Reaction Paper: The Miseducation of the Filipino
Maskara
Ang mukha ng edukasyon, ito ang sandata ng isang tao upang makamit ang tagumpay na kanyang hinangad sa buhay. Ito ang sagot sa lumalaking kamangmangan at makamit ang tagumpay ng isang bansa.
Sa Pilipinas, ‘miseducation’ ang nangyari at hindi edukasyon noong panahon ng Amerikano, ngunit hanggang sa kasalukuyann nangyayari pa rin ito. Tulad na lamang sa mga paaralan, iba ang itinuturo sa elementarya at sekondarya dahil ang gobyerno na nakasuot ng maskara ang nagdidikta sa kung ano ang nararapat na ituro at ito’y sa pamamagitan ng DepEd. Hindi tulad sa kolehiyo lalo na sa UP, itinatanggal nito ang maskara ng bawat isko at sinasabing mali ang pagsuot nito, na hindi kailanman makakamit ang nasyonalismo at kaunlaran ng bansa kung patuloy na isusuot ito. Subalit sa UP pa lamang din ay makikita na, na nanaig pa rin ang mga mag-aaral at guro na nakasuot nito tulad na lamang ng mga estudyante at propesor na nagnanais ng Academic Calendar Shift, na sinasabing sa tulong ng pagsuot ng maskara makikita ng ibang bansa na kaya nating makipagsabayan sa kanila. Subalit paano makikilala ang Pilipino kung suot-suot pa rin niya ang maskara at hindi ipinapakita ang mukha sa likod nito.
Bukod sa demokrasyang itinuro, magaling rin ang mga Amerikano sa pagsuot ng maskara sa Pilipino dahil napaniwala nila noon na ito’y maganda at magagamit sa hinaharap ngunit ang hindi natin alam ay sa tulong nito nagagawa na nilang sakupin at mapasakamay na tayo. Sa kabilang banda, Isa pang patunay na dahil sa maskarang gamit, natatakpan ang bibig ng bawat Pilipino dahilan upang mahirapan tayong magsalita ng purong Filipino o tagalog. Habang nakasuot tayo ng maskara itinuturo bilang wikang panturo ang ingles sa atin dahil sinasabing mas bagay ang wikang ingles sa maskarang suot natin. Mas magiging mukhang kaaya-aya daw tayong mga Pilipino kung gamit ito at mas magiging mataas ang antas ng bawat Pilipino na magaling dito. Ngunit dahilan rin ito upang tayo’y mahirapan umintindi at magsulat sa wikang ingles maging sa wikang atin, sapagkat nahahati ang kaalaman natin. Hindi pa man tayo bihasa sa wikang atin, pinapasok na sa utak ng bawat Pilipino ang wikang ingles dahilan upang mas mahirapan tayo. Sinasabing ang ingles ang sagot sa kahirapan, kapag magaling ka sa ingles mas marami ang oportunidad ang naghihintay sa’yo. Kaya’t mas maraming Filipino ang nananabik matuto ng ingles kaysa sa wikang atin. Sa panahon ngayon, tulad ng ibang mga estudyante sa UP, mas marami ang tinatawag na “Conyo”. Sa UP din makikita na mababa ang tingin sa’yo ng iba kapag nagpahayag ka gamit ang tagalong/Filipino samantala matalino ka naman kapag magaling kang magsalita ng ingles.
Patunay na magpasahanggang ngayon patuloy pa rin na isinusuot ng bawat Pilipino ang maskara na ating nakuha mula sa mga dayuhang Amerikano na akala ng nakararami ay maganda ito sa paningin ng iba, na akala nila dahil dito ay uunlad ang bansa at pagkatao nila, ngunit ang hindi nila nakikita at nalalaman na may nakatago sa likod ng maskara na natatanging mukha ng Pilipino na wala at naiiba sa mga dayuhan, na siyang talagang magpapaunlad sa bayang pinagmulan. Ngayon, maling akala pa rin ang ating sinusundan, hindi pa rin natin naiisip ang oportunidad sa nasyonalismong matagal na nating dapat ginawa. Kayang makilala ng ating bansa kahit wala ang mapagsamantalang mga Amerikano na nagsuot sa atin ng maskara. Kayang makilala ang bawat Filipino kapag may sariling identidad at mukhang inihaharap. Tanggalin ang maskara at iharap ang tunay na mukha ng Pilipino, dito mahihinuha na hindi na pala natin kinakailangan na takpan ng maskara ang ating mukha dahil makakamit ang tunay na pagbabago sa pagtanggal sa mapaglinlang na maskara.
Apokalips
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kultura. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kultura. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Agosto 20, 2014
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Reflection Paper: THE MISEDUCATION OF THE FILIPINO – Renato
Constantino
Edukasyon. Ito ang isa sa sandata
ng isang tao upang magtagumpay sa buhay. Ito ay importante sa bawat isa sa
atin. Ito ang sagot para hindi tayo lumaking mangmang. Upang yumaman ang isang
tao nararapat na mayroon nito. Ito ang sentro ng buhay natin. Ito ang isa sa
pinakamagandang maipagmamalaki sa iba. Ito ang pinakamatibay na pundasyon ng
isang indibidwal. At ito rin ang sagot sa kaunlaran ng isang bansa.
Sa Pilipinas, misedukasyon ang
nangyari at hindi edukasyon. Sa kawalan ng ating bansa ng matatag na
sibilisasyon, marami sa sumakop sa atin ay nagtatag ng Direct Colonialism kung saan, naging ganap ang pagsakop sa larangan
ng buhay ng mga Pilipino – Sa relihiyon, lipunan, ekonomiya, kultura at wika –
na tumatak sa ating kaisipan. Lalo na ang mga Amerikano na umukit ng husto sa
ating institusyon, bansa, kaisipan at pananaw sa daigdig.
Ang pagkakaroon ng pusong
makabayan ay importante sa edukasyon upang matamo ang ninanais. Subalit tayong
mga Pilipino ay mas nauudyok pag-aralan ang kaisipan ng kanluranin, nawawalan
tayo ng interes sa pag-aaral ng sariling kasaysayan natin. Laging nagbabase ang
mga Pilipino sa akda ng mga dayuhan at hindi sa sariling pantas. Sa katotohanan,
marami ng mahahalagang kontribusyon sa daigdig ng kaisipan ang ating mga
kababayan ngunit hindi lang ito labis na nabibigyang pansin at importansya.
Ayon nga sa isang artikulo na ginawa ni Renato Constantino, wala kasi tayong Intellectual tradition.
Isa sa mga tumatak talaga sa mga Pilipino
noong Panahon ng Amerikano ay ang pagturo ng mga ito ng Ingles, na kung saan
alam naman natin na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin natin, marahil hindi
natin maitatangging malaki ang naitulong nito sa atin at alam nating wala tayo
sa kung nasaan ang mga Pilipino ngayon kung hindi tayo naturuan ng wikang
Ingles. Isa rin sa dahilan kung bakit mabilis na nasakop ng Amerika ang Pilipinas
dahil noong matamo ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa Kastila, tinulungan
kaagad tayo ng mga Amerikano kung paano maging isang demokrasyang bansa. Gaya
nga nang pinahayag nila na ang gusto lang nilang mangyari sa mga Pilipino
kaya’t tinuruan nila ng wikang panturo o ang Ingles ay matanggal ang pagiging
mang mang at ignorante ng mga Pilipino. Upang dito ay matuto tayong magkaroon
ng sariling atin at mailigtas tayo sa kamay ng mga kastila at hapon.
Marahil noong Panahong ng mga
Amerikano tuluyang umusbong ang edukasyon ng Pilipino, sa kasamaang palad ito
na rin ang simula ng ating misedukasyon. Dahil dito na rin nagsimulang
kalimutan ng mga Pilipino ang pansariling wika at naging dayuhan na rin ang mga
Pilipino sa sariling bansa. Binibigyan din ng mga Pilipino ng halaga ang
tradisyon at kaugalian ng mga dayuhan, kaya’t hindi nakapagtataka na ang ating
pag-iisip ay hinuhubog ng itinuturong maka-dayuhan at ng mismong reyalidad.
Dito rin pumasok ang kasaysayan at katangian ng mga kanluranin na imbis maunawaan
ng mga Pilipino na ito ang kailangan natin mas naging malala pa sapagkat mas
minahal na ito ng mga Pilipino at mas binigyan ng pansin.
Samantala sa larangan ng
ekonomiya, pinakilala ng bansang Amerika na ang Pilipinas ay maaring maging
industriyalisado. Noon ang alam lang kasi natin ay magaling lang tayo sa
agrikultura, subalit dahil sa mga Amerikano natuklasan ng mga Pilipino na maari
din pala ang bansa natin makisabay sa ibang bansa pagdating sa industriya.
Sinabi ni Constantino na isa sa
mga pangit na kaugalian nating mga Pilipino ay tuwang-tuwa tayo na kapag
binabanggit ng mga dayuhan na ang ating bansa ay isang paraiso, na hindi natin
nakikita ang reyalidad kung saan ang ibang mga kababayan natin ay hindi paraiso
ang tingin dahil sa kahirapang kanilang nadarama.
Sa kabilang banda, ang pinaka
nakaapekto ay ang wika. Wika ang isa sa pinakaproblema ng ating bansa.
Naniniwala tayo na ang Ingles ay ang wikang panturo, sa paraang ito hindi natin
naiisip na tayo ay Pilipino, na mas kailangan nating palawakin at mas aralin
ang sariling wika natin. Nakakalungkot ring isipin na maraming pamilya ang
pananaw ay ang edukasyon ay isang instrumento lamang ng pagtatamo ng personal
na ambisyon sa buhay at dagdag pa dito, Ingles ang binibigyang prayoridad sa edukasyon
at negosyo. Paggamit ng Ingles ay hindi nagbunga ng kaunlaran. Nauntol ang
pag-unlad ng wikang pambansa bilang wikang panturo, wikang opisyal at wika ng
negosyo.
Marahil nakatulong ang dayuhan
upang umusbong ang ating bansa ngunit hindi naman malinaw ang hangarin na
bigyan ng tamang edukasyon ang bawat Pilipino subalit ito’y naging
misedukasyon. Marami man tayong natutunan, subalit hindi maganda ang
kinalabasan nito sapagkat nagpadala ang nakararami sa atin sa pagmamahal dito
at nakalimutan na, na sila ay Pilipino.
'Timawa'
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Konsepto sa salitang ‘Timawa’
Malaki
ang ginagampanan ng kultura at lipunan sa wika, sa katunayan hindi mo
maipaghihiwalay ang tatlo sa kahit na anong aspeto.
Ang
wika ay kabuhol na ng kultura, kung saan mas madaling makikilala ang isang tao
sa pamamagitan ng pagtukoy kung ano ang wikang kanyang ginagamit. Sumasalamin
sa salitang ginagamit ang kultura ng tao sapagkat malaki ang ugnayan ng
dalawang ito. Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit nito na
kabilang sa isang lipunang may umiiral na kultura. Gayundin, ang kultura ay
nabubuo at napepreserba dahil sa wikang gamit ng tao. (Carpio et al., Komunikasyon Sa Akademikong Filipino.
2012)
Sa
kabilang dako, pangunahing gamit ng wika sa lipunan ay ang pakikipag-ugnayan sa
isa’t-isa o ang tinatawag na komunikasyon. Ayon nga sa kasabihan, No man is an island at samantalang sa
awitin, “walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”. Nais lang
ipahiwatig ng bawat salita na hindi maaring mabuhay ang tao nang nag-iisa
lamang sa mundo kung hindi siya magkakaroon ng interaksyon sa ibang tao. Nabuo
ang lipunan dahil sa grupo o lipon ng tao na patuloy na nag-uugnayan at nakikipagtalastasan.
Kasangkapan natin ang wika upang magpatuloy ang sirkulasyon ng lipunan at
magpatuloy ang ating pag-iral bilang tao. Kung mangyaring ang wika ay hindi
natin gamitin, maari itong manganib at tuluyang mamatay. Samakatuwid nabubuhay
ang wika dahil sa patuloy na paggamit dito ng tao sa komunikasyon. (Carpio
et al., Komunikasyon Sa Akademikong
Filipino. 2012)
Sa
ng paglipas ng panahon, sabay din na nagbabago ang wika at kahulugan nito. Isa
sa kantangian ng wika ay ang pagbabago. Ang pabago-bago ng mga salita at
pamamaraan ng pagbigkas ng wika ay isang uri ng katangian nito. Dinamiko ang
wika. Pangunahing nagpapabago dito ay ang mga taong gumagamit ng wika at ang
kulturang nabubuo sa lipunan.
Tatalakayin
sa papel na ito ang Konsepto sa Salitang
‘Timawa’. Napili ko ang salitang timawa nang sabihan ng aking kapatid ang
kanyang anak ng “Napakatimawa mo!” sapagkat nais pang kainin ng aking pamangkin
ang pagkain ng kanyang ina gayong nakain na nito ang kanyang pagkain. Dito
napaisip ako kung ano nga ba at saan nga ba nagmula ang salitang ‘Timawa’. Lagi
kong naririnig ang salitang ito ngunit iba-iba ang pamamaraan ng paggamit ng
mga tao dito. Ano nga ba ang orihinal na kahulugan ng salitang ‘timawa’ at saan
nga ba nagmula ang salitang ito.
“Timawa
ka ba?” Ano nga ba ang pangunahing pumapasok sa isipan ng isang indibidwal
sakaling marinig niya ang katagang ito. Para sa nakararami ano nga ba ang
kahulugan nito?
Sa
aking pananaliksik sa salitang ‘timawa’, nagulat ako nang malaman na mayroon
nang gumawa ng pag-aaral para sa salitang ito. Nabatid ko na parehas kame ng
dahilan kung bakit niya napili ang salita nang mabasa ko ang kanyang tesis na
ginawa para dito, ito’y dahil nais niya ring malaman ang ibig-sabihin at
malalim na kahulugan ng salitang ‘timawa’. Si Nancy Kimuell ay nagtapos sa
Unibersidad ng Pilipinas at nang kumuha siya ng kanyang masteral ito ang ginawa
niyang tesis na marami ring lubusan na natuwa sa ideyang ito.
Sa
pag-aaral ko sa konsepto ng salitang ‘timawa’, nagkaroon ako ng isang
pananaliksik kung saan tinanong ko ang aking mga kakilala at ibang tao
patungkol sa kung ano ang pangunahin kaisipan o ideya ang nabubuo sa kanila
kapag narinig nila ang salitang timawa: Timawa
– katumbas nito ang pagiging patay gutom,
mahirap, walang makain, masiba sa pagkain, sabik kumain, dukha. Marahil
base sa aking pananaliksik ang salitang timawa ay negatibo ang kahulugan para
sa nakararami o sabihin na nating ito ang tingin ng kasalukuyang Pilipino. Ayon
naman kay kimuell, kung tatanungin rin ang mga nag-aaral ng kasaysayan kung ano
nga ba ang timawa, mahihirapan silang sagutin ito.
Ano
nga ba ang nakapaloob sa sinaunang kahulugan ng salitang ‘timawa’?
May
malalim na kahulugan ang salitang timawa sa kasaysayan dahil ito ay isang
matandang salita na mula pa dantaon 16 at posibleng mas maaga pa. Ngunit halos
magkaiba ang kahulugan ng salitang timawa noon sa kasalukuyan. Isang patunay na
ang kahulugan ng wika ay maari ding mabago sa paglipas ng panahon.
Noong
unang panahon, sa sinaunang pamayanang Pilipino, ang salitang ‘Timawa’ ay
nangangahulugan ng “Malaya”. Nagpapatungkol ito sa panggitnang katayuan ng mga
tao sa pagitan ng mga maginoo at mga alipin. Sa pangkat na ito nagmumula ang
mga espesyalista sa lipunan katulad ng mga mandirigma, mangangalakal, panday,
katalonan/ babaylan, manghahabi, mamamalayok, guro/paratabgaw. Maginhawa ang kanilang pamumuhay at kagalang-galang
ang katayuan na sadyang maituturing na malaya sa lipunan dahil hindi sila tulad
ng mga aliping naipagbibili. Maaring kaugnay ng timawa ang salitang Malay na “Dyemawa o Jemawa” ng Bahasa Indonesia
na nangangahulugan ng labis na pagpapahalaga sa sarili.
Dagdag
pa dito, bago dumating ang mga kolonyalistang espanyol, laganap na ang hatiang
maginoo-timawa-alipin. Bukod sa saray ng datu at pamilya’t kamag-anak nito, may
katayuang alipin din na nagbabayad ng tributo sa datu, naglilingkod sa iba’t
ibang kaparaan at may mga kasong naipagbili sila, naipapamana o naipagpapalit
ng ibang kalakal. Sa gitna ng dalawang pangkat na ito ang isa pang grupo ng tao
na inilalarawan bilang ang mga malalaya o
timawa na hindi kabilang sa uri ng datu o sa uring alipin. May sarili
silang lupang binubungkal; may karapatan silang mamili ng datung pakikisamahan,
at maliban sa karaniwang gawaing pagsasaka, malakas na papel din nila sa
komunidad ang pagiging mandirigma at mangangalakal. May panahon silang
paunlarin ang kanilang kasanayan tulad ng paghahabi ng magagarang damit,
pagpapanday ng ginto at pilak para sa alahas at mga dekorasyong pangkatawan at
pantahanan, panday na kahoy para sa mga kabahayan at sasakyang pandagat,
paggawa ng mga palayok na gamit ng komunidad at pangangalakal sa kalakalang
internasyunal, bilang mga babaylan o katalonan na responsable sa buhay
ispiritwal at pangkalusugan ng komunidad at bilang mga guro o
paratabgaw/tagapagturo sa mga kabataan. P. 45
Ang
“Katimawaan” ang taal na dalumat ng sangkapilipinuhan sa KALAYAAN. Kaugnay ito
ng konsepto ng katubusan, kaginhawaan, kaligtasan, kasaganaan at katiwasayan. Dito
mahihinuha na ang ibig-sabihan ng salitang timawa noon sa kasaysayan ay ang mga
taong Malaya.
Ang
ganitong pagpapakahulugan ay magbabago nang sakupin ng mga kastila ang
Pilipinas. Bilang grupong panlipunan, maghihirap sila dulot ng mga imposisyong
pang-ekonomiyang mapagsamantala. Pagbabayarin sila ng buwis , pagsisilbihan sa
polo, aagawan ng lupa at dadayain sa hatian ng bunga ng produksyon agrikultural
na pinakikinabangan ng mga mestisong tsino, uring principalia at mga prayle. Sa
dantaon 20, iba na ang gamit at kahulugan para sa mga tao ng salitang timawa.
Kasunod
ng pagbabago sa material na kalagayan at buhay ng lipunan, magbabago din ang
pusisyon ng timawa sa lipunan. Babagsak ang pusisyon ng timawa dahil sa
sistematikong pagsasamantala at pang-aapi sa kanila ng kolonyalismong Espanyol
katulong ang mga lokal na principalia.
Tatagpuin nila sa pinakamababang antas na ito ay tatawaging plebeyo, maglulupa,
kasama at marami pang iba batay sa kinapapaloobang hanapbuhay pero sa
pangkalahata’y nagpapatungkol sa mga dukha, walang lupa at walang piang-aralan.
