Apokalips


Huwebes, Abril 12, 2012

sms [sad.midnight.summer]

nayayamot.nalulungkot.namomroblema.

Bakasyon. Panahon na hinihintay ng bawat bata at kabataan upang maranasan ang pagsasaya sa kabila ng sampung buwan na pag-aaral, kasama ang libro,papel,lapis at bolpen. Ngunit teka, bakit ako ganito ang nararamdaman ko ngayon .. ni hindi ko ramdam ang bakasyon para magliwaliw at magsaya kasama ang mga kaibigan, ni hindi ako makalabas ng bahay, ni hindi ko magawang sumama sa mga lakad ng barkada at mas lalo akong nababalisa.

Sabi ng iba, lahat ng tao dumaraan sa matitinding problema. Ngayon, gumawa ako ng isang munting salaysay upang maipahayag ang tunay na nararamdaman. Ngunit sa puntong ito, hindi ako gagawa ng salaysay patungkol sa kalikasan, sa pag-ibig o sa bayan ... gagawa ako ng salaysay patungkol sa aking pamilya at sa aking nararamdaman na labis na gumugulo sa aking isipan kung bakit hindi ko kayang magsaya ngayong bakasyon.

Problema sa pagpili ng kurso.
problema sa skul na pipiliin.
problema sa magulang.
problema sa kapatid.
problema sa pera.

Problema sa pagpili ng kurso at problema sa skul na pipiliin ko. Bakit ba kasi pinoproblema ang pagkokolehiyo? .. yan ang tanong ko sa sarili ko, para sa isang hayskul gradweyt na katulad ko, sadyang napakahirap magdesisyon sa karerang pipiliin mo katumbas pa nito ang pagpili sa paaralan na papasukan mo. Dito iisipin mo ang lahat ng nalalaman mo, dito ka mag eebalwasyon kung anu ang natutunan mo at kung saan ka larangan magaling o nabibilang. dito nakabase ang kinabukasan mo at ang propesyon mo. bakit nga ba napakahirap. bakit ? Dagdag mo pa ...

Problema sa Magulang. Ang hirap bagayan ng magulang, lalo na kapag taliwas ang desisyon ng mga ito sa pansarili mong desisyon. Alam mo yung tipong , hirap na hirap kana mag-isip ng kursong babagayan mo, na halos sa gabi iniisip mo at pagtingin mo sa bintana umaga na pala. sabayan pa ng pag-iisip kung san ka mag-aaral, sabay tanong "kaya ba nila ang matrikula don?". Napakahirap sundin ng mga magulang lalo na kapag ayaw mong gawin ang utos nila, hindi naman sa sinasabi kong kailangan nating ipagpilitan natin ang gusto natin at suwayin sila, subalit gusto ko lang ipabatid na sa ganitong punto kailangang hayaan nila tayong makapagdesisyon para sa atin, dahil tayo ang nakakaalam sa nararamdaman natin ...

Problema sa kapatid. Sa totoo lang, wala akong problema sa mga kapatid ko eh, lahat sila iniintindi ako bilang bunso, pinapayagan ako sa lahat ng gusto ko, suportado ako sa lahat ng bagay na ginagawa ko at mahal nila ako bilang ako. Ngunit, sa kabilang banda, minsan naiisip ko na bakit nila ako iniwan sa ere, alam kong mali ang iniisip ko peru yon ang nakikita kong dahilan, bakit parang ako yung nagbubuhat sa pasanin na dapat sa kanila? bakit sila maagang nag-asawa? bakit kailangang pati ako nadadamay sa mga bagay na dapat hindi ko iniisip? pero bandang huli, bigla kong naisip kapatid ko sila. Isa lang ang pinanghahawakan ko kung bakit nanatili akong matatag, yun ay alam kong may plano ang Panginoong Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Problema sa pera. Nagtwit ako : "Bakit ba kasi feeling ko #pera ang nagpapagana sa kasiyahan ng tao." sagot ng kaibigan ko : Makapangyarihan eh. sagot ko naman : makapangyarihan man ang pera .. kailangan pa ring hindi mapaikot nito ang mundo. sagot ng kaibigan ko : Welcome to 2012 my friend. Welcome. sagot ko ulit : hindi natin maaring ibase ang pagbabago sa taon ... nasa tao kung papaano iikot ang mundong kinagagalawan ng bawat indibidwal. sagot ng kaibigan ko : Eh ang problema, Kasabay magbago ng taon ang pagbabago ng tao. hahaha sagot ko ulit : yun ang problema NYOng mga taong sumasabay sa pagbabago ng taon. Sa makatuwid pera ang nagpapasaya sa tao, dahil ito ay makapangyarihan. Pag walang pera, walang pambili, walang maiinom, walang makakain. lahat ng tao mamatay. Masakit man isipin kailangan tanggapin dahil ang pera ang puno't dulo ng ating buhay.

yan ang kwento ng .. nakayayamot.nakalulungkot.nakakaproblema na baksyon ko. wala ng ibang ginawa kundi ang mag.isip.tumunganga at matulog hanggang sa lumipas na ang isa na namang araw.

toot * toot * toot * its already 3:12 a.m

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento