Apokalips


Ipinapakita ang mga post na may etiketa na editoryal. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na editoryal. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Nobyembre 07, 2011

BABALA: BAWAL MAGBASA! (Kung ayaw mong matulad ka sa kanila)


Pagkatukso...Pagkalibog...Pagkasabik... Mga katagang masakit pakinggan sa tainga. Ito ang magiging ugali ng isang tao matapos makabasa ng malalaswang babasahin, na dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng karahasan at hayok sa laman.

Ayon sa nakalap na impormasyon, May mga ebidensya na nagpapatunay na ang epekto ng pornograpiya ay sumusunod na sa gawaing kriminal. Sa kabila nito, 70% na sa mga kabataan ang nahuhumaling at nauudyok na magbasa ng malalaswang babasahin.

Hindi maikakaila na sa modernong panahon ngayon, ang pagpapadali at papaliit na bahagdan ng mga bagay-bagay na dati ay imposible, ngayon ay possible na. Kung ang mga kabataan dati ay musmos pa ang kaalaman patungkol sa porno, ngayon malawak na ang kaisipan na nabubuo nila dito.

Malinaw sa aklat na Sex-Related Homicide and Death Investigation ni Vernon Gerbert, Ipinakita sa mga ebidensya sa bawat kaso ang koneksyon sa pagitan ng porno at ng mga bayolenteng sekswal na Gawain. Ang pornograpiya ang nagiging daan upang gumawa ang isang tao ng krimen. Karamihan ng mga nagkakasala sa pagpatay at panggagahasa ay nagbabasa ng porno dahilan upang isabuhay nila ito.

Sa ganitong kalagayan, Hindi matatapos ang relasyon ng magulang at anak. Magkaedad man ang isang indibidwal kailangan niya pa rin ang gabay at patnubay ng magulang , hanggang sa magkaroon ito ng sariling pamilya, dapat hindi siya lumaki at mabuhay sa mundo ng malalaswang babasahin at palabas.

Ayon sa pag-aaral sa 37 na mga nagkasala sa salang pagpatay, 30 ang nahikayat ng pornograpiya. Dagdag  pa dito, ang mga bumibili ng mga malalaswang babasahin ay pawang menorde edad, na nasa 13-14 taong gulang pataas.

Ang mas malala pa sa isyu, ang pinagkukunan ng mga tao ng impormasyon. Ang midya, ay hinawaan na rin ng porno, mas nakakabahala pa dahil ang kapangyarihan nitong maabot ang sino at saan mang panig ng bansa ay may posibilidad na mas marami pa ang malululong na kabataan.

Sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga kabataan na nalululong sa pagbabasa ng malalaswang babasahin, dadami rin ang porsiyento ng mga kabataan na masasangkot sa mga bayolenteng Gawain.

“ Kung mapipigilan na ang pagbebenta ng mga pornograpiya, mababawasan na ang porsiyento ng  bilang ng krimen at karahasan dito sa bansa”.

Linggo, Pebrero 27, 2011

Kuliglig, alisin sa kalsada!

    Nagkabuhol-buhol ang sasakyan at matindi ang trapiko na naganap sa Liwasan Bonifacio kamakailan lang dahil sa mga nakahambalang pedicab na demotor o mas kilala natin sa tawag na "Kuliglig".

    Ang Kuliglig ay katawagan sa Hand tractor na ginagamit sa pagbubukid sa maraming lugar dito sa ating bansa. Kung tutuusin napakaimposibleng isipin na pumasok sa isipan ng mga tao ang pagkabit ng makina sa sidecar na ginagamit panghakot ng gamit sa Divisoria.

    Kinalaunan, Hindi na paninda ang hinahakot ng mga kuliglig draybers, kundi pati na rin ang mga tao na pinagkikitaan na rin nila. Dumarami na ang kuliglig sa Maynila hanggang sa nagsulputan na pati sa Recto, Avenida, Carriedo at Quezon Boulevard. Pati na rin sa Roxas Blvd. ay umabot na rin.

     Nagpupukulan ng reklamo ang Manila Police District (MPD) Manila City Hall Officials at ang nagpoprotestang "Kuliglig" draybers dahil sa madugong  dispersal noon. Kung naging malamig lang ang ulo ng bawat kampo, hindi sana nagkagulo.

     Pero, nagkamali ang mga nagsipag-protestang drayber matapos harangan ang North Bound lane ng P. Burgos Avenue, Sa Ermita, Manila, Sa harap mismo ng Manila City Hall kaya tumindi ang trapik. Ipinakita nila sa mga tao na arogante nga sila sa kalsada.

    Nararapat lang ang naging pasya ni Mayor Alfredo Lim na patalsikin o walisin na ang mga makukulit na kuliglig. Ipinatupad niya noong oktubre na "Kamay na bakal na ang dapat sa mga nagmamatigas na drayber ng  kuliglig".

    Ang mga Pinoy nga naman ay laging umaabuso at walang kinakatakutan. Nakikipagsabayan pa ang mga kuliglig draybers sa mga naglalakihang sasakyan. Nagbibigay rin ito ng Polusyon sa hangin dahil sa maduming usok na lumalabas mula dito.

    Sadyang napakadelikado ng mga kuliglig na ito. Kung kaya't nararapat lang na mawala at walisin na ang kuliglig sa kalsada.

Gurong hindi nagtuturo alisin sa serbisyo!

        Itinuturing na pangalawang magulang ang mga guro, sila ang kasama natin sa araw-araw , sila rin ang gumagabay at nagpapangaral sa mga bagay na nais nating gawin.

       Sa Mataas na Paaralang North Fairview may mga iilang guro na hindi napapagod sa pagtuturo kung hindi sa kanilang pag-upo.

       Hindi mawari kung bakit nakakayanan ng mga guro na walang ginawa kung hindi umupo at magpasagot sa libro pagkatapos ay uubusin ang oras sa hindi makabuluhang bagay. Mali ang sistema na ginagawa nila.

      Nakakaasar pa dahil kung minsan, magsesermon sapagkat walang natututunan ang mga mag-aaral samantalang sila rin ang may kasalanan dahil wala naman silang ginagawa o istratehiya man lang sa pagtuturo.

      Sadyang nakakairita ang mga ganitong sistema ng guro, imbis na makinig ng maayos ang mga mag-aaral ay nawawalan na ng gana sapagkat kapwa mag-aaral niya rin ang nagpapaliwanag.

      Dagdag pa, ang mga guro na napakahina ng boses na talo pa ang dalagang Pilipina. Alam naman nila siguro na halos mahigit 60 estudyante  sa isang klasrum ang tinuturuan nila.

      Malaki at sapat naman ang sahod o kinikita nila, ngunit bakit hindi nila gampanan ng maayos ang kanilang trabaho kahit alam nilang sa kanila kumukuha ng aral at impormasyon ang mga mag-aaral.

      Malaking sampal ito para sa mga guro ngunit dumarami ang mga gurong tamad, kung kaya't pati na rin ang mag-aaral ay kagaya na nila.

      Sinisira lamang ng mga tamad na guro ang reputasyon nila at nasasayang lang ang perang ipinasusweldo sa kanila, kaya't nararapat lamang na sila'y alisin.

      Ang mga tamad na guro ay nararapat lamang na patalsikin at tanggalin sa pwesto dahil wala naman silang kwenta.

2010 Boy en Girl Week, Sulit ba?

   Isang karangalan sa isang mag-aaral na mapili upang maging isa sa mga "Student Teacher" sapagkat ibig sabihin lang nito na may potensyal siya upang maging isang guro.

    Kung kaya't may aktibidades na katulad nito ay upang maramdaman ang pagiging isang guro at para malaman natin na mahirap sa isang guro ang ginagawa niyang propesyon.

    Binabati, ginagalang, at nagsusuot ng pormal na damit o kasuotan na parang isang tunay na guro. Ilan lamang ito sa mga katangian mo, kapag ikaw ay naging isang ganap na ST (Student Teacher).

    Kamakailan lang ay nagpadala ang DepEd ng kasulatan na naglalaman na idaraos sa Disyembre 6-10 2010 ang Boy and Girl Week.

     Ngunit sadyang nahuli ang pagdala ng sulat mula sa DepEd patungong NFHS, Kung kaya't napagpasiyahan ng SSG Officers na gawing dalawang araw ang Boy and Girl Week.

     Hindi nakuntento ang Punong Guro na si Dr.Proceso T. Lera sa desisyon na dalawang araw kung kaya't ginawa niyang isang araw na lamang ang naturang aktibidades.

     Isa na siguro ito sa pagpapatunay na nahuhuli na ang paaralan, Sino nga ba ang dapat sisihin? Kailangan lang sigurong maging bukas tayo sa mga nangyayari hindi lamang sa loob ng paaralan ng NFHS, kundi pati na rin sa labas.

     Karamihan tuloy sa mga guro hindi na kumuha ng kanilang mga ST (Student Teacher) sapagkat parang "walang kwenta lang" ika nga nila.

      Bulok ang naging sistema ng Boy and Girl Week ngayong 2010 kumpara noong 2009. Ang dapat na isang linggong pagiging ST (Student Teacher) ay nauwi sa isang araw lamang. Sadyang nakakapanibago ang Boy and Girl Week sapagkat nasanay na ang nakararami sa dating nakasagawiang sistema.