Sila ang tumatanngap ng makalahi at makauring pagsasamantala at pang-aapi ng
nakapangyayaring uri ng lipunan. Kung sa mata ng dayuhan ay mga “tamad ng unggoy”
at “asal-hayup” ang mga indio (sangkapilipinuhan), para sa mga elit, hindi ito
totoo para sa lahat ng indio. Hindi kasama ang mga may pinag-aralan; mga timawa
lamang ang asal-hayup, ang mga “mal-edukado”, ang mga “walang modo”. Ang
pagbabago ng pagtingin sa mga timawa ay maipapaliwanag lamang sa pagbabago ng
kabuhayan nila sa epekto nito sa kanilang kalinangan. P.15
Itutulak
ng pagbabago sa kanilang material na kalagayan ang iba’t ibang pananaw at
pagkilos. May mga timawang nakipagtulungan sa principalia, mga naging alalay ng
kolonyal na opisyales, mga pumasok sa kolonyal na hukbo, mga katulong ng pari
sa simabahan. Sa madaling salita, may mga timawang nakipagkasundo at naging mga
katulong sa kolonyal na pangangasiwa at pagmamantini ng lipunan. P.15
Hanggang
sa kasalukuyan, ang salitang timawa ay negatibo ang ibig-sabihin. Kapag ikaw ay
mahirap, timawa ang pangunahin deskripsyon sa iyo. Gustong ipahiwatig nito na
ikaw ay isang dukha, patay-gutom, hampas-lupa, asal-hayup, walang pinag-aralan,
walang modo, pulubi, alila, katulong, swapang, masiba at buraot. Sa madaling
salita ay busabos… ikaw ay ituturing na mababang uri ng tao sa lipunan. Sa madaling salita, maraming
tao na para sa kanila ang salitang timawa ay negatibo ang kahulugan.
Sa
komunidad pangwika ng mga Tagalog at Bisaya, may mga ebidensya na nanatili ang
taal na kahulugan ng salita bilang malaya/ kalayaan hanggang 1910. Subalit
noong 1864, may lilitaw na ring ebidensya
ng pagkakaroon ng pangalawa at negatibong pang kahulugan ng salita na
mananatili na hanggang sa kasulukuyan: dukha, busabos, mahirap pa sa daga,
ganid, swapang, hampas-lupa, kadusta-dusta, hamak at kalait-kait. Nakasalalay
ang pagbabago ng kahulugan ng salita sa naghirap nilang katayuan sa makauring
lipunan. Kasama ng mga dating alipin na “titimawain” o “palalayain,” sila
ngayon ang bumubuo ng pinakamababang uri sa lipunang kolonyal.
Sadyang
masasabi natin na ang wika ay nagbabago dahil ito ay buhay. Patuloy ang
pagbabago nito kasabay ng paglipas ng panahon, ang pagsubaybay sa pagbabago
nito ay pagtuklas na rin sa natatagong kasaysayan nito.
Hinalinhan
naman ng salitang kalayaan ang salitang katimawaan. May mga pahiwatig na nasa
gamit ng ng balana ang salitang LAYA mula pa noong malaong nakalipas (Hal. Raha
Laya noong dantaon 16; ilaya-iraya-idaya ng iba’t ibang grupong etniko; at mga
apelyidong Laya at Malaya sa Catalogo ni Claveria noong 1849). Gayunman, noon
1864 matutunghayan ang salitang calayaan bilang
biyaya ng Diyos, sa aklat-dasalan na isinalin ni Padre Mariano V. Del Pilar ng
El Amor Patrio ni Dr. Jose Rizal. Unti-unti nitong hinalinhan ang salitang
katimawaan (Sa pakahulugan kalayaan) sa gamit ng mga katipunero. Sabay na
ginagamit hanggang 1910 ang katimawaan at Kalayaan (sa positibong kahulugan)
kahit nina Del Pilar, Bonifacio, at Aurelio Tolentino. Subalit mula ikalawang
dekada ng dantaon 20, mas madalas nang ginagamit ang kalayaan samantalang mas
tumingkad naman ang negatibong kahulugan ng timawa. Tanging ang kapampangan
lamang ang makakapagpanatili ng taal na kahulugan nito hanggang sa ngayon.
Sa
kabisayaan, ang timawa sa kasalukuyan ay mga magsasaka, magbubukid, at sa
pangkalahata’y lahat ng maralita. Sa mga tagalog, ang timawa ay nangangahulugan
ng dukha, alilang-kanin, patay-gutom, hamak kapus-palad, at kalait-lait.
Ang
kasaysayan ng timawa ay kasaysayan ng mga taong ginawang busabos sa sariling
bayan ng mga dayuhan sa pakikipagsabwatan ng mga local na mapagsamantalang uri.
Ang SANGKATIMAWAAN ay ang SAMBAYANANG PILIPINO – ang TAUMBAYANG
pinagsasamantalahan na madalas ding tinatawag na ANAKPAWIS, BAYAN, MASA at
minsang tinawag pa ngang HARING BAYAN ni Andres Bonifacio.
Sa
pagbabago ng wika, ito ay maaring magpalit ng anyo (alterations of the old
material of language) o kaya’y pagbabago ng salita pero pareho pa rin ang
kahulugan. Dalawang klase ang nakapaloob dito sa huli. Una, maaring nagbago ang
pagbigkas (Utterd form) at ikalawa, maaaring nagbago ang nilalaman (content) o
pagpapakahulugan (signification). Ang dalawang ito’y maaaring umiiral nang
hiwalay (independently) o sabay (in conjunction). (Nerlich, Whitney. P.112) Sa
salitang timawa makikitang nananatili pa rin ang salita ngunit nagbago ang
kahulugan o mas napatingkad ang bagong kahulugan (dukha). Ito ay nagkaroon ng
dalawang kahulugan ang Malaya, na nakapaloob sa kasaysayan at ang kasalukuyang
namamayani sa nakararami, ang dukha.
Sa
pag-aaral sa konsepto ng salitang timawa sadyang makikita ang pagbabagong
naganap mula sa orihinal na kahulugan
hanggang sa transisyon nito sa kasalukuyan. Unti-unti nang namamatay ang timawa
na ang ibig sabihin ay Malaya/kalyaan, samantala mas kilala na ang timawa sa
kasulukuyan bilang dukha, walang modo at busabos. Mapapatunayan na ang wika ay
dinamiko, ito ay nagbabago depende sa paggamit ng tao. Sa lipunang Pilipino,
maipahihiwatig na ang wika ay maaaring mamatay at tuluyang mawala ang salita o
kaya’y mananatili ang isang salita ngunit mababago ang ibig sabihin nito.
Sa
tanong na, “‘timawa’ ka ba dahil ikaw ay
sabik sa pagkain at nanggaling sa mahirap na pamilya o ‘timawa’ ka dahil nais
mo lang ng katimawaan?” maaari mo ng sagutin ang mga ito dahil alam mo na
kung ano ang ibig sabihin ng ‘timawa’ sa kasaysayan at kung ano ang kahulugan
nito sa kasalukuyan.
Sources:
·
(Carpio et al., Komunikasyon Sa Akademikong Filipino.
2012)
·
Gabriel, Nancy Kimuell. TIMAWA:
Kahulugan, Kasaysayan at Kabuluhan sa Lipunang Pilipino. Abstrak. Abril, 2001
·
April M.S Memahon, Understanding
Language Change (Great Britain: Cambridge University Press, 1995). Unang
limbag: 1994, pah. 8.
·
Nerlich, Whitney. P.112
Wika. Kultura. Lipunan
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Ang
Wika ba ay nakakaapekto sa kultura at lipunan. At ang kultura at lipunan ba ay
nakakaapekto sa wika.
Ang isa sa pinakamahalaga sa tao at
lipunan ay ang wika. Samantala ang wika ay nabuo para sa tao at lipunan. Ayon
sa isang linggwista na si Henry Gleason, “Ang wika ay tumutukoy sa masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang
kultura.” Sa lipunan, wika ang tumutulong upang labis na magkaunawaan ang mga
tao sa isa’t-isa, ito rin ay mahalaga sa lipunan sapagkat gaya nga ng sabi
nila, “No man is an island.” Samakatuwid, walang sinuman ang maaaring mabuhay
na para sa sarili niya lamang. Nabuo ang wika para sa lipunan at ang lipunan ay
nabuo dahil sa wika, kaya nakakaapekto ang wika sa lipunan na ginagalawan ng
tao.
Ang wika ay nakakaapekto sa kultura,
sapagkat matutukoy o makikilala natin ang isang tao sa kung ano ang wikang
kanyang ginagamit, gayun din malalaman natin kung ano ang kultura o etnikong
kanyang pinagmulan. Hindi maitatangging, hindi mapaghihiwalay and wika at
kultura, dahil sumasalamin sa kultura ng isang tao ang kanyang ginagamit na
wika, may mga salita din kasing pag-aari lamang ng isang bansa. Halimbawa na
lang nito ay sa pilipinas, dito lang sa atin ang may salitang “Po”,”Opo” at
“Oho” na naglalarawan sa kaugalian ng mga plipino bilang sa pagiging magalang.
Sa ibang probinsiya naman gumagamit sila ng “Manong” at “Manang” kapag mas
nakakatanda sa kanila ang isang tao na sa ibang lugar partikular sa mga taga maynila,
ay hindi na ito ginagamit o paminsan-minsan na lang ginagamit dahil para sa
karamihan hindi ito maganda pakinggan.
Dinamiko ang wika, ito ay buhay na
patuloy ring nag-iiba ang kahulugan, pagbigkas at tunog sa paglipas ng panahon.
Ang malaking nakakaapekto dito ay ang lipunan na ating kinagagalawan. Sa
kadahilanang marami nang naiimbentong salita katulad na lamang ng mga salita sa
gay linggo (o salita ng mga bading) at ang iba pang mga bagong salitang nabubuo
sa lipunan. Taon-taon maraming nadidiskubre na wika dahil masyadong matalino na
ang mga tao, kung kaya’t mabilis na naiimpluwensiya ng mga ito ang wikang
gagamitin sa isang partikular na lipunan.
May mga kanya-kanyang lahi ang bawat
isa, dito sa asya halos iisa lamang nag hulma ng mukha ang mga tao kung kaya’t
nakakalito tukuyin kung saang bansa ito nanggaling o ano ang kultura nito kaya
sa wikang gamit ng isang tao maaring makilala natin kung saang bansa galling
ito. Mahalaga talaga na magkaroon ng pambansang wika ang isang bansa upang mas
madaling matukoy ang isang tao sa kung saan siya galing at dito rin nagkakaroon
o makikita ang pagkakaisa ng isang bansa gaya na lamang sa kultura ng korea,
parte ng kultura nila na hindi maaring magturo ng ingles sa lugar nila kung
kaya’t kinakailangan pa nilang pumunta sa ibang bansa para matuto ng salitang
ingles, kapag marunong ka mag ingles at nasa korea ka mataas na ang tingin nila
sa’yo dahil bihira lang ang marunong mag-ingles sa kanila. Sa kultura ng mga
taga korea, makikita natin kung gaano nakakaimpluwensya ang wika sa kanila.
Gaya din ito ng bansang Tsina at Japan kung saan kahit na hindi sila marunong
mag-ingles, maunlad ang bansa nila.
Gaya ng nabasa ko “Kahit na ang ingles
ang ating “Lingua franca” sa buong mundo, kailangan pa rin natin ng pambansang
wika” Kultura din sa ating mga Pilipino na kapag magaling mag-ingles ang isang
tao o nakakapagsalita siya ng banyagang wika, andun yung pag-iisip natin na mas
matalino o mas magaling ang taong iyon kaysa sa atin kaya kung minsan mas
napapamahal tayo sa lenggwahe ng iba at hindi sa sarili nating wika. Sadyang
nakakaapekto ang kultura sa wika lalo na kapag naimpluwensyihan ng lipunan na
kinagagawalan nito.
Sa kabuuan, apektado ang wika sa
kultura ng isang tao at sa lipunan ng partikular lugar at gayun din
nakakaapekto ang kultura at lipunan sa wikang ginagamit. Sadyang hindi
maipaghihiwalay ang dalawa, ang wika at kultura, samantala nakabuntot sa
kultura ang lipunan dahil kung walang lipunan walang mabubuong kultura, at kung
walang kultura maaarin may sari-sariling paniniwala ang tao sa isang lipunan.
Mahalaga ang wika kaya’t mahalaga ring mahalin ito.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)