Apokalips


Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salamat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na salamat. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Mayo 24, 2012

Kabanata 1: Buhay sa kolehiyo: Paglalayag sa Maynila

shuttle.
tapenshap. (stop&shop)
pup.


Mga sinakyan ko papuntang pup sta.mesa. Dalawang oras ang biyahe. Sawa sa usok.Tagaktak na pawis.Sira ang porma.walang kasama. estranghero.nakakakabang paglalakbay. sobrang inet (summer eh) tapos traffic pa.

Habang papalapit na ang pasukan, labis na rin ang kaba sa aking dibdib. wala pa akong paaralang papasukan. hindi ko pa sigurado kung saan ba ako?. Sadyang napakahirap magdesisyon, napakahirap pumili, napakahirap maglakad. napakahirap makipagsapalaran. sobrang napakahirap ....
Limang beses na akong pabalik balik sa pup sta.mesa, para maglakad ng mga papel ko. Dapat kasi talaga sa university of the east na ako. kaso 40k per sem ang tuition ko? napakamahal. kumpara sa pup na halos 2,200k lang ang tuition ko. kaya pinagtiyagaan... kahit mahirap. Sa buhay ngayon, dapat maging praktikal na lang, gustuhin mo man sa mamahaling skwelahan.. pero mahirap lang ang buhay kaya sa state u ka na lang ..

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas o mas kilala sa tawag na PUP, ay isa sa pinakamagandang unibersidad sa pilipinas. eka nga nila parang UP. ang pup ang tinaguriang pinakamababang tuition sa buong asya. Maraming ring mga istudyanteng naghahangad na makapasok sa unibersidad na ito, kaya napakaswerte kong isa ko sa mga iyon.

Subalit bago ako maging opisyal na mag-aaral ng paaralan, sadyang napakarami ko ring napagdaanan. sa tingin ko hindi lang ako, siguro halos lahat ng naghangad na magpup. naranasan ko ang haba ng pila, na umaabot hanggang 6th floor. naranasan ko rin ang lupit ng mga gwardiya na ayaw magpapasok hangga't wala ka pang magandang idadahilan. naranasan ko na ako lang bumiyahe at magpasikot sikot sa sta.mesa. naranasan ko ang magLRT mag-isa. naranasan ko ang sobrang katangahan, na maiwan ang test permit. dahilan para bumalik pa ako sa bahay (quezon city-sta.mesa).hindi ko rin makakalimutan ang sobrang nalituhan ako. ang north,south,east,west :). hindi ko rin makakalimutan ang kumausap ng ibang tao para lang magtanung kung saan ba ang hinahanap ko at kung saan ba ako sasakay. hindi ko rin makakalimutan yung mga panahon na gusto ko ng umiyak at sumuko. hindi ko rin makakalimutan na marami akong nakilalang mga tao sa pila. iilan lang to sa mga naging karanasan ko sa pup. masaya ako dahil kahit papaano tapos na ang paghihirap ko. may papasukan na ako. may kurso na ako. ang hinihintay na lang ay ako.

isang panibagong yugto ng buhay ang aking bubuksan na ang tanging hiling lamang ay makayanan. papasok na ako sa tunay na buhay, kung saan ko makikita ang realidad ng buhay.








Linggo, Mayo 20, 2012

Barkada kong tunay.

Time Check : 1:40 a.m
May 21, 2012. Monday :)

Wala akong magawa.
Gusto kong gumawa ng blog.
Kahit pagod na ako.
Masaya ako.

Para samin magbabarkada, hindi ordinaryong araw to. Kanina idinaos ang 2012 Flores de mayo (Santa Cruzan). Taon taon itong pinagdiriwang, kaya masaya ako dahil taon taon din kasali yung mga kaibigan ko. Hindi ito isang ordinaryong araw para saming magbabarkada, tatlo sa kanila kasali tapos yung iba suporta.

Napakasayang araw ito para samin, dahil kahit papaano nabuo ang barkada namin kahit hindi kumpleto. Sa katunayan, hindi ko rin alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko pagnagkakasama sama kami, pero isang pakiramdam lang ang nadarama ko ... ang pagkasaya. Bakit nga ba ganito na lang ang pagkasabik namin na makumpleto ang barkada ? ganun ba kami kalayo sa isa't isa? bakit ganito ang reaksyon ko ? bakit ba ganito na lang ang labis na reaksyon ko ?... sa totoo lang, sinabe ko na. hindi ko rin talaga maipaliwanag.

