Sa paglipas ng
bakasyon.Sa pag pasok ng kalagitnaan ng may, automatic na tag-ulan na yan.
Sunod-sunud nang darating ang mga bagyo. kasabay nito ang kagustuhan nating mga
pilipinong kumain ng mga maiinit na pagkain upang matabunan ang lamig na ating
nararamdaman. sadyang ito'y naging tradisyon na sating mga pilipino. sa
ganitong tag-ulan kumakain tayo ng mga pagkaing pampainit ng ating sikmura, ngunit
anu nga bang mga pagkain ang gustong kainin ni Juan sa mga ganitong panahon.
tara't ating alamin.
Lugaw. isa sa mga popular na kinakain ng mga pilipino tuwing
tag-ulan. hindi lang dahil sa masarap ito, hindi pa mabigat sa bulsa ang
paggawa nito. saluhan pa ng mga kapares nitong tokwa't baboy at itlog, o kaya
naman ay kung anu anong klase ng laman. Isa pa sa mga paboritong kainin nating
mga pilipino ay ang.. Mami. hindi lang sa mainit sa lalamunan kundi mabigat pa
sa tiyan, dahil sa sahog nitong baka o manok. Marami man tayong kinakain na
pampainit ng ating sikmura, ngunit ano nga ba ang orihinal na pagkaing pilipino
tuwing tag-ulan?
Ayon sa food historian na si Nancy Lumen, ito man ang mga pagkain
na ating kinakain tuwing tag-ulan ngunit hindi ito orihinal na pagkaing
pilipino, ito ay chinese food at definitely most popular comfort food lamang
kapag ikaw ay may sakit. Kung akala ng marami ay ang lugaw ay orihinal na
pagkaing pilipino dahil ito'y pasok sa budget ng nakararaming pilipino at alam
nating ang pangunahing sangkap nito ay ang kanin na kung saan tradisyonal na sa
ating mga pilipino.
Sa pagdaan ng panahon, ang kanin na ginagamit sa paggawa ng lugaw
ay natutunan din nating ipakulo sa cocoa at tyaka hahaluin hanggang sa lumapot
ito. Ito ay mas kilala natin sa tawag na Champorado. ngunit ano nga ba ang
orihinal na pagkain ng mga pilipino tuwing tag-ulan, ayon sa mga historian ang
bulalo ang orihinal na pagkaing pampainit ng mga pilipino.
para po sa
akin, hindi na kailangan kung ano pa man o san nagmula ang ating kinakain. ang
mahalaga dito tayo'y nakakakain. hindi na rin dapat kuwestiyunan ang
kinalakihang tradisyon ng mga pilipino at ang mga pagkain na natutunan nating
lutuin sa mga kastila man o sa mga intsik.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento