Lihim na pagmamahal sa kaibigan
mahirap aminin ang katotohanan
araw-araw siyang tinititigan
nadarama'y puro kabiguan
kapag kasama ka'y labis ang tuwa
ngiti sa aking labi lagi kong napupuna
kapag ako'y iyong tinitignan sa mata
ako'y umiiwas, wag mo lang mapuna.
buong mundo ko'y umiikot sa iyo
damdamin ko naman ay nalilito
hindi malaman kung aaminin sa iyo
o itatago na lang para hindi ka lumayo
hindi ko alam kung kailan aaminin
subalit baka hindi ko na naisin
dahil baka isang araw ako'y magising
at wala kana sa aking piling
turing mo sa akin ay isang kaibigan
turing ko sa iyo ay isang kasintahan
mahirap man ang pinagdaraanan
puso ko pa rin sayo'y nakalaan.
sa pagtatapos ng munting tula
patuloy pa rin akong umaasa
kasing taas man ito ng alapaap
ito'y aking aabutin dahil ikaw ang pangarap.
astig po ung tula nyu pede mahiram???
TumugonBurahinsure :)
TumugonBurahin