Balik tanaw mula sa pagkabata namin:

Simula bata pa lang, hindi namin alam kung paano kami pinag tagpo-tagpo. kahit alam naming magkakaiba kami ng paniniwala, ng adhikain, ng suwestiyon, ng ugali at ng kung anu-ano pang ugali sa mundo, magkakaiba-iba kami !. Marami kaming mga hindi pagkakatulad-tulad. Sa totoo lang sa street namin sa Sto.Domingo, Holy Spirit, kami ang bumubulabog sa kalsada, kami ang panggulo ng kalye, kami ang kasiyahan ng mga matatandang nanunuod samin, kami rin ang kabwisitan ng mga magulang namin, (lalo na pag may sumusugod na magulang ng kaaway namin), kami rin ang nagpapasiya at nagbibigay inspirasyon sa mga batang susunod na henerasyon. basta kami rin ang pinakagago sa amin.

Sa lugar namin, parati kaming kinaiingitan ng lahat ng bata, dahil halos walang nagtatangkang sumali samin kapag may laro kami. dahil siguro sa pakiramdam nila hindi sila kasali, dahil siguro alam nilang iba ang ugali namin, iba kami sa kanila. Pag dating sa mga laro. Halos lahat ata ng laro, na laro ng pinoy, e, nalaro na namin. Bambsak, agawanbeys, tumbang preso, patintero, pinispalo, jolen, goma, tansan, chinese garter at tentwenty , teks, piring-piringan, tomsoyer, agawan panyo, dr.kwak-kwak, pepsi7up tapos hindi ko matandaan yung isa eh yung tatalikod ka, katalikod mu yung kalaban mo, tapos kailangan ilalarawan lahat ng pang-asar sa kalaban mo ng kakampi mo, hanggang sa mahulaan mo :)  at marami pang iba... (hindi ko na maalala yung iba, basta yan lang halos tumatak sa isip ko, paano yung iba kasi gawa-gawa lang naming laro, pero sobrang saya !! eh) basta !

1.) Bambsak : ito yung larong parang tagu-taguan. may isang taya, magbibilang siya. tapos lahat kayo kailangan nakatago na, tapos kung sinu makita ng taya sasabihin niyang "BOOOOM " tapos yung mga nakatago pa, pwede nilang isak yung taya. pag naSAK (hahawakan nung mga nagtago at sasabihing "SAK" yung taya, kung ilan yung naka SAK yun yung bilang ng ligtas sa mga na boom ng taya. tapos yung mga natirang hindi nailigtas, magkakamatisan sila. yung KAMATISAN: ipipikit ng taya yung mata niya, tapos magiiskrambol lahat ng nasa likod (nakapila sila ah) tapos sasabihin ng taya, STOP ! tapos iistap lahat sabay magsasabi ng number, kung ilan yung natirang hindi ligtas. tapos kung anung number sasabihin ng taya, bibilangin sa pila, kung sinu yung nasa numerong iyon. siya ang taya :). Hahaha, sobrang saya nu ? lalo pag kami ang naglaro, sigurado yan. gagawa ng effort. kung saan-saan magtatago, yung tipong buwis buhay !! whaha ..

2.) Agawanbeys : eto pamilyar naman siguro ang lahat diba?. para sa mga hindi. Ito yung larong may dalawang base. kampihan kayo, tapos sa base niyo kailangan andun yung kamay niyo para mantaya ng kalaban kailangan fresh yung pagbebase niyo kesa sa kalaban. Halimbawa, nagpahabol ako, hindi ako fresh from base. tatayain ako ng mga fresh from base, hanggang sa sunod-sunod na yung habulan na yun... o kaya paunahan maka base... yung kalaban niyo kailangan mahahawakan yung teritoryo niyo. paunahan, siyempre pag nangyari yun, sisihin ang tagabantay :D whaha ... Dito, dito sa larong to ! marami samin ang lumalabas ang pagka pikunin, ahaha yung tipong sasabihin ng isa madaya, tapos hanggang sa mag-aaway away na kami, at ayawan na :D whaha .. dito rin nadidiskober yung mga may talent sa pagtakbo :P

3.) Tumbang preso : dito naman, minsan lang namin laruin to kasi, nagkakatamaran, lalo na pag burot ang taya :D siguro naman pamilyar tayo lahat dito, yung may lata tapos hahampasin ng mga kalaro mu. isa lang ang taya dito, tapos pag natumba yung lata, pupulutin ng mga kalaro mu yung tsinelas nila. dito na yung pagkakataon mu para itayo ang lata, tapos tayain yung mga wala pa sa base :D haha ..

4.) Patintero : pamilyar naman tayo dito diba ? yoko na ilarawan o sabihin yung proseso ng game kasi mahaba to eh. peru nung naalala ko 'tong larong 'to naalala ko na naman yung mga panahong dito lagi kami nagkakapikunan. sasabihing nataya. sasabihin nung iba hindi. hanggang sa kampihan na yan. diskusyon. o kaya may magpaparayang grupo para lang hindi matigil ang laro, o kaya magmamataasan, hanggang sa sira nanaman ang laro. nauuwi lang sa AYAWAN NA ! hehe :)

5.) Pinispalo : pamilyar din kayo dito, :) ito yung may starting point, tapos may finish line :) peru tsinelas ang gamit tapos papaluin mu hanggang sa mafinish line  ... sa larong ito, paliitan kami ng pamatong tsinelas para mabilis fuminish, peru dito kahit indibidwal ang laro. nagkakampihan pa din ... pag nasa line kasi yung pamato ng isa pwedeng tumulong sa iba ang isang manlalaro. hanggang sa maburot ang gusto niyong maburot :) whaha .. tapos ang talo, ang parusa palo sa paa. grabe ang sasakit pa naman ng palo kaya hindi mo nanaising hindi mag praktis sa bahay niyo.

6.) Jolen, Goma at Tansan : sa jolen, dito alam naman natin mga ibat-ibang laro, gaya ng adding, tapos yung sasapulin mu yung holen sa box tapos paglumabas sayo na ! .. sa tindahan pamahal ng pamahal ang jolen. sa goma ganun din, kung minsan pa nga padamihan sa kamay, na ginawa ng bracelet :) at ang huli sa tansan, potik dito halos kung san san na kami dati nakakarating na lugar, para kaming mga batang gala at batang namumulot ng tansan, para lang paramihin, tapos ang saya namin pag nakakita ng takip ng softdrinks na pang 1.5 dahil malaki yung halaga nun :)

7.) Chinese garter & tentwenty : larong pambabae sabi niyo diba? peru sa mga kabarkada ko, wapakels. Go kung go, mapababae, mapalalaki. naglalaro, pupunta pa kami sa pinakamalayong lugar para lang makabili ng magandang klase ng garter :)

8.) Teks : haha sino ba naman makakalimot dito, nilalaro namin to kaso boring. kaya mabilis malaos. kung dati teks, ngayong henerasyon merun na silang "pogs" parang ganun din yung teks, kaso yung teks rectangle yung pogs bilog:) whaha yun lang pinagkaiba nila.

9.) Piring-piringan : alam naman ito ng lahat eh, peru sa amin may pinauso kami. may tatlong kapangyarihan ang taya, kulay RED,YELLOW at BLUE. pag Red natural lang ang kilos namin. pag Yellow, mabagal yung galaw namin, lakad lang. hindi pedeng tumakbo. pag BLUE hihinto ka lang. bawal kang gumalaw kahit papunta na sayo ang taya. ikaw ang taya pag brineak mu ang rule :) hehe o ' diba ? masaya ?

10.) Tomsawyer : alam naman to halos lahat ng bata, lalo na yung fan ni tom sawyer :) minsan lang namin malaro to, halos karamihan samin babae, kaya ayaw kasi sasampa pa sa likod diba? tsaka sakitan .. kaya ayaw namin, pag napagtripan lang ! hehe ..

11.)  Agawan panyo : masaya rin tong larong to. pauso lang namin. haha :D yung may magkalaban na grupo, tapos may isang referee na may hawak ng panyo. tapos parehas ang bilang ng kalaban niyo sa isang grupo. may bilang kayo. halimbawa lima, 1,2,3,4,5 .. tapat tapat kayo ,, pag sinabe ng referee ang number niyo lalapit kayo sa panyo parehas kayo ng katapat mong number ng kalaban niyo, tapos magpapakiramdaman kayo at gagawa ng diskarte kung paano kukunin ang panyo, nang hindi kayo matataya ng kalaban mu ... masaya tong larong to, hehehe :)

12. ) Dr.kwak-kwak : eto minsan yung ginagawang finale namin pag naglalaro, kasi lahat tinatamad na sa mga magagaslaw ng laro. eto kasi magbubuhol buhol lang kayo hanggang sa mabuo ni dr. kwak-kwak, minsan lang namin to nilalaro, pag napagtripan ulit :D wahahaha , boring eh, pambata masyado ..

13.) Pepsi7up : kung minsan konti na lang kami naglalaro nito, yung may mga energy pa, kasi nakakatamad din to kasi, may taya tapos huhulaan yung mga nasa utak niyo, depende sa theme :) hehe tapos kung sino may mahulaan tatakbo lahat hanggang sa may mataya :D whaha ..

tapos yung pang 14 nakalagay na dun. at marami pang iba ... as in, sobrang dami !
O diba, iilan pa lang yan pero sobrang saya ko pag-naaalala ko pa rin hanggan ngayon ? siguro nangulila ka rin sa pagkabata mo?, na parang gusto mu na rin balikan. ako kahit paulit ulit ko tong basahin. matatawa't matatawa ako dahil sabay ng pagbasa ko, nabubuo sa aking isipan ang mga askyon ng bawat barkada ko, bawat halakhakan, takbuhan, sugatan, pikunan, hanapan, sipaan, awayan. pero ang pinakamaganda dun, nagkakabati bati rin, kunabukasan.... Sadyang kay sarap balikan ng pagkabata, lalo na't may tropa kang katulad ng barkada ko. Kaya laking pasasalamat ko ring naging parte ako ng makulit kong tropa, kahit na sobrang daming pagsubok. kahit na sobrang kulit. ok lang.

Naalala ko rin ang trip namin dati, pag may dadaan halos pagtritripan namin. hanggang sa maka-away na namin sila. tapos bawat street sa holy spirit may kaaway kami. kumbaga parang siga kami, pero ang nakakahanga sa amin. walang iwanan sa ere, walang taguan, walang takutan,walang papatibag. laban ng isa, damay ang lahat pati ang nanay. umulan umaraw, susugod kami ! ... at eto pa, sino rin bang makakalimot sa telepono sa tabi ng tambayan namin. (uso pa telepono, nde pa masyado uso cellphone) halos hula ng number, tapos ipophone pal na namin ... isa pa sa pinakamalalang trip namin, ay maligo sa ulan. tapos biglang hinto ng ulan. kaya nagbasa na lang kami at nagtankang punuin ng tubig ang trak, na balak naming gawing pool ! (mga halatang wala pang isip, sino bang tangang nakapuno ng tubig sa likod ng truck ? hindi man lang namin naisip na may butas yun, pano namin mapupuno yun) hanggang sa maubos ang tubig sa drum nila ate nene :).... isama mo pa ang pagbalak ng pagtayo ng sarili naming bodega o binabalak naming bahay naming lahat, yung tipong titira kami  sa iisang bubong. hindi pa man natutupad, pero sisiguraduhin naming matutupad namin ang pangarap na iyon.

Ngayon, para sa akin, wala na akong makita pang mga batang naglalaro sa lansangan na natumbasan ang samahan na katulad ng sa amin. wala pa akong nakikitang kabataan na nagpapangiti at nagpapabalik ng alala ng mga taong lumipas na ang pagkabata. Blue Angel's Dragon (BAD) / Black Angel's Barkada (BAB) TEAM for ever :)) pangit man o korni mang pakinggan. isipin mo na lang bata lang ang nag-isip niyan :)
Hindi man perpekto ang barkada namin, ang importante naging parte kami nito, isang rekadong hindi pwedeng paghiwa hiwalayin. isang pamilyang binuo ng mga batang makukulit na hindi naging hadlang ang edad para bumuo ng isang importanteng pahina sa buhay ng bawat isa ... ang pagkabata. Salamat :*


---
Ngayong, mga nasa edad na kami ng pagkatanda, hindi pa rin lumilipas ang mga alaalang nag pamarka sa aming puso para bigyan ng halaga ang bawat pagkakataon sa buhay ng tao. ngayon, minsan na lang kami magkitakita, yung ibang barkada, may iba ng barkada, ung iba nasa ibang lugar na. hiwa hiwalay man kami, peru naniniwala pa rin akong magkakadikit ang puso namin. naniniwala pa rin ako o kami, na makukumpleto pa rin ang barkada namin. hindi man ngayon? bukas? pero ang tanging alam ko lang ay, may tamang panahon para paghandaan iyon.


I love you guys ,,,

toot*toot*too* ngayon ay ganap ng 3:45 a.m, Ika- 21 ng Mayo. Lunes.

Sabado, Oktubre 23, 2010

Agos ng buhay

Sa takbo ng buhay, para itong isang ilog na hindi natin alam kung saan ang hangganan ,  wala tayong kaalam alam sa mga mangyayari at wala rin tayong kaideideya kung ano ang magaganap . 

Sa buhay marami tayong nakakasama, may mga taong umaalis, may dumarating 
may mga taong nananatili sa ating tabi  at nagbibigay ng inspirasyon sa ating makabuluhang buhay, pero dumarating ang mga pagkakataong kailangan ka rin nilang iwan.

 Ngunit kung hindi mo man napapansin mayroong kaisa't-isang taong handang dumamay sayo sa PAG-AGOS NG BUHAY. Isang taong hindi ka kailanman kayang iwan , kaya ito ay para sa isang taong hindi ko lubos MAPAPASALAMATAN.

Kung ito man ang pagkakataon para masabi ko lng sayo ng harap harapan , ang mensaheng ito ay naging daan para mailahad sa iyo ang mga bagay na nagpasaya at nagbigay inspirasyon para harapin ang bawat pagsubok sa buhay ko, para sa taong nagbigay ng kulay sa buhay ko, sa taong laging nanatili lagi sa tabi ko. 


isa lang ang mensahe ko sayo : SALAMAT !! :)