ni ana, may nakasakay siyang magbabarkada. Sobra ang tawanan, ang kulitan at labis ang laitan pero makikitang nag-eenjoy sila sa buhay na kinagagalawan nila bilang kabataan na halatang komportable sila sa mundo. Walang problema at walang iniisip.. Naisip ni ana na ang mga magababarkadang iyon ay masaya kahit na walang natatamong karangalan, sumasabay lang sa agos ng buhay at nakakaraos sa pag-aaral kahit na hindi magsunog ng kilay. Pag dungaw niya sa bintana, nakita ni ana ang mga batang masayang naglalaro ng patintero, pumasok sa kanyang isipan ang tanong na, sa tinagal tagal niya sa mundo, nakapaglaro ba siya ng patintero ? o kaya naman kahit anong larong pangkalye man lang. Nakakalungkot isipin na hindi nga ito naranasan ni ana.

Noong nasa elementarya siya at hayskul, walang kaibigan si ana dahil natakot na siyang makipag kaibigan. Noong nasa grade 4 kasi siya, may naging kaibigan si ana, ngunit ginamit lang ang katalinuhan niya nito. Lagi niyang pinapakopya kahit sobra na at napagtanto niya na ginamit lang siya dahil iniwan din siya nito dahil may iba ng mga kaibigan. Sadyang tanga si ana pagdating sa pagkakaroon ng kaibigan.

Sa patuloy na pag andar ng jeep, biglang nagpatugtog si manong driver ng isang love song, kasabay nito ang pagsakay ng magkasintahan. Alam ni ana na sa pagdating sa pag-ibig dito lalo wala siyang karanasan. Minahal lang ni ana ang mga libro niya at nahumaling lang siya sa kanyang mga asignatura.
Sa patuloy na pag andar, patuloy din ang mga bagay sa paligid niya ng pagpapakita na  ang kalahati ng buhay niya ay nasayang, hindi sa sinasaabing hindi na lang dapat siya sana nag-aral ng mabuti, naisip lang niyang masyado lang natuon ang oras at panahon sa pag-aaral, yung mga bagay na dapat niyang matutunan sa labas ng apat na sulok ng kanilang klasrum ay hindi niya natutunan. Napagtanto ni ana na sa katagalan ng pananatili niya sa mundo, sinayang niya ang oportunidad na maging masaya kahit saglit lang.

Masaya ang buhay. masaya ring makatamo ng karangalan, pero mas masaya kung pagsasabayin at ibalanse ang buhay sa paggalaw natin dito sa mundong ibabaw. sa kasiyahang ito, hindi natin namamalayan na ang buhay  ay maikli lamang. ang pag-aaral ng mabuti ay isa sa mga sagot para sa pagtamo ng ating pangarap, kasabay nito ang karanasan sa ating buhay na magpapatibay sa ating pundasyon, dito makakaranas tayo ng kung anu-anong pagsubok dahilan upang patuloy tayong bumangon at harapin ang buhay. dito nagkakaroon tayo ng mga ideya kung papaano laruin ang buhay, upang maging masaya. Sa sitwasyon ni ana, hindi niya ito na enjoy, ngunit para sa kanya hindi pa huli ang lahat, mahaba pa ang lalakbayin niya para harapin ang kalahati ng buhay ang magkaroon ng buhay pag-ibig, magkaroon ng mga kaibigan, maranasan ang kamalian, at makita ang tunay na ibig sabihin ng buhay.

Bumaba si ana ng may ngiti sa kanyang labi, kasabay nito ang biglaang pagpikit ng mga mata, at pagmanhid ng buong katawan. Ngayong napagtanto ni ana ang lahat ng mga bagay, kasabay nito ang pagbawi sa buhay niya na minsan hindi man lang niya naitama ang kamaliang kanyang iginuhit sa kanyang kapalaran. Papunta na sana si ana sa paaralan ng biglang siyang banggain ng isang bus. na comatose si ana, ngunit ilang araw lang bago ang graduation ay binawian na siya ng buhay.

Araw ng Graduation:

Pumunta ang lahat ng pamilya ni ana. nang tawagin ang kanyang pangalan, ina ni ana ang pumunta sa entablado para sa kanyang speech. "Nakita ko ang mga sulat at tula na ginawa ng aking anak, mahal na mahal namin siya, ngunit ngayon lang namin napagtanto na hirap na hirap na siya na puro aklat na lang ang kanyang kaharap. mahirap din ang maging achiever para kay ana. marami man siyang karangalan ngunit masakit para samin na hindi siya naging masaya sa mundong ibabaw. masakit para saming mga magulang niya ang malaman ang mga bagay na ito. ngunit nagpapasalamat ako sa aking anak sa lahat ng naiambag niyang karangalan sa pamilya. mahal na mahal namin siya. " sabay ng paghagulgol ng buong kamag-aral ni ana at pagsaludo sa kanyang kadakilaan at katalinuhan.

Sadyang nararapat na tularan si ana sa angking talino niya, kasabay nito na huwag sana nating kalimutan na sa labas ng paaralan ay mayroon din tayong matututunan, mahalagang sumabay lang tayo sa agos ng buhay at  ibalanse ito. maikli lang ang buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento