Apokalips


Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tula. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tula. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Disyembre 03, 2014

MAKATANG HIBANG


Mga talaga mula sa twitter na kinakailangan ng 140 na mga salita lamang.
mga biglaang banat.
mga biglaang pumasok sa isipan.
mga biglaan.


---

mga salitang binalewala...
mga pagkakataong sinayang...
mga pagsuyong hindi pinakinggan...

bakit ngayon lang kayo lubos na naintindihan?

bakit?.

---

UmaasaAkoNaSana akin ka.
UmaasaAkoNaSana tayong dalawa.
kaso walang "akin ka",
kaya wala ring "tayong dalawa".

---

Sa gabing madilim,
makikita ang makatang maitim.
Babatuhin ka ng kanyang mga hinaing,
na puno ng tapang at giting.

---

Hayaan mo akong ikaw ay yakapin
at sabay nating damhin...
ang dampi ng hangin.

---


Tulad ng isang ibong hindi mapakali
tibok ng puso ko ay tumitili,
hindi malaman kung ako ba'y kinikilig
o umaasa na naman sa pananalig.

---

Salamat kasi nand'yan ka palagi
kapag antok ko ay laging umaatake
dito ka lang palagi sa aking tabi
yakapin mo ako, mainit na kape.

---


KungMawawalaKa paano na ako
KungMawawalaKa paano na ang puso ko,

sabay napailing,
biglang napagtanto,
napaisip,
wala nga palang tayo.

---


magtitinginan.
iiwas.
lalayo.
babalik. 


magtitinginan.
iiwas.
lalayo.
babalik.

hindi ka ba nagsasawa,
na parati na lang tayo ganito?!
walang papupuntahan,
walang pagbabago.

---

SanaKasi hindi ka nagbigay ng motibo.
SanaKasi nilimitahan mo rin 'yung sarili mo.
SanaKasi...


'yan tuloy ako ay lubos na umasa.
SanaKasi ...



---

AngHirapPag ikaw lang 'yung nagmamahal.
AngHirapPag ikaw lang 'yung may paki.
AngHirapPag ikaw 'yung minahal
AngHirapPag kaibigan ....

---

Oo Hanggang Ngayon
mahal pa rin kita
Oo Hanggang Ngayon
nagmumukhang tanga
Oo Hanggang Ngayon
hinahanap-hanap ka
Oo Hanggang Ngayon
Ako ay umaasa.

--

Ayoko nang pakinggan 'di dahil nakabibingi
ngunit dahil ayoko nang marinig.

mga paliwanag.
mga katuwiran. 


ang iyong boses.
ang iyong boses.


---

Nakatingin sa malayo,
pero wala namang tinatanaw.
Iniisip kasi kita.

Ikaw.
Ikaw na malapit sa'kin.
Ikaw na malapit sa akin,
pero parang ang layo.

---

Ganito ba talaga ang makata? Ibinubuhos ang nadarama sa bawat salita ng kanyang akda.
Ngunit hanggang sa pagsulat na lang ba, aaminin ang pagsinta.

---


Dulot ng mga salitang naglalaro sa aking isipan,
hindi ko na namamalayan,puso't damdamin ko pala'y nag-aalitan.

---

Minsan, darating talaga sa punto na gusto mong ibalik 'yung nakaraan, kasi alam mong may maling nangyayari sa kasalukuyan. At ang kaya mo na lang gawin ngayon, ay subukang itama ito sa darating na hinaharap.



----
Inalok kita.
Tinanong ko kung gusto mo ng pagmamahal. Sabi ko, libre ko!
Pero tinanggihan mo.
Hindi ko alam kung ayaw mo dahil nahihiya ka o ayaw mo dahil busog kana.
Hindi ka sumagot e. 
Tapos bigla kana lang tumahimik.
Bigla mo na lang akong iniwan.

Iniwan mo ako sa isang gabi na akala kong magiging sa atin.

Huwebes, Nobyembre 06, 2014

‘Yvonne’

Habang nakatingin sa kalangitan,
may isang ibon na sa akin ay lumapit:
Siya ay maporma, makulay, at sadya’ng kaakit-akit.

Kinausap niya ako kahit hindi kilala, sinagot ko siya kahit na may halong pagtataka.
Pumatak ang bawat segundo at minuto: kami ay nagkakilanlan, nagkasundo.
Lumabis ang aming tawanan, kulitan, kuwentuhan at tuksuhan,
hanggang sa maging komportable ang kilos sa isa’t isa: naging magkaibigan.

Iba ang nararamdaman ko sa kanya, sapagkat iba ang bato ng bawat ngiti at mga salita niya.
Nakikinita ko na parehas kaming may pagtingin, na higit sa pagkakaibigan lang ang nais namin.

Dahil sa paglalim nang pag-uusap namin, isiniwalat ko ang intensyon na gusto ko siya.
Tinanong ko kung ayos lang ba na ako ang mag-alaga sa kanya,
sabay pinangakuan na bibigyan ko siya ng maraming pagkain at magarang kulungan.

Siya ay tumahimik, tumingin sa kawalan - sa paligid, marahil siguro’y nag-iisip.
Nagulat ako dahil hindi na siya kumibo at tuluyan nang walang imik.
Ang kaninang matanong at maingay na huni,
ngayon ay pinalitan na ng basag na katahimikan at tikom na tuka.

Walang pasabi bigla siyang bumwelo, ibinuka ang mga pakpak,
sinubaybayan ko ang kanyang paglayo,
Alam kong maling ikaw ay ibigin, O, patawad kaibigan, patawad!
Huwag kana sanang bumalik at dumapo pa sa puso ko, ibong iiwan lang pala ako ng ganoon kadali: may pighati.
Paalam Yvonne, paalam! paalam aking kaibigan hanggang sa muli…

at simula noon hindi na siya nakita pa.

Linggo, Marso 18, 2012

aking kaibigan: Pangarap lang kita!

Lihim na pagmamahal sa kaibigan
mahirap aminin ang katotohanan
araw-araw siyang tinititigan
nadarama'y puro kabiguan

kapag kasama ka'y labis ang tuwa
ngiti sa aking labi lagi kong napupuna
kapag ako'y iyong tinitignan sa mata
ako'y umiiwas, wag mo lang mapuna.

buong mundo ko'y umiikot sa iyo
damdamin ko naman ay nalilito
hindi malaman kung aaminin sa iyo
o itatago na lang para hindi ka lumayo

hindi ko alam kung kailan aaminin
subalit baka hindi ko na naisin
dahil baka isang araw ako'y magising
at wala kana sa aking piling

turing mo sa akin ay isang kaibigan
turing ko sa iyo ay isang kasintahan
mahirap man ang pinagdaraanan
puso ko pa rin sayo'y nakalaan.

sa pagtatapos ng munting tula
patuloy pa rin akong umaasa
kasing taas man ito ng alapaap
ito'y aking aabutin dahil ikaw ang pangarap.

Huwebes, Marso 15, 2012

hayskul layp ang pinakamasaya

hayskul layp ang pinakamasaya
naramdaman ko ang kaba at saya
ng tumuntong sa sekondarya
wala akong ni isang kakilala

hayskul layp ang pinakamasaya
kahit walang katiyakan kung makakapasa
ginagalingan na lang sa pagsusulit
upang ang tuition fee ay masulit

hayskul layp ang pinakamasaya
pag nagkokopyahan labis ang ligaya
kalokohan ng bawat kaklase
sa buhay ng isang tao, ito ang ibang klase

hayskul layp ang pinakamasaya
dito mo lahat maipapakita
ang iyong nararamdaman at ugali
na sila lamang ang nakakaintindi

hayskul layp and pinakamasaya
kumpletong rekado ng bawat isa
nakakagawa man ng gawaing palpak
ok lang, dahil sa kasaysayan ng skul kami ay tumatak

hayskul layp ang pinakamasaya
mga kaklase ang kasama sa hirap at saya
nakakahanga dahil laging nandyan sila
sasamahan ka sa kalungkutan at ginhawa

hayskul layp ang pinakamasaya
dagdag pa ang sermon nila
mga guro na sadyang nagtitiyaga
isang katagang pasasalamat para sa kanila

hayskul layp ang pinakamasaya 
lalo na pag ito'y nasimulan na
ngunit paano't kami ay magkokolehiyo na
paano na ang mga ala-ala?

hayskul layp ang pinakamasaya
ang kalungkutan dito mo din madarama
kung kailan sila'y napamahal na
hindi ko alam kung sila pa ay makakasama

hayskul layp ang pinakamasaya
sa graduation luluha kang talaga
ngayon ang araw ay papalapit na
nabibilang na ang limit na pagsasaya

haskul layp ang pinakamasaya
hindi ko makakalimutan talaga
dito nabuo ang aking pagkatao
kaya ako'y lubos na nagsusumamo



Juan, anong paki mo?!

Isang munting bayan kilala sa tawag na pilipinas
anung nangyayari at mukhang may dinaranas,
gamutin natin ang naghihirap na pinas
bansang puno ng kurakot at mandurugas.

Gaya ng lamang ng mga opisyales ng pamahalaan
halatang wala man lamang silang pakiaalam,
kinukurakot kaban ng mamamayan
hindi iniisip na maraming nahihirapan

Kung ating pagmamasdan ang kapaligiran
unti-unting nauubos ang mga likas yaman,
paano na ang susunod na henerasyon
pag dating ng panahon baka hindi sila makabangon

Hindi naman puro panlalait ang aking nasa isipan
kahit naman papaano tayo'y may pinanghahawakan
sa kultura at galing sadyang may kasikatan
lalo na pagdating sa sining, mga banyaga tayo'y pinapalakpakan.

Mga bayani natin sa kasaysayan at kasalukuyan
dapat na sila ang ating tularan
nagbuwis ng buhay para lang sa bayan
hahamakin ang lahat maproteksyonan lamang

katagang, "May paki ako kasi tao ako"
alam mo ba kung anong saysay nito?
kumilos ka juan bilang isang pilipino
alamin mo ang katumbas nito.

Martes, Oktubre 26, 2010

CHIBI : Ang buhay ko.








Ano ang BARKADA? barkada masamang impluwensiya ?  
HINDI KAYA, para sa akin, dito nahubog ang buong pagkatao ko,
kung baga sa isang indibidwal .. 
hindi ka mabubuhay hanggat walang kang barkada
yun nga lang depende sayo kung saan ka sasama !!
sa masama o sa mabuti :)


BENTENG barikada ng tao ang nagsama-sama
para mabuo ang isang PAMILYA .. 
CHIBI kami kung tawagin,
sino ba naman ang hindi nakakakilala sa amin?


Bawat oras at minuto ang dumaan
kami ay magkakasama lagi mong tandaan,
walang pakialam kung saan man mapadaan
basta't kami'y sabay-sabay na nagtatawanan.


Tadhana na ang nagtagpo-tagpo sa amin
ito ang rekado na dapat sa amin,
sa hirap at ginhawa kami magkakasama,
dumating man ang pagsubok, andyan parin sila.


Sa kantin at Siomaian mo matatagpuan
masayang nagkukumpulan at nagtatawanan,
marinig lamang tugtog ng gitara
konting udyok lang kakanta na.


Pagwalang pera ang bawat isa 
may magpapautang 'wag kang mag-alala,
Ano ang narinig ko? sikreto ba kamo.
tanga ka ba ? diyan ka pa nagtago.


Ngunit lahat kami ay dadaan sa pagkokolehiyo
ito na nga ba ang ikinatatakot ko,
kung ang lahat ay may simula't hangganan
pano pa kaya itong nasimulan na….


Sa pagtatapos nitong munti kong tula
nais kong ipahatid sa bawat mambabasa,
CHIBIng aking nasimulan
pangako ko wala itong hangganan..




“PROUD TO BE CHIBI.FAMILEE”
--  chibi.vin :)