hayskul layp ang pinakamasaya
naramdaman ko ang kaba at sayang tumuntong sa sekondarya
wala akong ni isang kakilala
hayskul layp ang pinakamasaya
kahit walang katiyakan kung makakapasa
ginagalingan na lang sa pagsusulit
upang ang tuition fee ay masulit
hayskul layp ang pinakamasaya
pag nagkokopyahan labis ang ligaya
kalokohan ng bawat kaklase
sa buhay ng isang tao, ito ang ibang klase
hayskul layp ang pinakamasaya
dito mo lahat maipapakita
ang iyong nararamdaman at ugali
na sila lamang ang nakakaintindi
hayskul layp and pinakamasaya
kumpletong rekado ng bawat isa
nakakagawa man ng gawaing palpak
ok lang, dahil sa kasaysayan ng skul kami ay tumatak
hayskul layp ang pinakamasaya
mga kaklase ang kasama sa hirap at saya
nakakahanga dahil laging nandyan sila
sasamahan ka sa kalungkutan at ginhawa
hayskul layp ang pinakamasaya
dagdag pa ang sermon nila
mga guro na sadyang nagtitiyaga
isang katagang pasasalamat para sa kanila
hayskul layp ang pinakamasaya
lalo na pag ito'y nasimulan na
ngunit paano't kami ay magkokolehiyo na
paano na ang mga ala-ala?
hayskul layp ang pinakamasaya
ang kalungkutan dito mo din madarama
kung kailan sila'y napamahal na
hindi ko alam kung sila pa ay makakasama
hayskul layp ang pinakamasaya
sa graduation luluha kang talaga
ngayon ang araw ay papalapit na
nabibilang na ang limit na pagsasaya
haskul layp ang pinakamasaya
hindi ko makakalimutan talaga
dito nabuo ang aking pagkatao
kaya ako'y lubos na nagsusumamo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento