Apokalips
Linggo, Hulyo 08, 2012
"Why Dolphy can't be a National Artist any time soon." -- Lito Zulueta.
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Reaction Paper:
Itong nakalipas na araw, maraming mga naglabasang balita patungkol sa King of Comedy na si Dolphy. Si Dolphy ay kasalukuyang nasa Makati Medical Center dahil siya ngayon ay nasa kritikal na kondisyon. Kasabay nito may lumabas na isyu tungkol sa desisyon na kung karapat dapat nga bang gawing National Artist ang nasabing aktor.
Sa ngayon, kasalukuyan pang pinag-aaralan ang mga ebalwalsyon ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) patungkol dito. Sadyang Maraming katanungang hindi pa masagot at mayroon namang sagot na, pero wala pang katanungan. May mga iilang kritiko ang nagreact tungkol sa isyu. Sabi ng ilan.."isa sa mga criteria sa pagpili ng National Artist ay ito. "Achievements of Filipino artists who embody the nation's highest ideals in humanism and aesthetic expression." base dito, hindi daw karapat dapat si Dolphy maging National Artist sapagkat karamihan sa mga pagpapatawa nito ay pawang kabastusan ang ibig sabihin at ito'y scripted lamang." Sabi naman ng mga pumapanig kay Dolphy "May malaking ambag sa industriya ng sining sa bansa (performing art, broadcast media, cinema). Siya ay nagpasaya ng maraming henerasyong dumaan kung kayat karapat dapat lang na maging national artist siya." Marami mang haka-haka ang iilan. Ano nga ba ang tamang batayan o dahilan kung bakit pinapahaba pa ang usaping ito.
Ayon sa sarili kong reaksyon, Unang pumasok sa aking isipan ay "bakit kaya ganoon? kung kailan nasa critical condition ka, dun ka nila ginagawa at pinag-iisipang gawing NATIONAL ARTIST ?!" bakit kaya halos tumanda na si Dolphy sa industriya, hindi nila pinag-isipang gawing national artist, hindi kung kailan nasa matinding karamdaman siya. Hindi ba't tama naman na bakit kailangan pang pagdeskusyunan o palawakin ang isyu kung pwede naman idaan sa simpleng paraan tutal mayroon naman silang basehan.
Para sa positibo kong pananaw, Sadyang hindi maikakaila na tumanda na si Dolphy sa larangan ng pag-aartista at pagiging komedyante. Isa rin siya sa mga nagpatatag sa mundo ng komedya at hindi maitatanging napakagaling niya sa larangang iyon. Halos iba't ibang karangalan na rin ang natamo ni Dolphy sa kanyang mga palabas at pagpapatawa. Ayon sa Punto for Punto."Sa panuntunan ng National Commission for Culture and the arts, hindi kongreso, fans, internet petition o pulitika ang magiging basehan, kundi ang mga pagsasama-samahing nominasyon ng mga lehitimong artists organizations sa National Artists Secretariat ng Cultural Center of the Philippines." Para sakin, dapat lang na may tamang basehan sa pagpili ng tatanghaling National Artist, pero hindi sa matagalang proseso.Sa tingin ko, karapat dapat naman siyang makabilang sa National Artists sapagkat napatunayan na niya, na isa siya sa mga ito,marami na rin siyang natanggap na papuri sa mga tao, sa daming sumusuporta, sa karangalang mga ipinarangal sa kanya, dahil sa tinanghal siya bilang King of Comedy, isa siya sa mga nagpatatag sa industriya at marami siyang napasayang tao.
Kung sa Negatibong pananaw naman natin pagbabasehan, masasabi kong halos may bahid ng kalokohan at kabastusan ang mga pagpapatawa ng aktor ngunit ito ang realidad kung kaya't walang tamang basehan para kuwestyunin, sadyang ang mundo ay nababalot sa ganitong sistema, sadyang ang halos lahat ng kalokohan ay darating at darating sa gano'ng punto, at alam nating mahirap ang magpatawa lalo na't kukunin mo ang atensyon ng mga tao. Sabi rin ng iba scripted ito, hindi ba't halos lahat naman ng artista dumaan sa ganito, gaya nga ng sabe ko mahirap ang magpatawa. nakakabilib din siya dahil kahit scripted madarama mo pa rin ang galing niya sa larangang iyon.
Marahil hindi dahil sa nasa proseso pa ang kasong ito ngunit sa tingin ko ay sadyang pinag-iisipan nilang mabuti kung sino ang ilalagay sa pwestong iyon dahil sabi nga nila babayaran siya ng kumpanya oras na mailuklok siya sa pagiging National Artist o kaya siguro ay wala lang silang maipambabayad sa aktor o kaya naman ay mahigpit ang presidente dahil pinag-iisipan niyang mabuti ang isyung ito para hindi matulad kay Pangulong Arroyo. o sadyang walang budget para dito.
Kung ating susumahin hindi na dapat palakihin pa ang isyung ito, hindi naman importante kung magiging National Artist ang isang tao. Nakadepende pa rin ito sa tao kung sino-sino ang mga taong napasaya niya sa mga nakalipas na taon, o kaya naman kung paano siya tumatak sa industriyang kinagalawan niya. Sana'y maging isa si Dolphy sa mga National Artist ng bansa dahil sa kanyang natatanging karakter.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento