Apokalips


Sabado, Agosto 23, 2014

Gay Lingo

Malaking halaga ang nagagawa ng wika sa tao dahil ito ang nagiging tulay ng bawat isa upang magkaunawaan at isa rin ito sa dahilan upang magkaroon ng matatag na lipunan. Gamit ang wika maaring mapa-unlad ng bawat indibidwal ang kanyang sarili, lipunan at pati na rin ang kultura ng isang bansa. Wika ang bumubuo sa tao at lipunan kung kaya’t mahalaga ang gampanin nito sa isang bansa upang makabuo ng iisang kultura. Ayon nga sa isang linggwista na si Henry Gleason, “Ang wika ay tumutukoy sa masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang kultura.”

Sa Pilipinas, marami nang naglipanang iba’t-ibang uri ng mga salita na lagi nating naririnig sa araw-araw hanggang sa mabilis na natin itong matutunan at kinalaunan ay matatanggap na rin natin. Isa sa karakarakang umusbong ay ang ‘Sward Speak’ o mas kilala natin sa tawag na Gay Lingo. Ang Sward Speak o Gay Lingo ay ang mga terminolohiya o salita na ginagamit ng lipunan ng sangkabaklaan. Sa panahon ngayon hindi kapansin-pansin na hindi na lamang basta beki o bakla ang gumagamit o maririnig nating nagsasalita ng kanilang lenggwahe kundi mapababae man o lalaki rin ay nakakaunawa at ginagamit na ito. Isa ang Gay Lingo sa malaking epektong nagpapabago sa kulturang wika ng mga Pilipino dahil marami na ang tumatangkilik dito lalong-lalo na ang mga kabataan.

Sa pag-aaral nito matutuklasan ang dating sinasabing “Lihim na Wika” na sa kasalukuyan ay mabilis at marami na sa atin sa panahon ngayon ay ang tumatanggap, ika nga nila ay ladlad na. Upang mas lalo pang mapalawig at mas maunawaan ay layunin nitong mapag-aralan ang kasaysayang nakapaloob dito at kung paano ito mabilisang lumaganap sa kalipunang Pilipino. Pangunahing maririnig natin ang mga salita ng Gay Lingo sa midya partikular na sa radio, telebisyon at lalong-lalo na sa Social Media (tulad ng Facebook, Twitter, Instagram) na karaniwan nang nangunguna sa pag-impluwensiya sa maraming kabataan. Isa ang Gay Lingo sa nagpapatunay na buhay at dinamiko ang wika sa Pilipinas na tulad nito ay nagbabago ang kahulugan, nag-iiba ang gamit at iba-ibang terminolohiya na dumdepende sa estado ng buhay ng tao ang paggamit ng wika. Layunin din sa pag-aaral nito ang pagtuklas sa kahulugan ng Gay Lingo, mga terminolohiyang kanilang ginagamit at kung paano ito nakakaapekto sa lipunan at sa Wikang Filipino, negatibo man o positibo.


Sa patuloy ng paglipas ng panahon hindi maiiwasang magbago ng wika dahil sa daming mga iba’t-ibang salita o termino na ang na-uuso, ngunit hindi na bago ito sa mga katangian ng wika. Ang wika ay dinamiko, ito ay nagbabago, ito ay buhay na patuloy-tuloy na magbabago sa paglipas ng panahon. Tulad ng Gay Lingo kahit na maraming tao ang tumatangkilik sa uri ng salitang ito, wala pa ring nabubuong diksyonaryo o kung ano mang permanenteng salita para sa isang bagay dahil buhay ito. Gayundin, walang pa ring katiyakang linaw sa kung ano ang katayuan nito sa makabagong lipunan ng Pilipino. Malaki ang iniiwang impluwensiya ng wika sa ating lipunan dahil maaari nitong mabago ang kultura ng isang bansa kung kaya’t nararapat na huwag basta-bastang hindi pansinin ang lumalaganap na suliranin sa Wikang Filipino.

Miyerkules, Agosto 20, 2014

Traditional Games: Restore, Revive, Preserve


Traditional Games: 
Restore, Revive, Preserve

Time flies so fast. Take a look at your surroundings; everything’s connected through technology and most of the people in the world have become obsessed with modernization. Change is truly the only permanent thing in this world.

Have you ever experienced playing the games piko, tumbang preso, luksong tinik, luksong baka, patintero, tsato, jolen, bahay-bahayan, agawan base, langit-lupa, sipa, and tumbang preso? These games are the games played by Filipino children; which are commonly known as traditional games. Way back when I was a kid, my mom always told me that when I go and play outside my skin will get dark (because usually Filipino children enjoy playing in the afternoon with heat of the sun) and she always presumed that I’d get hurt or get into an accident because there’s too many vehicles on the road . But I am a naughty kid, so I always escape from my mom just to play outside. I enjoyed my childhood days with my childhood friends because we’re Generation Y, the last batch before technologies and gadgets (2000) boom in the world as well as my friends and I used to think and invent games that don’t need anything, just us, to be more challenging and more interesting… Oh, it was filled with nostalgia.

One of the most important phases of growing up is playing games. Nowadays, the youth, losing their interests in playing traditional games tend to be more laid back, diffident, lacking of social skills, lazy and also lacking of sportsmanship by having a hard time accepting defeat. Instead of traditional games they indulge more in playing computer games such as DOTA (Defense of the Ancients), Counter Strike, etc. and of course, those children in the middle class with their PS2, PSP, Xbox and Nintendo DS (The Importance of Preserving Traditional Filipino, 2012).

Modern games helps you in learning new technologies and the advantage is, you don’t need to go outside and play with other children because in modern games you can play alone, you just have modern gadgets. Thus, modern computer games are more likely to measure up to various expectations of adolescents which students can learn computer application abilities (Traditional Games VS Modern Games, 2013). Whereas, playing computer games will lessen the physical activities and also can cause to laziness and can’t have enough socialization.

“Traditional and contemporary games are a Hybrid of influences coming from Eastern and Western cultures, thus causing some degree of ambiguity” (As cited in Delos Reyes, 2010). Nowadays, children spending their playtime with their PS2, PSP, Xbox and Nintendo DS as well as we see them in different computer shops to play DOTA, counter strike, plants vs. zombies, etc. On the other hand, few numbers of Filipino children playing cultural and traditional games that we developed for so many years. It’s sad to say that this is one proof that we’re already influenced by modernization; yet I don’t mean that we should literally go back to the culture. Let’s face the fact that we are now in the modern world. But what I am trying to point out is, even though the world is continuously changing, we should preserve what our culture and tradition is. It’s our trademark and the reason why we are unique comparing to other country. According to Dr. Raul Pertierra, Sociology and Anthropoloy Profesor at the Ateneo de Manila, “The preservation of our culture starts with us and what we teach our children. We are in the position to shape the minds of the young and develop nationalistic, healthy and socially sound next generation of Filipinos”.

Traditional games (patintero, tagu-taguan, agawan base, tumbang preso, etc.) develop physical strength - in terms of running, jumping, hiking - personal interaction and communication skills with the help of friends. Today, as we can see, many children are prefer to play modern games (computer games, video games, etc.) much more than traditional games because they think that it is more helpful in developing their mind and skill in modern technologies. According to Hercules Callanta, Dean of the University of the Philippines College of Human Kinetics, “The kids of today need to spend time in playing such (traditional) games as this not only preserves our cultural heritage but also helps children develop their physical and psychological skill”. Traditional games play an important role in children when it comes to their health development and interaction with other children because it nurtures young adults to have a sense of teamwork. These traditional games give leisure to children from their studies as well as it helps in increasing cooperation, forming camaraderie and fascinating attitude. Also it is the avenue to bond with the people in their neighborhood.

In conclusion, traditional games are better than modern games because it is more relevant for child development. However, to make it more enjoyable there should be some modern changes so children could enjoy them and makes their mind fresh and their bodies get healthy. Thru traditional games every Filipino individual will develop their patriotism. We can accept change and modernization but we shouldn’t be forget our culture and tradition instead restore it, revive it and preserve it.


References:


Delos Reye, C.A., (2006, June). From Physical Recreation to Digitaion: A Social History of Children’s Games in the Philippines. Retrived from: http://www.inter-disciplinary.net/wp-content/uploads/2010/06/Delos-Reyes-paper1.pdf

Filipino Courting: Tradition VS Modern (2011, December 13). Retrieved from: http://chadixalexir.blogspot.com/

Larong Pinoy. Traditional Games in the Philippines. Retrived from: http://larong-pinoy.weebly.com/members.html

Owlie (2007, September 12). The Modern Filipino: A Blend of Cultures, yet Distinctly Filipino. Retrieved from: http://voices.yahoo.com/the-modern-filipino-blend-cultures-yet-distinctly-536266.html?cat=37

The Importance of Preserving Traditional Filipino, (2012, June 11). Retrieved from http://team13boom.blogspot.com/2012/07/importance-of-preserving-traditional.html

Student Activism: Blind Perspective of Studentry and Society


Student Activism: Blind Perspective of Studentry and Society

Education is a human right. While I am looking in the absence, I saw these words on the wall of the university. Way back when I was in high school, I cared about the issues and problems of the country, but it’s only for the sake of my position as photojournalist in my journalism subject. Then, when I entered in the state university, I met different people with their own perspectives and views in different kind of issues. What innervates me is when I met some activists. To be honest, I don’t even know why I admire them so much unlike other people who judge them as narrow-minded. I’m not a student activist nor a member of any student activism group. I’d just met a person where he told me brief information, both negative and positive, about activism because actually it was confusing for me to know if what activism is, especially when my dad told me that I should not join in any activism organization when I go to college. Therefore, I came to the realization and asking myself what’s wrong with them?

Activism is from the root word ‘act’, which means the process of doing a thing or a formal record of something done or transacted. It also comes from the word 'active’ which means involved in the activities of a group or organization and participating in an action or activity. So it means ‘Activism’ is the taking of direct action of a group or organization to achieve a well- determined goal (as cited in Catedral, 2006). And also, to be specific, according to Merriam Webster Dictionary, “Activism is a doctrine or practice that emphasizes direct vigorous action especially in support of or opposition to one side of a controversial issue”. Insertion of the word youth in activism is the involvement of young in establishing the community for social change. There are three types of youth activism. First is where the youth keep themselves in social activism which is organized and led by the older generation. Second is where older people who organized while youth are take charge of all the activities. This is mostly in activists groups which were formed by adults when they were young. Lastly, the type of activism is an organization which is only made by the young people. This type of organization, there is no other influence. It is purely youth driven (Activism Essay, 2010). However, in the Philippines setting, still, there are a lot of people who has misconceptions of youth activism and they don’t know what the genuine roles of student activists in a university and in a society.

In the Philippines, the epitome of youth activism is the student activists of the University of the Philippines. It is a state university where known as many activism organizations. Here, we first heard this chant:

Iskolar ng Bayan,
Ngayon ay Lumalaban!
Iskolar ng Bayan:
Tunay, Palaban, Makabayan!
- Chant of UP Student Activists

This kind of chant is not fresh to our ear. U.P. is for masses- people. According to Rex Varona, he said, "When we (the U.P. students) signed our Form 5 (Registration form), we executed a blood compact with our people" (as cited Catedral, 2006). That’s why when I entered in U.P., I completely understand that it is an institution with big roles and has different functions of the past preserving the power of youth in the society. Otherwise, U.P. also the major rallying point for all kinds of dissent, protest actions, and social criticism. According to Salgado, Social Philosopher, Student Activism will have become concerned more than just petty problems and also have developed eager awareness of society, environment, government, and human rights (as cited Catedral, 2006).

U.P. is about offering oneself for the nation. The responsibility of university is not only around campus as well as for the nation. However, Louie Montemar, chairman of SAMASA (Sandigan Para sa Mag-aaral at Sambayanan) and Norman Camay of the People's Service Corps - UP [a social service oriented organization] agreed that there's a gap between UP students and masses. The reason why majority of student disengaged from the masses are lack of enthusiasm and participation. Many individuals live with their quiet life, thinking they're not affected of what was happening to the general public. Then, if they only realize that they could learn and reach out with "others", majority of student could be active in many issues despite their elite origins (as cited in Catedral, 2006). The reason why some students don’t want to be involved and participated in this kind of organization is because of their belief that when you are one of the activists group, some people will look at you as narrow minded and rebel.

Many people in our country have misconceptions when they heard about ‘Youth Activism’. They will describe student activists as noisy and petty as well as the stereotyping when it comes to their physical appearance, activists describe like this. They are long hair, rugged I-don't-care-what-you-think outfits, public outcry, politics, scandals, strikes and what-have-you (Catedral, 2006). Whereas, on the other hand, many people couldn’t see what’s behind youth activists, they didn’t ever appreciate activists with raising their placards, walking in the middle of the highway, under the heat of sun with hazy and sweat throughout of their body just to become the voices of our university and society contrary to the political, social and economic issues, also in the environment and human rights. According to April A., a blogger, “But student activism is more than just the rallies and demonstrations being held. It is more than just the placards being raised, more than just the voices being exhausted, and even more than just the sweat being vigorously spent. It is something much more abstract, something only an open-minded person can fully grasp. Student activism is that beacon of hope for the people calling for societal change.”

In settling the minds of people’s misinterpretations about Activism, I know it’s hard for them to fully understand if what was the significance to the university and to our nation of youth activism is, just like what we have said, we cannot please everybody’s standpoint. However, in the context of this paper, what I want to clarify for the people, especially for those who came from the university that has youth activism, to know the important role of the youth activists in the university and society, that they don’t deserve the judgment of others based on their physical manifestations and being rebellious group of youth, but what they only deserve is appreciation, respect and admiration.



References:


Activism Essay 2. (2010, 10). StudyMode.com. Retrieved 10, 2010, from http://www.studymode.com/essays/Activism-Essay-2-457586.html

April, A. (2013, July 9). Misconceptions of Genuine Student Activism. Retrieved from: http://a-curiousthing.blogspot.com/2013/07/misconceptions-of-genuine-student.html

Catedral, A. (2006, September 28). Youth Activism & the Urban Filipino Psyche. Retrieved from: http://voices.yahoo.com/youth-activism-urban-filipino-psyche-86027.html?cat=9


Jose, D. (1991, September 4). “The UP Student Movement Revisited”. National Midweek. pp. 9-11.

Lumbera, B. Et al., (2008). Serve the people: Ang kasaysayan ng radikal na kilusan sa Unibersidad ng Pilipinas.
Salgado, P.V. (1972). Social Philosophy in the Philippine Context. Quezon City: Santo Domingo Convent. pp.125-131.


Valte, M.R., (1988 ). “UP Student Movement: In search of the right mix”. Diliman Review. (vol. 36, no. 5) pp. 55.

Maskara

Reaction Paper: The Miseducation of the Filipino

Maskara

Ang mukha ng edukasyon, ito ang sandata ng isang tao upang makamit ang tagumpay na kanyang hinangad sa buhay. Ito ang sagot sa lumalaking kamangmangan at makamit ang tagumpay ng isang bansa.

Sa Pilipinas, ‘miseducation’ ang nangyari at hindi edukasyon noong panahon ng Amerikano, ngunit hanggang sa kasalukuyann nangyayari pa rin ito. Tulad na lamang sa mga paaralan, iba ang itinuturo sa elementarya at sekondarya dahil ang gobyerno na nakasuot ng maskara ang nagdidikta sa kung ano ang nararapat na ituro at ito’y sa pamamagitan ng DepEd. Hindi tulad sa kolehiyo lalo na sa UP, itinatanggal nito ang maskara ng bawat isko at sinasabing mali ang pagsuot nito, na hindi kailanman makakamit ang nasyonalismo at kaunlaran ng bansa kung patuloy na isusuot ito. Subalit sa UP pa lamang din ay makikita na, na nanaig pa rin ang mga mag-aaral at guro na nakasuot nito tulad na lamang ng mga estudyante at propesor na nagnanais ng Academic Calendar Shift, na sinasabing sa tulong ng pagsuot ng maskara makikita ng ibang bansa na kaya nating makipagsabayan sa kanila. Subalit paano makikilala ang Pilipino kung suot-suot pa rin niya ang maskara at hindi ipinapakita ang mukha sa likod nito.

Bukod sa demokrasyang itinuro, magaling rin ang mga Amerikano sa pagsuot ng maskara sa Pilipino dahil napaniwala nila noon na ito’y maganda at magagamit sa hinaharap ngunit ang hindi natin alam ay sa tulong nito nagagawa na nilang sakupin at mapasakamay na tayo. Sa kabilang banda, Isa pang patunay na dahil sa maskarang gamit, natatakpan ang bibig ng bawat Pilipino dahilan upang mahirapan tayong magsalita ng purong Filipino o tagalog. Habang nakasuot tayo ng maskara itinuturo bilang wikang panturo ang ingles sa atin dahil sinasabing mas bagay ang wikang ingles sa maskarang suot natin. Mas magiging mukhang kaaya-aya daw tayong mga Pilipino kung gamit ito at mas magiging mataas ang antas ng bawat Pilipino na magaling dito. Ngunit dahilan rin ito upang tayo’y mahirapan umintindi at magsulat sa wikang ingles maging sa wikang atin, sapagkat nahahati ang kaalaman natin. Hindi pa man tayo bihasa sa wikang atin, pinapasok na sa utak ng bawat Pilipino ang wikang ingles dahilan upang mas mahirapan tayo. Sinasabing ang ingles ang sagot sa kahirapan, kapag magaling ka sa ingles mas marami ang oportunidad ang naghihintay sa’yo. Kaya’t mas maraming Filipino ang nananabik matuto ng ingles kaysa sa wikang atin. Sa panahon ngayon, tulad ng ibang mga estudyante sa UP, mas marami ang tinatawag na “Conyo”. Sa UP din makikita na mababa ang tingin sa’yo ng iba kapag nagpahayag ka gamit ang tagalong/Filipino samantala matalino ka naman kapag magaling kang magsalita ng ingles.

Patunay na magpasahanggang ngayon patuloy pa rin na isinusuot ng bawat Pilipino ang maskara na ating nakuha mula sa mga dayuhang Amerikano na akala ng nakararami ay maganda ito sa paningin ng iba, na akala nila dahil dito ay uunlad ang bansa at pagkatao nila, ngunit ang hindi nila nakikita at nalalaman na may nakatago sa likod ng maskara na natatanging mukha ng Pilipino na wala at naiiba sa mga dayuhan, na siyang talagang magpapaunlad sa bayang pinagmulan. Ngayon, maling akala pa rin ang ating sinusundan, hindi pa rin natin naiisip ang oportunidad sa nasyonalismong matagal na nating dapat ginawa. Kayang makilala ng ating bansa kahit wala ang mapagsamantalang mga Amerikano na nagsuot sa atin ng maskara. Kayang makilala ang bawat Filipino kapag may sariling identidad at mukhang inihaharap. Tanggalin ang maskara at iharap ang tunay na mukha ng Pilipino, dito mahihinuha na hindi na pala natin kinakailangan na takpan ng maskara ang ating mukha dahil makakamit ang tunay na pagbabago sa pagtanggal sa mapaglinlang na maskara.

Sleepless Night is a Nightmare

Sleepless night is a Nightmare

Have you ever experienced difficulty falling asleep? Or do you wake up in the middle of the night and getting trouble to go back to sleep?

Last night, I found myself crying over these problems, asking myself why I can’t sleep though I go to bed on time. It felt so hard when I couldn’t complete my sleep because the next day, I’m the one who suffered from headache. For college students, like me, sleep is one of our cravings because every weekday were necessary to stay up late for the papers, review for the exams and cramming for deadlines. But how could I take a rest if I’m having hard times of falling asleep?

Exhausting sleep, waking up frequently during the night, trouble getting back to sleep when awaken, irritability, difficulty returning to sleep and difficulty concentrating are the symptoms of what we called Insomnia.

Insomnia is a Latin word for "no sleep”, it is the inability to fall asleep or remain asleep. According to National Institutes of Health (NHI) “Insomnia can be acute (short-term) or chronic (on -going). Acute insomnia is common and often is brought on by situations such as stress at work, family pressures, or a traumatic event. Acute insomnia lasts for days or weeks. Chronic insomnia lasts for a month or longer. Most cases of chronic insomnia are secondary, which means they are the symptom or side effect of some other problem. Certain medical conditions, medicines, sleep disorders, and substances can cause secondary insomnia.”

There are common mental and physical causes of insomnia. Psychological problems that can cause insomnia are depression, anxiety, chronic stress, bipolar disorder, post-traumatic and stress disorder. Medications that can cause insomnia are antidepressants; cold and flu medications that contain alcohol; pain relievers that contain caffeine (Midol, Excedrin); diuretics, corticosteroids, thyroid hormone and high blood pressure medications. Medical problems that can cause insomnia are asthma, allergies, Parkinson’s disease, hyperthyroidism, acid reflux, kidney disease, cancer and chronic pain. And sleep disorders that can cause insomnia are sleep apnea, narcolepsy and restless legs syndrome. (Saisan et.al. Can’t sleep, 2013)

Base on my research there’s a lot of negative effects if you don’t get enough sleep and there are horrible things that can happen to you. These are the examples effect when you experienced sleepless.

Headaches. Migraines can be triggered by sleepless nights. Doctors noticed that sleep deprivation leads to headaches for more than a century but scientists don’t yet know the reasons why. Some research said 36 to 58 % of people with sleep apnea wake up with “nondescript morning headaches.” (Headache, 2003; Headache, 2005)

Memory Problems. In 1924, researchers discover that people with a lot of slept are the people who forgot less while a person who doesn’t have enough sleep can be linked to higher levels of β-Amyloid, a biomarker for Alzheimer's. (Cell Signal, 2012; Nature Neuroscience, 2013; JAMA Neurology, 2013)

Slowness. Researchers gave West Point cadets a test where they’ll do a quick decision-making; some were allowed to sleep while others are not. Those who’d sleep did better while those who don’t have sleep did badly and their reactions slowed down. (Sleep, 2009; Asian Journal of Sports Medicine, 2012)

Irritability. "Complaints of irritability and [emotional] volatility following sleepless nights" are common, a team of Israeli researchers observed. They found out that negative emotional effects of disruptive events were amplified by sleep loss. (Sleep, 2005)

Weight gain. People who are under slept seem to have hormone imbalances that are tied to increased appetite, more cravings for high-calorie foods, a greater response to indulgent treats, and a dampened ability to control their impulses — a very dangerous combination. It's true that you burn more calories when awake, but not nearly enough to cancel out the many excess calories you consume when exhausted. (Journal of Clinical Endocrinology & Metabolism, 2012; PLOS Medicine, 2004; Nature Communications, 2013; PNAS, 2013)

Death. According to business insider, “Many health problems are associated with sleep deprivation and poor sleep, but here's the big one: People who consistently do not get 7-8 hours of sleep are more likely to die during a given time period. Put more simply: We all die eventually, but sleeping too little — or even too much — is associated with a higher risk of dying sooner than you otherwise might.” (Sleep, 2010; Sleep Medicine Reviews, 2010)

Experiencing sleepless night is a nightmare because based on the last effects of sleepless night it can cause death. Now that I found out that it’s not a good idea to be a nocturnal person, I conclude that too much sleepless can kill you. As a student, it is not good for us to not complete the 8-10 hours of sleep because it can affect our study and memory. We must bear in our mind that it’s very important to have a healthy lifestyle and to achieve it; we must have a complete sleep.




Sources:

· http://www.businessinsider.com/what-happens-if-you-dont-get-enough-sleep-2014-2#ixzz2tBc60lii
· http://www.helpguide.org/life/insomnia_treatment.htm
· http://www.nhlbi.nih.gov/health/health-topics/topics/inso/causes.html

1. Concept of God. Who is God for you? What is God for you?
2. Prove or disapprove God’s existence.

Ang mga magulang ko ay katoliko at isa rin akong katoliko. Bininyagan ako sa katolikong simbahan. Wala akong magagawa kasi sanggol pa ako noon at walang kamalay-malay sa kung ano nga bang paniniwala ang dapat kong paniwalaan. Ang ibig-sabihin ang mga magulang ko ang naging daan para makilala ko Siya, ang Diyos. Ngunit habang ako’y tumatanda mas lalo kong natutuklasan ang bawat bagay sa mundo kasabay nito ang mga katanungan na pumapasok sa aking isipan. Isa na doon ang katanungan kung mayroon nga ba talagang Diyos.

Sa linggo lingo kong pagsisimba ipinahayag sa akin ng simbahan ang mabuting balita, ang utos ng Diyos, kung paano nagsakripisyo ang Panginoon para sanlibutan, na Siya ang tagapagtanggol, na Siya ang Maykapal na lumikha sa lahat, na si Hesus ang anak ng diyos at marami pang iba, na nakasulat sa bibliya. Ito ang Diyos, ngunit hindi para sa akin pero para sa relihiyon na aking kinabibilangan.

Maaari akong tawaging ateista pero hindi dahil sa wala akong Diyos na pinaniniwalaan. May Diyos ako, ngunit ayoko lang ang pamamahala ng simbahan, kung kaya’t hindi pa rin sapat sa akin ang tawagin na ako’y isang katoliko. Hindi pa malinaw sa akin ang lahat ng nasusulat sa bibliya at kung mayroon nga bang Siya. Marami pa ring katanungan ang nabubuo sa aking isipan lalo na kapag tinanong na sa akin kung “Mayroon bang Diyos?” Gayunpaman isa lang ang masasabi ko, may Diyos ako. May Diyos akong pinaniniwalaan

Ang Pag-ibig, pag-ibig para sa akin, ito ang nagpapatunay na mayroong Diyos hangga’t mayroong pag-ibig sa mundong ibabaw. Nangangahulugan itong nasa puso ng bawat isa ang Diyos na naghahatid sa atin sa kabutihan at maging mabuti. Ang Diyos ay tulad ng hangin, hindi mo man nakikita ngunit nararamdaman mo. Samatala, ang paghahanap sa kasagutan kung mayroon nga bang Diyos ay tulad ng patuloy na paghahanap natin sa katotohanan.

Marahil sa puso, sa isip at sa dadamdamin ko mayroon akong Diyos, sapagkat sa bawat hiling, sa bawat hingi ng senyales, sa bawat pag-iyak, sa bawat kasiyahan, sa bawat pagsubok, sa bawat gabi ko Siyang kausap, at sa aking patuloy pang paglalakbay ramdam ko na kasama at makakasama ko Siya. Naniniwala at maniniwala ako na may Diyos at patuloy kong hahanapin ang katotohanan upang mahanap ko ang sagot sa kung mayroon nga bang Diyos.

Ang Kagila-gilalas Na Paglalakbay sa St. Pio Chapel

Sulatin: Ang kagila-gilalas na paglalakbay sa St. Pio Chapel

Araw ng sabado. Napag-isipan kong sumabay sa aking mga kamag-aral sa KOM I na pumunta ng St.Pio Chapel. Saktong alasdos ng hapon ay umalis na ako ng aming bahay para hindi ako mahuli, magkikita kita kasi kame sa unibersidad ng 2:30 ng hapon sa National Institute of Physics. Taas ng sikat ng araw, ang init! Sabayan pa ito ng maitim na usok na binubuga ng mga sasakyan sa kahabaan ng commonwealth, nakakainis! Sumakay na ako ng jeep paphilcoa. Sa jeep… ako’y nagmasid tumingin sa mga pasahero at nagbayad sa driver “Bayad po! Philcoa lang..” tumapat ang jeep na sinasakyan ko sa St. Peter Parish, bilang isang katoliko ako ay nag sign of the cross… napansin kong ako lang ang nag sign of the cross tanong sa sarili ko “Ako lang ba ang katoliko dito sa jeep?” sabay lingon sa bintana, hindi na lang pinansin. Ako’y nagmuni-muni, pumasok sa aking isipan na ang jeep ay replika ng mundong ibabaw, iba’t-ibang tao, ugali, kasuotan, kultura, relihiyon, may mahirap at may mayaman. Naputol ang aking pagmumuni-muni ng makita ko na ang naglalakihang mga letra ng U.P Ayala Technohub, naghanda na ako sa aking pagbabaPara ho!”
Umakyat ako sa Footbridge. katulad ng pangkaraniwang araw, nandoon pa rin si Kuyang hindi nakakakita na may salamin, may mikropono at kumakanta ng OPM Song na may lata sa tabi at speaker. Hindi na bago sa akin ang mga taong araw-araw na nandoon dahil sa araw-araw din akong umaakyat ng overpass. Tanong sa sarili “Gaano kaya kalakas ang pananalig ng mga taong katulad ni Kuya? May Diyos pa kaya siyang pinaniniwalaan sa kabila ng mga pinagdadaanan niyang unos sa buhay?” Dedma na lang. nagmadali na akong bumaba sa hagdan dahil papuno na ang UP Ikot. Sumakay ng jeep at bumaba ng Vinzons Hall.  Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ang National Institute of Physics Building kung saan kame magkikita kita ng mga kasama ko. Sa ilalim ng init ng araw binaybay ko ang likod ng Math at Chem Building na turo sa akin ng mga kasama ko upang marating ang NIP. Ilang sandali lang ay nakita ko na silang dalawa. Sina Lawrence at Danica. Agad-agad kaming dumiretso na sa paglalakad at lumabas ng unibersidad patungo sa kahabaan ng Katipunan. At dahil sa pare-parehas kaming hindi alam kung paano pumunta doon, napagdesisyunan namin na magtaxi na lang.
Sa loob ng sasakyan, pumasok sa aking isipan na hindi pa ako gaanong komportable sa mga kasama ko. hindi ko pa talaga sila gaanong kilala. hindi ko pa alam kung paano sila pakikisamahan pero naisip ko na sa pagtatapos ng araw na ito ay sinisigurado kong magiging magkakasundo kami. Nagtanungan at nagpalitan kame ng mga impormasyon sa isa’t-isa hanggang sa unti-unti ko na silang nakikilala  at sa palagay ko matatapos ang aming paglalakbay na masaya. Binaybay lang ng sasakyan ang kahabaan ng katipunan hanggang sa makarating sa Eastwood at tinuruan na kami ni manong driver kung paano makikita ang simbahan na sinasabi namin. Binaba niya kame sa footbridge at doon namin nakita ang malaking Tarpaulin na may nakasulat “St. Pio Chapel”.
Wow! Ang linis ng paligid. Ang daming puno’t halaman at nagliliparang mga kalapati na para bang kame’y nasa paraiso. Sabayan pa ng hindi makabasag na katahimikan ng lugar. Teka? San nga ba ang papasok ng kapilya. Kaunti lang kasi ang tao kaya hindi namin alam kung saan maaaring pumasok, buti na lang may gwardiya at kami ay nagtanong. Bago buksan ang pinto ay bumungad sa amin ang mga karatulang nagsasaad ng mga bawal at pwede sa loob ng kapilya. Binuksan ko ang pinto. Dumampi sa akin ang lamig, airconditioned pala ang kapilya. Napakaganda sa loob. Nakaorganisa ang lahat. Sa totoo lang, hindi siya tulad ng pangkaraniwang kapilyang napupuntahan ko. Sabay basa “God in your goodness. You have made a home for the poor”. Ito ang nakasaad na sipi sa loob ng kapilya.
Habang nagpapatuloy kaming maglibot, nakatawag pansin sa akin ang kakaibang pintuan na para bang may hiwaga sa loob, para bang pinto sa mga palabas na kapag binuksan mo ay dadalhin ka sa ibang lugar. Binasa ko ang nakasulat “Sacred Place”. Wow! Mukhang nakakapagtaka kung ano ang nasa loob nito. Pagpasok sa loob. Totoo nga! Kakaiba siya… madilim ang kwarto, may ilaw, ngunit nakatutok ang mga ito sa bawat santo na andoon. walang ingay kang maririnig at mararamdaman mo ang kakaibang kabanalan sa loob ng silid na ito. Lumuhod ako sa Replika ni St. Pio na kung saan nakahiga siya sa isang salamin na ataul.
Lumuhod ako sa harapan…
Pinagdikit ko ang aking mga palad…
Pinikit ko ang aking mga mata…
At nagdasal ng taimtim…

Sa pagpikit ng aking mga mata, ramdam ko ang yakap sa akin ng panginoon at pagtanggap sa akin ni St. Pio, dahil ito ang unang beses ko na makarating sa kapilya niya. Habang nakaluhod humiling ako at nagpasalamat. Nilubos ko na ang pagkakataon na manalangin dahil sa kataimtiman ng lugar at para bang dalawa lang kame ng Panginoon na nandoon, magkausap. Ang sarap sa pakiramdam dahil walang nakakaagaw ng atensyon ko at ramdam ko ang kabanalan ng lugar na kung saan may hiwagang pumapasok sa aking damdamin.
Paglabas, nilibot muna namin ang kapilya. Kame nila Lawrence at Danica ay sobrang nagandahan sa lugar, para sa akin kung sakaling bibigyan ako ng pagkakataon mapadpad ulit sa lugar hindi ko palalagpasin puntahan ang kapilya ni St. Pio, dadalhin ko ang aking mga kapamilya at mga kaibigan. Pagkatapos libutin, parang may kakaibang tumutunog sa aking tiyan. Gutom na ako. Dumiretso kameng tatlo sa Eastwood kung saan malapit lang sa kapilya upang kumain at maglibot na din. Isang pagkakataon na rin ito para makasama at makilala pa ng lubusan ang isa’t-isa. Nakakatuwang kasama ang dalawa sapagkat habang kumakain.. nagkaroon ng kaunting talakayan patungkol sa “Wika at Lipunan”. Paglabas ng kainan, hindi namin namalayan na gabi na pala at kailangan na naming umuwi. Sumakay na kaming muli ng taxi papuntang unibersidad at doon tuluyan na kaming nagpaalam sa isa’t-isa.
Naglakad ako patungong central. Pumara ng jeep na pafairview. Tumingin ulit sa bintana.
Kataliko. Ito ang aking kinagisnang relihiyon. Naaalala ko pa na noong bata ako ay pinipilit ako ng aking Ina na uminom ng gamot. Iyong syrup na gamot na maalat at ang baho ng amoy, tulong pa sila ni Papa para lang makainom ako sa tamang oras Noong malaki na ako hindi na nila ako kailangan pang pilitin, kusa na akong umiinom. Parang sa relihiyon, katoliko ang kinagisnan ko at ito na rin ang itinatak ko sa aking isipan. sa kaugalian at papanampalataya.
 Nasa sa tao kung gaano kalakas ang kanyang paniniwalang may Diyos. Walang kahit sinoman ang magsasabi kung ano nga ba ang tama o mali at kung ano nga ba ang masama o mabuti tanging ang Diyos lang. Ang importante  sa buhay ay may Diyos kang pinaniniwalaan, magkakaiba man ang pananaw ng bawat relihiyon ang mahalaga ay kung paano ito isinasabuhay sa reyalidad, kung paano makikisama sa mga tao, kung paano siya magiging isang mabuting mamamayan sa lipunan na kanyang ginagawalan at sa kung paano niya mahalin ang kanyang kapwa. Iba-iba man ang pinaniniwalaanm, iisa pa rin ang naman ang hangarin ng bawat tao. Ang mamuhay ng matiwasay at may magkaroon ng pagkakaisa sa puso, sa diwa at sa gawa.

Sandali lang..  bababa na pala ako. “Para ho”
SULATIN: Pakikinig sa sarili at sa iba.

1.      Sino ako? Angkop ba ang kahulugan ng aking pangalan sa aking pagkatao? Ipaliwanag.
Ang aking pangalan ay Alvin De Guzman Santos kilala ako sa bahay namin bilang “Peter”. Pinalayaw sa akin ang Peter dahil mahilig raw akong manuod noon ng palabas na Peter Pan at dahil magkaparehas ang korte ng tainga namin. Samantala, ang etimolohiya naman ng pangalan kong Alvin ay nagmula sa basketbell player na si Alvin Patrimonio dahil noong taong pinanganak ako ay kasikatan iyon ni Patrimonio na idolo ng aking Ama kung kaya’t inihalintulad sa kanya ang aking pangalan.
Nasubukan ko na ring gumawa ng pananaliksik sa aking pangalan. Ayon sa aking pananaliksik nagmula ang aking pangalan sa Germany, ito ay isang German Baby Name na ang ibig sabihin ay matapat na kaibigan, mahal ng lahat, may tiwala sa sarili, kayang maging isang lider at kayang bumangon sa lahat ng pagsubok.
Kung tatanungin ko ang aking sarili, “Sino ba ako?” marahil sa pangalan, kaya kong sagutin ang tanong pero kung sino ako at sa kung ano ang pagkatao ko, masasagot ito ng mga taong nakakakilala sa akin nang lubusan at kung masagot ko naman ito, marahil nakabase ang sagot ko sa aking karanasan . Kung sa pisikal na kaanyuan angkop ang palayaw ko dahil parehas kami ni Peter Pan ng tainga at magkaparehas kameng masiyahin at maraming kaibigan. Kung sa totoong pangalan ko namang Alvin na ang pinaggayahan ay si Alvin Patrimonio na isang basketball player ay hindi angkop sa aking pagkatao na una sa lahat, hindi naman ako marunong magbasketball at hindi kame magkamukha at pangalawa, hindi ko siya idolo.
Masasabi ko lang na ang pangalan ko ay angkop sa aking pagkatao dahil marami akong kaibigan kaya siguro maraming tao ang nagmamahal sa akin. Malaki ang tiwala ko sa sarili dahil naniniwala ako na, kung kaya ng ibang tao kaya ko din. Ang panghuli ay kaya kong paulit-ulit na bumangon sa mga pagsubok na nararanasan ko dahil hindi ako makakarating sa punto na kung nasaan ako ngayon kung naging mahina ako sa mga nakalipas na suliranin na dumating sa buhay akin.
2.      Sino ang pinakagusto mong kaklase sa KOM I? ilarawan mo siya at ilahad ang mga kawili-wiling bagay na alam mo tungkol sa kanya.
Palma Hall 114, ito ang silid na aking tatakbuhin dahil huli na ako para sa una kong klase, ang Komunikasyon I. Nakakahiya! Pagpasok ko sa silid, isang bagong kaibigan ang naglakas loob na kumausap sa akin. Maikli ang kanyang buhok, may salamin sa mata, mapula ang mga labi at simple ang pananamit. Nagpakilala kame sa isa’t isa, nagkaroon ng konting kwentuhan at nagkataon na magkakilala kame, ng dati niyang kamag-aral.
Parehas kaming lumipat sa Unibersidad ng Pilipinas mula sa ibang unibersidad, galing siya sa Univesity of Sto.Thomas at ako naman ay Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sa ngayon ay kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong B.S Tourism Management, ganito din ang kinuha niya noon sa UST. Dalawang taon ang inilagi niya sa UST bago magdesisyon na lumipat sa UP, subalit nagkaroon ng problema. Kailangan niyang huminto pag-aaral. Isang taon bago muli siyang nakabalik.
Siya ay tubong Sta. maria, Bulacan. Dalawa lang silang magkapatid at siya ang panganay. Ang bunso ay kasalukuyang nag-aaral sa Centro Escolar University, Malolos. Machine Shop ang pinagkakaabalahan ng mga Magulang niya samantala may hiwalay pang pinagkakakitaan ang Mama niya, nagtayo ito ng Aqua Quest. Siya ay naghayskul sa St. Paul, Bulacan, noong pumipili daw siya ng unibersidad na papasukan dalawa lamang ang pinagpipilian niya, ang De La Salle at Ateneo De Manila. Ngunit bigo siyang makapasa kaya napilitang mag-aral sa UST. Mahilig siyang manuod ng Telebisyon at kumanta ngunit hindi siya magaling.

Ang nakakatuwa sa kanya ay nang i-add ko siya sa Facebook, nalaman kong may anak na pala siya na hindi ko akalain dahil sa itsura niya. Walong buwan na ang kanyang anak, ito ang dahilan kung bakit napilitan siyang huminto noon sa pag-aaral. Esmund Luiz T. Cruz, ang pangalan ng kanyang anak samantala Edrick Cruz ang kanyang asawa. Mahirap daw sa una tanggapin lalo na sa kanyang mga magulang ngunit sa huli, wala pa rin naman daw magagawa ang mga ito kundi ang tanggapin. Sa ngayon, siya ay Japanese Tutor at ang Mama niya ang nag-aalaga sa kanyang anak para maipagpatuloy niya ang naudlot na pangarap. Para sa akin siya ay isang magiting at masipag na ina, mag-aaral at isang anak. Oo nga pala, bago ko makalimutan, siya ang paborito kong kaklase sa KOM I, Si Ate Guenieverre C, Talastas.
Reflection Paper: THE MISEDUCATION OF THE FILIPINO – Renato Constantino

Edukasyon. Ito ang isa sa sandata ng isang tao upang magtagumpay sa buhay. Ito ay importante sa bawat isa sa atin. Ito ang sagot para hindi tayo lumaking mangmang. Upang yumaman ang isang tao nararapat na mayroon nito. Ito ang sentro ng buhay natin. Ito ang isa sa pinakamagandang maipagmamalaki sa iba. Ito ang pinakamatibay na pundasyon ng isang indibidwal. At ito rin ang sagot sa kaunlaran ng isang bansa.
Sa Pilipinas, misedukasyon ang nangyari at hindi edukasyon. Sa kawalan ng ating bansa ng matatag na sibilisasyon, marami sa sumakop sa atin ay nagtatag ng Direct Colonialism kung saan, naging ganap ang pagsakop sa larangan ng buhay ng mga Pilipino – Sa relihiyon, lipunan, ekonomiya, kultura at wika – na tumatak sa ating kaisipan. Lalo na ang mga Amerikano na umukit ng husto sa ating institusyon, bansa, kaisipan at pananaw sa daigdig.
Ang pagkakaroon ng pusong makabayan ay importante sa edukasyon upang matamo ang ninanais. Subalit tayong mga Pilipino ay mas nauudyok pag-aralan ang kaisipan ng kanluranin, nawawalan tayo ng interes sa pag-aaral ng sariling kasaysayan natin. Laging nagbabase ang mga Pilipino sa akda ng mga dayuhan at hindi sa sariling pantas. Sa katotohanan, marami ng mahahalagang kontribusyon sa daigdig ng kaisipan ang ating mga kababayan ngunit hindi lang ito labis na nabibigyang pansin at importansya. Ayon nga sa isang artikulo na ginawa ni Renato Constantino, wala kasi tayong Intellectual tradition.
Isa sa mga tumatak talaga sa mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano ay ang pagturo ng mga ito ng Ingles, na kung saan alam naman natin na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin natin, marahil hindi natin maitatangging malaki ang naitulong nito sa atin at alam nating wala tayo sa kung nasaan ang mga Pilipino ngayon kung hindi tayo naturuan ng wikang Ingles. Isa rin sa dahilan kung bakit mabilis na nasakop ng Amerika ang Pilipinas dahil noong matamo ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa Kastila, tinulungan kaagad tayo ng mga Amerikano kung paano maging isang demokrasyang bansa. Gaya nga nang pinahayag nila na ang gusto lang nilang mangyari sa mga Pilipino kaya’t tinuruan nila ng wikang panturo o ang Ingles ay matanggal ang pagiging mang mang at ignorante ng mga Pilipino. Upang dito ay matuto tayong magkaroon ng sariling atin at mailigtas tayo sa kamay ng mga kastila at hapon.
Marahil noong Panahong ng mga Amerikano tuluyang umusbong ang edukasyon ng Pilipino, sa kasamaang palad ito na rin ang simula ng ating misedukasyon. Dahil dito na rin nagsimulang kalimutan ng mga Pilipino ang pansariling wika at naging dayuhan na rin ang mga Pilipino sa sariling bansa. Binibigyan din ng mga Pilipino ng halaga ang tradisyon at kaugalian ng mga dayuhan, kaya’t hindi nakapagtataka na ang ating pag-iisip ay hinuhubog ng itinuturong maka-dayuhan at ng mismong reyalidad. Dito rin pumasok ang kasaysayan at katangian ng mga kanluranin na imbis maunawaan ng mga Pilipino na ito ang kailangan natin mas naging malala pa sapagkat mas minahal na ito ng mga Pilipino at mas binigyan ng pansin.
Samantala sa larangan ng ekonomiya, pinakilala ng bansang Amerika na ang Pilipinas ay maaring maging industriyalisado. Noon ang alam lang kasi natin ay magaling lang tayo sa agrikultura, subalit dahil sa mga Amerikano natuklasan ng mga Pilipino na maari din pala ang bansa natin makisabay sa ibang bansa pagdating sa industriya.
Sinabi ni Constantino na isa sa mga pangit na kaugalian nating mga Pilipino ay tuwang-tuwa tayo na kapag binabanggit ng mga dayuhan na ang ating bansa ay isang paraiso, na hindi natin nakikita ang reyalidad kung saan ang ibang mga kababayan natin ay hindi paraiso ang tingin dahil sa kahirapang kanilang nadarama.
Sa kabilang banda, ang pinaka nakaapekto ay ang wika. Wika ang isa sa pinakaproblema ng ating bansa. Naniniwala tayo na ang Ingles ay ang wikang panturo, sa paraang ito hindi natin naiisip na tayo ay Pilipino, na mas kailangan nating palawakin at mas aralin ang sariling wika natin. Nakakalungkot ring isipin na maraming pamilya ang pananaw ay ang edukasyon ay isang instrumento lamang ng pagtatamo ng personal na ambisyon sa buhay at dagdag pa dito, Ingles ang binibigyang prayoridad sa edukasyon at negosyo. Paggamit ng Ingles ay hindi nagbunga ng kaunlaran. Nauntol ang pag-unlad ng wikang pambansa bilang wikang panturo, wikang opisyal at wika ng negosyo.

Marahil nakatulong ang dayuhan upang umusbong ang ating bansa ngunit hindi naman malinaw ang hangarin na bigyan ng tamang edukasyon ang bawat Pilipino subalit ito’y naging misedukasyon. Marami man tayong natutunan, subalit hindi maganda ang kinalabasan nito sapagkat nagpadala ang nakararami sa atin sa pagmamahal dito at nakalimutan na, na sila ay Pilipino.

'Timawa'

Konsepto sa salitang ‘Timawa’

Malaki ang ginagampanan ng kultura at lipunan sa wika, sa katunayan hindi mo maipaghihiwalay ang tatlo sa kahit na anong aspeto.
Ang wika ay kabuhol na ng kultura, kung saan mas madaling makikilala ang isang tao sa pamamagitan ng pagtukoy kung ano ang wikang kanyang ginagamit. Sumasalamin sa salitang ginagamit ang kultura ng tao sapagkat malaki ang ugnayan ng dalawang ito. Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit nito na kabilang sa isang lipunang may umiiral na kultura. Gayundin, ang kultura ay nabubuo at napepreserba dahil sa wikang gamit ng tao. (Carpio et  al., Komunikasyon Sa Akademikong Filipino. 2012)
Sa kabilang dako, pangunahing gamit ng wika sa lipunan ay ang pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa o ang tinatawag na komunikasyon. Ayon nga sa kasabihan, No man is an island at samantalang sa awitin, “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Nais lang ipahiwatig ng bawat salita na hindi maaring mabuhay ang tao nang nag-iisa lamang sa mundo kung hindi siya magkakaroon ng interaksyon sa ibang tao. Nabuo ang lipunan dahil sa grupo o lipon ng tao na patuloy na nag-uugnayan at nakikipagtalastasan. Kasangkapan natin ang wika upang magpatuloy ang sirkulasyon ng lipunan at magpatuloy ang ating pag-iral bilang tao. Kung mangyaring ang wika ay hindi natin gamitin, maari itong manganib at tuluyang mamatay. Samakatuwid nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na paggamit dito ng tao sa komunikasyon. (Carpio et  al., Komunikasyon Sa Akademikong Filipino. 2012)
Sa ng paglipas ng panahon, sabay din na nagbabago ang wika at kahulugan nito. Isa sa kantangian ng wika ay ang pagbabago. Ang pabago-bago ng mga salita at pamamaraan ng pagbigkas ng wika ay isang uri ng katangian nito. Dinamiko ang wika. Pangunahing nagpapabago dito ay ang mga taong gumagamit ng wika at ang kulturang nabubuo sa lipunan.
Tatalakayin sa papel na ito ang Konsepto sa Salitang ‘Timawa’. Napili ko ang salitang timawa nang sabihan ng aking kapatid ang kanyang anak ng “Napakatimawa mo!” sapagkat nais pang kainin ng aking pamangkin ang pagkain ng kanyang ina gayong nakain na nito ang kanyang pagkain. Dito napaisip ako kung ano nga ba at saan nga ba nagmula ang salitang ‘Timawa’. Lagi kong naririnig ang salitang ito ngunit iba-iba ang pamamaraan ng paggamit ng mga tao dito. Ano nga ba ang orihinal na kahulugan ng salitang ‘timawa’ at saan nga ba nagmula ang salitang ito.
“Timawa ka ba?” Ano nga ba ang pangunahing pumapasok sa isipan ng isang indibidwal sakaling marinig niya ang katagang ito. Para sa nakararami ano nga ba ang kahulugan nito?
Sa aking pananaliksik sa salitang ‘timawa’, nagulat ako nang malaman na mayroon nang gumawa ng pag-aaral para sa salitang ito. Nabatid ko na parehas kame ng dahilan kung bakit niya napili ang salita nang mabasa ko ang kanyang tesis na ginawa para dito, ito’y dahil nais niya ring malaman ang ibig-sabihin at malalim na kahulugan ng salitang ‘timawa’. Si Nancy Kimuell ay nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas at nang kumuha siya ng kanyang masteral ito ang ginawa niyang tesis na marami ring lubusan na natuwa sa ideyang ito.
Sa pag-aaral ko sa konsepto ng salitang ‘timawa’, nagkaroon ako ng isang pananaliksik kung saan tinanong ko ang aking mga kakilala at ibang tao patungkol sa kung ano ang pangunahin kaisipan o ideya ang nabubuo sa kanila kapag narinig nila ang salitang timawa: Timawakatumbas nito ang pagiging patay gutom, mahirap, walang makain, masiba sa pagkain, sabik kumain, dukha. Marahil base sa aking pananaliksik ang salitang timawa ay negatibo ang kahulugan para sa nakararami o sabihin na nating ito ang tingin ng kasalukuyang Pilipino. Ayon naman kay kimuell, kung tatanungin rin ang mga nag-aaral ng kasaysayan kung ano nga ba ang timawa, mahihirapan silang sagutin ito.
Ano nga ba ang nakapaloob sa sinaunang kahulugan ng salitang ‘timawa’?
May malalim na kahulugan ang salitang timawa sa kasaysayan dahil ito ay isang matandang salita na mula pa dantaon 16 at posibleng mas maaga pa. Ngunit halos magkaiba ang kahulugan ng salitang timawa noon sa kasalukuyan. Isang patunay na ang kahulugan ng wika ay maari ding mabago sa paglipas ng panahon.     
Noong unang panahon, sa sinaunang pamayanang Pilipino, ang salitang ‘Timawa’ ay nangangahulugan ng “Malaya”. Nagpapatungkol ito sa panggitnang katayuan ng mga tao sa pagitan ng mga maginoo at mga alipin. Sa pangkat na ito nagmumula ang mga espesyalista sa lipunan katulad ng mga mandirigma, mangangalakal, panday, katalonan/ babaylan, manghahabi, mamamalayok, guro/paratabgaw.  Maginhawa ang kanilang pamumuhay at kagalang-galang ang katayuan na sadyang maituturing na malaya sa lipunan dahil hindi sila tulad ng mga aliping naipagbibili. Maaring kaugnay ng timawa ang salitang Malay na “Dyemawa o Jemawa” ng Bahasa Indonesia na nangangahulugan ng labis na pagpapahalaga sa sarili.
Dagdag pa dito, bago dumating ang mga kolonyalistang espanyol, laganap na ang hatiang maginoo-timawa-alipin. Bukod sa saray ng datu at pamilya’t kamag-anak nito, may katayuang alipin din na nagbabayad ng tributo sa datu, naglilingkod sa iba’t ibang kaparaan at may mga kasong naipagbili sila, naipapamana o naipagpapalit ng ibang kalakal. Sa gitna ng dalawang pangkat na ito ang isa pang grupo ng tao na inilalarawan bilang ang mga malalaya o timawa na hindi kabilang sa uri ng datu o sa uring alipin. May sarili silang lupang binubungkal; may karapatan silang mamili ng datung pakikisamahan, at maliban sa karaniwang gawaing pagsasaka, malakas na papel din nila sa komunidad ang pagiging mandirigma at mangangalakal. May panahon silang paunlarin ang kanilang kasanayan tulad ng paghahabi ng magagarang damit, pagpapanday ng ginto at pilak para sa alahas at mga dekorasyong pangkatawan at pantahanan, panday na kahoy para sa mga kabahayan at sasakyang pandagat, paggawa ng mga palayok na gamit ng komunidad at pangangalakal sa kalakalang internasyunal, bilang mga babaylan o katalonan na responsable sa buhay ispiritwal at pangkalusugan ng komunidad at bilang mga guro o paratabgaw/tagapagturo sa mga kabataan. P. 45
Ang “Katimawaan” ang taal na dalumat ng sangkapilipinuhan sa KALAYAAN. Kaugnay ito ng konsepto ng katubusan, kaginhawaan, kaligtasan, kasaganaan at katiwasayan. Dito mahihinuha na ang ibig-sabihan ng salitang timawa noon sa kasaysayan ay ang mga taong Malaya.
Ang ganitong pagpapakahulugan ay magbabago nang sakupin ng mga kastila ang Pilipinas. Bilang grupong panlipunan, maghihirap sila dulot ng mga imposisyong pang-ekonomiyang mapagsamantala. Pagbabayarin sila ng buwis , pagsisilbihan sa polo, aagawan ng lupa at dadayain sa hatian ng bunga ng produksyon agrikultural na pinakikinabangan ng mga mestisong tsino, uring principalia at mga prayle. Sa dantaon 20, iba na ang gamit at kahulugan para sa mga tao ng salitang timawa.
Kasunod ng pagbabago sa material na kalagayan at buhay ng lipunan, magbabago din ang pusisyon ng timawa sa lipunan. Babagsak ang pusisyon ng timawa dahil sa sistematikong pagsasamantala at pang-aapi sa kanila ng kolonyalismong Espanyol katulong ang mga lokal na principalia. Tatagpuin nila sa pinakamababang antas na ito ay tatawaging plebeyo, maglulupa, kasama at marami pang iba batay sa kinapapaloobang hanapbuhay pero sa pangkalahata’y nagpapatungkol sa mga dukha, walang lupa at walang piang-aralan. Sila ang tumatanngap ng makalahi at makauring pagsasamantala at pang-aapi ng nakapangyayaring uri ng lipunan. Kung sa mata ng dayuhan ay mga “tamad ng unggoy” at “asal-hayup” ang mga indio (sangkapilipinuhan), para sa mga elit, hindi ito totoo para sa lahat ng indio. Hindi kasama ang mga may pinag-aralan; mga timawa lamang ang asal-hayup, ang mga “mal-edukado”, ang mga “walang modo”. Ang pagbabago ng pagtingin sa mga timawa ay maipapaliwanag lamang sa pagbabago ng kabuhayan nila sa epekto nito sa kanilang kalinangan. P.15
Itutulak ng pagbabago sa kanilang material na kalagayan ang iba’t ibang pananaw at pagkilos. May mga timawang nakipagtulungan sa principalia, mga naging alalay ng kolonyal na opisyales, mga pumasok sa kolonyal na hukbo, mga katulong ng pari sa simabahan. Sa madaling salita, may mga timawang nakipagkasundo at naging mga katulong sa kolonyal na pangangasiwa at pagmamantini ng lipunan. P.15
Hanggang sa kasalukuyan, ang salitang timawa ay negatibo ang ibig-sabihin. Kapag ikaw ay mahirap, timawa ang pangunahin deskripsyon sa iyo. Gustong ipahiwatig nito na ikaw ay isang dukha, patay-gutom, hampas-lupa, asal-hayup, walang pinag-aralan, walang modo, pulubi, alila, katulong, swapang, masiba at buraot. Sa madaling salita ay busabos… ikaw ay ituturing na mababang uri ng  tao sa lipunan. Sa madaling salita, maraming tao na para sa kanila ang salitang timawa ay negatibo ang kahulugan.
Sa komunidad pangwika ng mga Tagalog at Bisaya, may mga ebidensya na nanatili ang taal na kahulugan ng salita bilang malaya/ kalayaan hanggang 1910. Subalit noong 1864, may lilitaw na ring ebidensya  ng pagkakaroon ng pangalawa at negatibong pang kahulugan ng salita na mananatili na hanggang sa kasulukuyan: dukha, busabos, mahirap pa sa daga, ganid, swapang, hampas-lupa, kadusta-dusta, hamak at kalait-kait. Nakasalalay ang pagbabago ng kahulugan ng salita sa naghirap nilang katayuan sa makauring lipunan. Kasama ng mga dating alipin na “titimawain” o “palalayain,” sila ngayon ang bumubuo ng pinakamababang uri sa lipunang kolonyal.
Sadyang masasabi natin na ang wika ay nagbabago dahil ito ay buhay. Patuloy ang pagbabago nito kasabay ng paglipas ng panahon, ang pagsubaybay sa pagbabago nito ay pagtuklas na rin sa natatagong kasaysayan nito.
Hinalinhan naman ng salitang kalayaan ang salitang katimawaan. May mga pahiwatig na nasa gamit ng ng balana ang salitang LAYA mula pa noong malaong nakalipas (Hal. Raha Laya noong dantaon 16; ilaya-iraya-idaya ng iba’t ibang grupong etniko; at mga apelyidong Laya at Malaya sa Catalogo ni Claveria noong 1849). Gayunman, noon 1864 matutunghayan ang salitang calayaan bilang biyaya ng Diyos, sa aklat-dasalan na isinalin ni Padre Mariano V. Del Pilar ng El Amor Patrio ni Dr. Jose Rizal. Unti-unti nitong hinalinhan ang salitang katimawaan (Sa pakahulugan kalayaan) sa gamit ng mga katipunero. Sabay na ginagamit hanggang 1910 ang katimawaan at Kalayaan (sa positibong kahulugan) kahit nina Del Pilar, Bonifacio, at Aurelio Tolentino. Subalit mula ikalawang dekada ng dantaon 20, mas madalas nang ginagamit ang kalayaan samantalang mas tumingkad naman ang negatibong kahulugan ng timawa. Tanging ang kapampangan lamang ang makakapagpanatili ng taal na kahulugan nito hanggang sa ngayon.
Sa kabisayaan, ang timawa sa kasalukuyan ay mga magsasaka, magbubukid, at sa pangkalahata’y lahat ng maralita. Sa mga tagalog, ang timawa ay nangangahulugan ng dukha, alilang-kanin, patay-gutom, hamak kapus-palad, at kalait-lait.
Ang kasaysayan ng timawa ay kasaysayan ng mga taong ginawang busabos sa sariling bayan ng mga dayuhan sa pakikipagsabwatan ng mga local na mapagsamantalang uri. Ang SANGKATIMAWAAN ay ang SAMBAYANANG PILIPINO – ang TAUMBAYANG pinagsasamantalahan na madalas ding tinatawag na ANAKPAWIS, BAYAN, MASA at minsang tinawag pa ngang HARING BAYAN ni Andres Bonifacio.
Sa pagbabago ng wika, ito ay maaring magpalit ng anyo (alterations of the old material of language) o kaya’y pagbabago ng salita pero pareho pa rin ang kahulugan. Dalawang klase ang nakapaloob dito sa huli. Una, maaring nagbago ang pagbigkas (Utterd form) at ikalawa, maaaring nagbago ang nilalaman (content) o pagpapakahulugan (signification). Ang dalawang ito’y maaaring umiiral nang hiwalay (independently) o sabay (in conjunction). (Nerlich, Whitney. P.112) Sa salitang timawa makikitang nananatili pa rin ang salita ngunit nagbago ang kahulugan o mas napatingkad ang bagong kahulugan (dukha). Ito ay nagkaroon ng dalawang kahulugan ang Malaya, na nakapaloob sa kasaysayan at ang kasalukuyang namamayani sa nakararami, ang dukha.
Sa pag-aaral sa konsepto ng salitang timawa sadyang makikita ang pagbabagong naganap mula sa  orihinal na kahulugan hanggang sa transisyon nito sa kasalukuyan. Unti-unti nang namamatay ang timawa na ang ibig sabihin ay Malaya/kalyaan, samantala mas kilala na ang timawa sa kasulukuyan bilang dukha, walang modo at busabos. Mapapatunayan na ang wika ay dinamiko, ito ay nagbabago depende sa paggamit ng tao. Sa lipunang Pilipino, maipahihiwatig na ang wika ay maaaring mamatay at tuluyang mawala ang salita o kaya’y mananatili ang isang salita ngunit mababago ang ibig sabihin nito.
Sa tanong na, “‘timawa’ ka ba dahil ikaw ay sabik sa pagkain at nanggaling sa mahirap na pamilya o ‘timawa’ ka dahil nais mo lang ng katimawaan?” maaari mo ng sagutin ang mga ito dahil alam mo na kung ano ang ibig sabihin ng ‘timawa’ sa kasaysayan at kung ano ang kahulugan nito sa kasalukuyan.



Sources:
·         (Carpio et  al., Komunikasyon Sa Akademikong Filipino. 2012)
·         Gabriel, Nancy Kimuell. TIMAWA: Kahulugan, Kasaysayan at Kabuluhan sa Lipunang Pilipino. Abstrak. Abril, 2001
·         April M.S Memahon, Understanding Language Change (Great Britain: Cambridge University Press, 1995). Unang limbag: 1994, pah. 8.

·         Nerlich, Whitney. P.112

Wika. Kultura. Lipunan

Ang Wika ba ay nakakaapekto sa kultura at lipunan. At ang kultura at lipunan ba ay nakakaapekto sa wika.

Ang isa sa pinakamahalaga sa tao at lipunan ay ang wika. Samantala ang wika ay nabuo para sa tao at lipunan. Ayon sa isang linggwista na si Henry Gleason, “Ang wika ay tumutukoy sa masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang kultura.” Sa lipunan, wika ang tumutulong upang labis na magkaunawaan ang mga tao sa isa’t-isa, ito rin ay mahalaga sa lipunan sapagkat gaya nga ng sabi nila, “No man is an island.” Samakatuwid, walang sinuman ang maaaring mabuhay na para sa sarili niya lamang. Nabuo ang wika para sa lipunan at ang lipunan ay nabuo dahil sa wika, kaya nakakaapekto ang wika sa lipunan na ginagalawan ng tao.

Ang wika ay nakakaapekto sa kultura, sapagkat matutukoy o makikilala natin ang isang tao sa kung ano ang wikang kanyang ginagamit, gayun din malalaman natin kung ano ang kultura o etnikong kanyang pinagmulan. Hindi maitatangging, hindi mapaghihiwalay and wika at kultura, dahil sumasalamin sa kultura ng isang tao ang kanyang ginagamit na wika, may mga salita din kasing pag-aari lamang ng isang bansa. Halimbawa na lang nito ay sa pilipinas, dito lang sa atin ang may salitang “Po”,”Opo” at “Oho” na naglalarawan sa kaugalian ng mga plipino bilang sa pagiging magalang. Sa ibang probinsiya naman gumagamit sila ng “Manong” at “Manang” kapag mas nakakatanda sa kanila ang isang tao na sa ibang lugar partikular sa mga taga maynila, ay hindi na ito ginagamit o paminsan-minsan na lang ginagamit dahil para sa karamihan hindi ito maganda pakinggan.

Dinamiko ang wika, ito ay buhay na patuloy ring nag-iiba ang kahulugan, pagbigkas at tunog sa paglipas ng panahon. Ang malaking nakakaapekto dito ay ang lipunan na ating kinagagalawan. Sa kadahilanang marami nang naiimbentong salita katulad na lamang ng mga salita sa gay linggo (o salita ng mga bading) at ang iba pang mga bagong salitang nabubuo sa lipunan. Taon-taon maraming nadidiskubre na wika dahil masyadong matalino na ang mga tao, kung kaya’t mabilis na naiimpluwensiya ng mga ito ang wikang gagamitin sa isang partikular na lipunan.
May mga kanya-kanyang lahi ang bawat isa, dito sa asya halos iisa lamang nag hulma ng mukha ang mga tao kung kaya’t nakakalito tukuyin kung saang bansa ito nanggaling o ano ang kultura nito kaya sa wikang gamit ng isang tao maaring makilala natin kung saang bansa galling ito. Mahalaga talaga na magkaroon ng pambansang wika ang isang bansa upang mas madaling matukoy ang isang tao sa kung saan siya galing at dito rin nagkakaroon o makikita ang pagkakaisa ng isang bansa gaya na lamang sa kultura ng korea, parte ng kultura nila na hindi maaring magturo ng ingles sa lugar nila kung kaya’t kinakailangan pa nilang pumunta sa ibang bansa para matuto ng salitang ingles, kapag marunong ka mag ingles at nasa korea ka mataas na ang tingin nila sa’yo dahil bihira lang ang marunong mag-ingles sa kanila. Sa kultura ng mga taga korea, makikita natin kung gaano nakakaimpluwensya ang wika sa kanila. Gaya din ito ng bansang Tsina at Japan kung saan kahit na hindi sila marunong mag-ingles, maunlad ang bansa nila.

Gaya ng nabasa ko “Kahit na ang ingles ang ating “Lingua franca” sa buong mundo, kailangan pa rin natin ng pambansang wika” Kultura din sa ating mga Pilipino na kapag magaling mag-ingles ang isang tao o nakakapagsalita siya ng banyagang wika, andun yung pag-iisip natin na mas matalino o mas magaling ang taong iyon kaysa sa atin kaya kung minsan mas napapamahal tayo sa lenggwahe ng iba at hindi sa sarili nating wika. Sadyang nakakaapekto ang kultura sa wika lalo na kapag naimpluwensyihan ng lipunan na kinagagawalan nito.


Sa kabuuan, apektado ang wika sa kultura ng isang tao at sa lipunan ng partikular lugar at gayun din nakakaapekto ang kultura at lipunan sa wikang ginagamit. Sadyang hindi maipaghihiwalay ang dalawa, ang wika at kultura, samantala nakabuntot sa kultura ang lipunan dahil kung walang lipunan walang mabubuong kultura, at kung walang kultura maaarin may sari-sariling paniniwala ang tao sa isang lipunan. Mahalaga ang wika kaya’t mahalaga ring mahalin ito.
REFLECTION 3: Children's Games as Signs of Globalization

Habang ako’y nglalakad pauwi sa aming bahay, may nakita akong mga batang naglalaro ng Patintero. Natuwa ako at natanong sa aking isipan, “May mga bata pa palang naglalaro nito?”. Bigla kong naalala yung kapanahunang naglalaro ako nito. kapanahunan? Gano’n na ba ako katanda, kasi naisip ko sa panahon ngayon wala ng batang naglalaro nito o kaya kahit na anong larong pinoy, ‘yun bang mgagamit mo yung pisikal na pangangatawan mo. Kaya bigla akong natuwa sa mga batang mas bata sa akin no’ng nakitang kong naglalaro pa rin sila nito.
Naranasan mo na bang maglaro ng Patintero? Luksong baka? Turumpo? Taguan? Sipa? Bahay-bahayan? Jack en poy? Siyato? Tumbang Preso? Chinese Garter? Finish Palo? Agawan Base? O kung ano mang larong pinoy, kasi ako Oo lahat ito naranasan ko. Para sa’kin, isa ito sa pinagmamalaki ko. Ika nga nila, masuwerte ka kapag batang 90’s ka kasi mararanasan mo yung mga larong katulad ng mga ito.
Sa pag-ikot ng mundo, kasabay nito ang pag-unlad nito na tinatawag nating Globalisayon. Katulad nga ng mensahe sa palabas ng mga nag-ulat, isa sa magandang halimbawa ng Globalisasyon sa Pilipinas ay ang larong pinoy. Sa Pilipinas, tatak na sa ating kultura ang kakaibang mga laro na nauuso sa ating bansa. Pagdating sa larong pinoy, nagagamit ng mga batang pinoy ang diskarte sa pag-iisip, lakas ng pangangatawan at kakaibang proseso ng laro na kung saan sa pinas lang mararanasan.  Subalit sa bilis na paglipas ng mga araw, sa panahon ngayon, bihira na lang tayo makakakita ng mga batang naglalaro ng larong pinoy dahil nag-usbungan na ang mga modernong teknolohiya kung saan mas pinagtutuunan nila ng pansin at dito kumukuha ng libangan.
Alas tres ng hapon. Ito ang oras ng laro namin ng aking mga kalaro no’ng bata pa lamang ako. Hindi ako hinahayaan ni Mama na lumabas dahil tanghaling tapat ito at mainit, madali daw akong pagpapawisan at baka atakihin daw ako ng aking hika. Ang ginagawa ko, tumatakas ako kasi naiinggit talaga ako kapag nakikita ko yung mga kalaro ko. Imbis na matulog sa hapon mas ginugusto kong maglaro kasi noong bata ako wala pa namang  mga gadgets noon. ‘di katulad ngayon hindi mo na kailangan lumabas o humanap ng kalaro para malibang ang sarili, kunin mo lang ang Android phone, tablets o kung ano pang mga gadgets na nauuso ngayon, malilibang kana.
Sadyang napakasarap balikan ng mga ala-ala sa pagkabata dahil parang sa iyo lang mundo mo. Walang problema, hindi mo na kailangan ng pera at ang mga kailangang materyales mo ay nasa bahay o paligid mo lang. Isa sa mga nagpapaalala sa aking pagkabata ay ang mga laro na kung saan sa bawat larong iyon ay nag-iwan ng marka sa aking nakaraan. Tatlong laro ang pinaka paborito ko: Ang Patintero, Taguan at Luksong Baka.
Patintero. Galing sa pagtaya ng kalaban ang pangunahing dapat na isinasaalang alang ng bawat manlalaro. Ang basehan ng pagkapanalo sa larong ito ay ang bilang ng mga manlalarong nakalampas sa bawat guhit nang hindi natataya ng kalaban. Ang isang grupo ay kinabibilangan ng hindi bababa sa 10 miyembro. Maaaring maglaro ng patintero sa kahit anong lugar basta’t nasusulatan ang sahig ng yeso na nagsisilbing hangganan o kaya naman ay mga linyang dapat malampasan ng bawat manlalaro. Bilang pasimula ng laro, maghahagis ang isa ng barya upang malaman kung aling grupo ang mauunang maglaro at kung sinong grupo ang taya. (WikiFilipino)
Ito ang isa sa mga paborito kong laro noong bata pa lang ako. Dito kasi mas nagkakainitan ang dalawang magkalabang grupo. Nagkakapikunan, nagkakaasaran at bandang huli, nagkakaayawan… dahil pare-parehas ayaw magpatalo, lahat gusto manalo. Ang maganda do’n lahat ay masaya. Nakakadagdag pa ng saya ang ngiti ng mga taong nanunuod sa amin, mapamatanda at bata, kaya nga kung minsan naiingit na yung iba sa amin at gusto ng sumali.
Taguan. Ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay Hide and Seek. Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “taya”. Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base. Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kanyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago. Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “save”. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan. (WikiFilipino).
Karamihan ng mga matatanda, sinasabing masama daw ang magtaguan tuwing gabi (Hindi ko rin alam kung bakit) pero ito kasi ang pinakamasaya at mas magandang oras na laruin kasi nga ika nga nila, may thrill. Dagdag pa rito ang pinakamasaya ay ang magtago sa kasuluksulukan. Gagamitin mo ang utak mo para makaisip ng magandang taguan. Noong panahon ko halos isang beses lang nagkakaroon ng taya kasi sobrang hirap naming hanapin at binuburot namin yung taya (burot ang tawag kapag laging taya, ang taya).
Luksong Baka. Sa larong ito, ang isang manlalaro ay tutuwad ng bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kanyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito. (WikiFilipino).
Sa totoo lang isa rin ito sa ayokong laro. Una, maliit ako kaya nabuburot ako kapag ako ang taya. Pangalawa, parang hindi ko kayang tumalon ng mataas. At pangatlo, noong naglaro ako nito ay nauna ang ulo. Oo, masakit. Buti na lang naglaro ako no’n sa damuhan, sa probinsya kaya hindi pumutok ang ulo ko, pero hanggang ngayon hinahamon ko pa rin ang sarili ko kung paano ang tamang teknik para lumukso ako ng maayos nang hindi nababagok.
Sa mga larong ito, ang kailangan mo lang ay ang iyong kapit-bahay hindi mo na kailangan gumastos ng materyales o kung ano pang teknolohiya para makapaglaro dahil nasa paligid lang ang mga bagay na kakailanganin mo. Ito rin ay halimbawa ng ehersisyo dahil kailangan ng malakas na pangangatawan, isip, liksi at bilis.
Sa ngayon, hindi na ang mga ito ang nilalaro ko. Marahil dahil matanda na rin ako para maglaro pa ng mga ganitong laro. Sa panahon ngayon, kailangan mo na rin makiuso, dahilan na ang mundo ay pinapaikot na ng teknolohiya, ang mga larong uso na ngayon ay halos malalaro mo lang sa kompyuter, tablet, iPod o kung ano mang Android, basta Android. Sa ngayon tatlo sa pangunahing gusto ko ay ang Candy Crush, Temple run at FarmVille.
Candy Crush Saga. Isang laro na kung saan pagtatabihin mo ang tatlo o higit pang magkakaparehong bagay para maka iskor, at mkabawas ng mga candy tiles.Katulad din nito ang sumikat at lumaos ng Bejewelled. Ang kaibhan lamang ay ang pagkakaroon ng mga stage mismong puzzle, maaring magbawas ng Jelly, iparating sa ilalim ng screen ang mga prutas, o dili kaya’y ang pagkamit ng puntos sa tinakdang limitadong oras. Me mga power ups na tinatawag dto pero madalas ito’y nakukuha sa pagbili sa Appstore o Google play depende sa gamit na systema. (Heldervert Co Garma)
Sa totoo lang, masaya rin at nakakaaliw laruin ito. Sa katunayan level 140 na ako, kaso nakakatamad din kung minsan kasi nakahiga lang ako at tuwing wala lang akong ginagawa tsaka ko lang naiisipang laruin at para lang makasabay sa mga “trending” ngayon kaya naglaro ako ng Candy Crush Saga.
Temple Run. Simpleng laro lang ito kung saan hahabulin ka lang ng “monster” ang pinakaexciting lang sa laro ay ang pasikot sikot nitong daan at habang lumalayo ka bumibilis din ang pagtakbo mo. Kapag nadapa ka, nahulog sa patibong o kaya naman ay nahuli ng “monster” doon ka lang magegameover .
Tulad ng Candy Crush, marami lang ang naglalaro nito kaya naisipan kong magdownload sa cellphone ko at laruin ang Temple Run kinalaunan hindi ko na rin siya nilaro kasi nakakatamad, nakaupo lang at kamay mo lang ang gumagana.
FarmVille. Isa itong laro mula sa Facebook na ang kailangan mo lang ay bumuo ng Farm at payayamanin. Alagaan, magpapapera, tataniman, didiligan at bibilhan ng bahay.
Third year high school ako nang simulan ko ang paglalaro nito kasi may guro ako na sa quiz niya ay may bonus question na may kaugnayan sa FarmVille at may plus points ang maggift sa kanya. Kaya ayun, napilitan akong gumawa at kinalaunan ay naenjoy ko din naman ang paglalaro.
Dabest nga daw kapag ikaw ay batang 90’s, katulad ko (kasi ang huling batch namin ang nakaabot ng mga laro pinoy bago pa umusbong ang teknolohiya) sa totoo lang, pwede pa naman maglaro ang mga bata ng mga ganitong laro sa ngayon ngunit sadyang kung mas papipiliin sila, e, mas pipiliin nilang laruin ang computer, tablet, ipod, ipad o kung ano mang gadget lalo na yung Android, upang hindi na sila lumabas pa ng bahay at maghanap ng kalaro at kung minsan ay hindi na rin sila pinapayagan ng mga magulang na maglaro sa labas lalo na sa delikadong panahon ngayon.
Kung mapapansin, mas binigyan ko ng pansin ang paglalaro ko no’ng bata pa ako dahil mas masaya at mas masayang balikan ang alaala. Siguro nga isa rin iyon sa mga pinagmamalaki ko at yun ang mga karanasan na labis akong natuwa na ang sarap magbalik-tanaw. Talaga nga naman na teknolohiya na ang nagpapatakbo ng mundo, gaya na lamang sa pilipinas. Taong 2000 nagsimula nang magsulputan ang teknolohiya lalo na sa pilipinas. Totoo talagang ang laro ay isa sa pinakamagandang halimbawa na ang Pilipinas ay unti-unti ng nasasakop ng globalisayon. Patunay rin lang ito na ang kultura ng larong Pilipino ay namamatay na at pinapalitan na ng mga nag-uusbungang teknolohiya.
Ikaw ba? Anong nilalaro mo?