Ang
Wika ba ay nakakaapekto sa kultura at lipunan. At ang kultura at lipunan ba ay
nakakaapekto sa wika.
Ang isa sa pinakamahalaga sa tao at
lipunan ay ang wika. Samantala ang wika ay nabuo para sa tao at lipunan. Ayon
sa isang linggwista na si Henry Gleason, “Ang wika ay tumutukoy sa masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang
kultura.” Sa lipunan, wika ang tumutulong upang labis na magkaunawaan ang mga
tao sa isa’t-isa, ito rin ay mahalaga sa lipunan sapagkat gaya nga ng sabi
nila, “No man is an island.” Samakatuwid, walang sinuman ang maaaring mabuhay
na para sa sarili niya lamang. Nabuo ang wika para sa lipunan at ang lipunan ay
nabuo dahil sa wika, kaya nakakaapekto ang wika sa lipunan na ginagalawan ng
tao.
Ang wika ay nakakaapekto sa kultura,
sapagkat matutukoy o makikilala natin ang isang tao sa kung ano ang wikang
kanyang ginagamit, gayun din malalaman natin kung ano ang kultura o etnikong
kanyang pinagmulan. Hindi maitatangging, hindi mapaghihiwalay and wika at
kultura, dahil sumasalamin sa kultura ng isang tao ang kanyang ginagamit na
wika, may mga salita din kasing pag-aari lamang ng isang bansa. Halimbawa na
lang nito ay sa pilipinas, dito lang sa atin ang may salitang “Po”,”Opo” at
“Oho” na naglalarawan sa kaugalian ng mga plipino bilang sa pagiging magalang.
Sa ibang probinsiya naman gumagamit sila ng “Manong” at “Manang” kapag mas
nakakatanda sa kanila ang isang tao na sa ibang lugar partikular sa mga taga maynila,
ay hindi na ito ginagamit o paminsan-minsan na lang ginagamit dahil para sa
karamihan hindi ito maganda pakinggan.
Dinamiko ang wika, ito ay buhay na
patuloy ring nag-iiba ang kahulugan, pagbigkas at tunog sa paglipas ng panahon.
Ang malaking nakakaapekto dito ay ang lipunan na ating kinagagalawan. Sa
kadahilanang marami nang naiimbentong salita katulad na lamang ng mga salita sa
gay linggo (o salita ng mga bading) at ang iba pang mga bagong salitang nabubuo
sa lipunan. Taon-taon maraming nadidiskubre na wika dahil masyadong matalino na
ang mga tao, kung kaya’t mabilis na naiimpluwensiya ng mga ito ang wikang
gagamitin sa isang partikular na lipunan.
May mga kanya-kanyang lahi ang bawat
isa, dito sa asya halos iisa lamang nag hulma ng mukha ang mga tao kung kaya’t
nakakalito tukuyin kung saang bansa ito nanggaling o ano ang kultura nito kaya
sa wikang gamit ng isang tao maaring makilala natin kung saang bansa galling
ito. Mahalaga talaga na magkaroon ng pambansang wika ang isang bansa upang mas
madaling matukoy ang isang tao sa kung saan siya galing at dito rin nagkakaroon
o makikita ang pagkakaisa ng isang bansa gaya na lamang sa kultura ng korea,
parte ng kultura nila na hindi maaring magturo ng ingles sa lugar nila kung
kaya’t kinakailangan pa nilang pumunta sa ibang bansa para matuto ng salitang
ingles, kapag marunong ka mag ingles at nasa korea ka mataas na ang tingin nila
sa’yo dahil bihira lang ang marunong mag-ingles sa kanila. Sa kultura ng mga
taga korea, makikita natin kung gaano nakakaimpluwensya ang wika sa kanila.
Gaya din ito ng bansang Tsina at Japan kung saan kahit na hindi sila marunong
mag-ingles, maunlad ang bansa nila.
Gaya ng nabasa ko “Kahit na ang ingles
ang ating “Lingua franca” sa buong mundo, kailangan pa rin natin ng pambansang
wika” Kultura din sa ating mga Pilipino na kapag magaling mag-ingles ang isang
tao o nakakapagsalita siya ng banyagang wika, andun yung pag-iisip natin na mas
matalino o mas magaling ang taong iyon kaysa sa atin kaya kung minsan mas
napapamahal tayo sa lenggwahe ng iba at hindi sa sarili nating wika. Sadyang
nakakaapekto ang kultura sa wika lalo na kapag naimpluwensyihan ng lipunan na
kinagagawalan nito.
Sa kabuuan, apektado ang wika sa
kultura ng isang tao at sa lipunan ng partikular lugar at gayun din
nakakaapekto ang kultura at lipunan sa wikang ginagamit. Sadyang hindi
maipaghihiwalay ang dalawa, ang wika at kultura, samantala nakabuntot sa
kultura ang lipunan dahil kung walang lipunan walang mabubuong kultura, at kung
walang kultura maaarin may sari-sariling paniniwala ang tao sa isang lipunan.
Mahalaga ang wika kaya’t mahalaga ring mahalin ito.
Maaari mo bang ibuod kung paano magkaugnay ang wika sa kultura? Malaking tulong ito sa akin. :)
TumugonBurahinBakit magkaugnay ang wika,kultura at lipunan?
BurahinAno po yong epekto ng kultura sa wika?
TumugonBurahinAng kultura ang nagdidikta ng tama o mali sa isang lipunan kaya't malaki ang epekto nito sa wika. Halimbawa na lamang sa batangas diba mayroon silang punto doon na hindi mo makikita sa ibang lalawigan dahil sila lamang ang mayroong ganun na punto na indikasyon na sila ay batangenyo sumasalamin din iyon sa kultura nila. Ang mga taga maynila ay malalaman agad kung ikaw taga probinsya o hindi sa paraan ng iyong wika
BurahinAno Ang epekto Ng kultura sa wika I Ang wika sa kultura
BurahinAno pong contribusyon ng kultutura sa mapayapang lipunan?
TumugonBurahinAno po ba ang relasyon ng lipunan sa kultura?
TumugonBurahinAno po ang kaugnayan ng kultura at lipunan?
TumugonBurahinJsmsjs
BurahinAno ang pagkakapareho ng wika, kutura at lipunan?
TumugonBurahinBakit ang kyot ko?
TumugonBurahinKasi maliit na😂
BurahinKasi maliit na😂
Burahin