Apokalips


Huwebes, Marso 15, 2012

Juan, anong paki mo?!

Isang munting bayan kilala sa tawag na pilipinas
anung nangyayari at mukhang may dinaranas,
gamutin natin ang naghihirap na pinas
bansang puno ng kurakot at mandurugas.

Gaya ng lamang ng mga opisyales ng pamahalaan
halatang wala man lamang silang pakiaalam,
kinukurakot kaban ng mamamayan
hindi iniisip na maraming nahihirapan

Kung ating pagmamasdan ang kapaligiran
unti-unting nauubos ang mga likas yaman,
paano na ang susunod na henerasyon
pag dating ng panahon baka hindi sila makabangon

Hindi naman puro panlalait ang aking nasa isipan
kahit naman papaano tayo'y may pinanghahawakan
sa kultura at galing sadyang may kasikatan
lalo na pagdating sa sining, mga banyaga tayo'y pinapalakpakan.

Mga bayani natin sa kasaysayan at kasalukuyan
dapat na sila ang ating tularan
nagbuwis ng buhay para lang sa bayan
hahamakin ang lahat maproteksyonan lamang

katagang, "May paki ako kasi tao ako"
alam mo ba kung anong saysay nito?
kumilos ka juan bilang isang pilipino
alamin mo ang katumbas nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento