Apokalips


Lunes, Nobyembre 07, 2011

BABALA: BAWAL MAGBASA! (Kung ayaw mong matulad ka sa kanila)


Pagkatukso...Pagkalibog...Pagkasabik... Mga katagang masakit pakinggan sa tainga. Ito ang magiging ugali ng isang tao matapos makabasa ng malalaswang babasahin, na dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng karahasan at hayok sa laman.

Ayon sa nakalap na impormasyon, May mga ebidensya na nagpapatunay na ang epekto ng pornograpiya ay sumusunod na sa gawaing kriminal. Sa kabila nito, 70% na sa mga kabataan ang nahuhumaling at nauudyok na magbasa ng malalaswang babasahin.

Hindi maikakaila na sa modernong panahon ngayon, ang pagpapadali at papaliit na bahagdan ng mga bagay-bagay na dati ay imposible, ngayon ay possible na. Kung ang mga kabataan dati ay musmos pa ang kaalaman patungkol sa porno, ngayon malawak na ang kaisipan na nabubuo nila dito.

Malinaw sa aklat na Sex-Related Homicide and Death Investigation ni Vernon Gerbert, Ipinakita sa mga ebidensya sa bawat kaso ang koneksyon sa pagitan ng porno at ng mga bayolenteng sekswal na Gawain. Ang pornograpiya ang nagiging daan upang gumawa ang isang tao ng krimen. Karamihan ng mga nagkakasala sa pagpatay at panggagahasa ay nagbabasa ng porno dahilan upang isabuhay nila ito.

Sa ganitong kalagayan, Hindi matatapos ang relasyon ng magulang at anak. Magkaedad man ang isang indibidwal kailangan niya pa rin ang gabay at patnubay ng magulang , hanggang sa magkaroon ito ng sariling pamilya, dapat hindi siya lumaki at mabuhay sa mundo ng malalaswang babasahin at palabas.

Ayon sa pag-aaral sa 37 na mga nagkasala sa salang pagpatay, 30 ang nahikayat ng pornograpiya. Dagdag  pa dito, ang mga bumibili ng mga malalaswang babasahin ay pawang menorde edad, na nasa 13-14 taong gulang pataas.

Ang mas malala pa sa isyu, ang pinagkukunan ng mga tao ng impormasyon. Ang midya, ay hinawaan na rin ng porno, mas nakakabahala pa dahil ang kapangyarihan nitong maabot ang sino at saan mang panig ng bansa ay may posibilidad na mas marami pa ang malululong na kabataan.

Sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga kabataan na nalululong sa pagbabasa ng malalaswang babasahin, dadami rin ang porsiyento ng mga kabataan na masasangkot sa mga bayolenteng Gawain.

“ Kung mapipigilan na ang pagbebenta ng mga pornograpiya, mababawasan na ang porsiyento ng  bilang ng krimen at karahasan dito sa bansa”.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento