Apokalips


Ipinapakita ang mga post na may etiketa na love. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na love. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Nobyembre 06, 2014

Halaga


Lunes - April 21 / 6:48 p.m.

Pagkababa ng jeep galing sa eskwela, makikita ang iba’t-ibang tao; may naghihintay ng masasakyan at may naghihintay para magsundo.
Habang papaakyat sa footbridge ako ay balisa; nag-iisip. Sinusubukang alalahanin ang mga gawain para bukas.
Pagkarating sa itaas ng tulay, makikita ang dami ng tindang nakalatag sa Litex; may mga CD na apatnapung piso ang halaga, may mga nagtitinda ng case at sticker ng cellphone, may nagtitinda ng librong pambata, may mga ukay-ukay na sapatos, at may nag-aalok ng mga murang cellphone (mura dahil galing nakaw o ‘di kaya’y gawa sa Tsina). Inaaliw ang mga mata na baka sakaling may magustuhan o may mabili. Sa bandang dulo ng tulay, sa pagitan ng mga hagdan ay natanaw ko ang isang matandang nanlilimos. Tinawag nito ang aking atensyon dahil inaawit niya ang theme song namin ni Joey, “Sana’y di magmaliw ang pagtingin, kaydaling sabihin kayhirap gawin…Sa mundong walang katiyakan, sabay natin gawing kahapon ang bukas.” dahil dito, sa kanya lang nakatuon ang aking pansin hanggang sa ako ay lumiko sa kaliwa, pababa. Habang bumababa ng tulay, sumalubong sa akin ang isang lalaki na nakapolong puti na mahaba ang manggas, naka-necktie, nakaitim na pantalon at itim na sapatos. Iniabot niya sa akin ang isang polyeto na may nakalagay sa unahan na “Who Really Controls the World?”at tuluyan ko nang naalala si Joey. Naalala ko ang relasyon naming kinontrol ng magulang niya. Kinailangan naming maghiwalay kasi hindi ako tanggap ng pamilya niya. Wala raw katiyakan ang relasyon na namamagitan sa’ming dalawa. Kaya hangga’t maaari, mas mabuti pang maghiwalay na lang daw kami. Hindi tulad ng lugar na ito, ang pagmamahalan namin ni Joey ay walang tulay na namagitan para makatawid sa pagsubok. Tulay na makapagbibigay konekta sana sa aming dalawa para matawid sa posibilidad na kamatayan ng aming mga puso. Naisip kong sana’y gumawa ako ng tulay noon pa, isang tulay na patuloy na magdudugtong sa relasyon naming dalawa. Kaso wala na. Huli na.

Sa kanto, kinalabit ako ng aking kaibigan noong hayskul, si Elsa. Halos isang taon ko na ring hindi siya nakikita; nagbesohan kami at nagkuwentuhan habang naglalakad. “Huy! Alam mo ba na buntis na ‘yung girlfriend ng ex-boyfriend mong si Joey, kaya balak na nilang magpapakasal sa July. Kaso hindi pa alam kung anong eksaktong petsa.” Ito ang bungad na balita sa akin ni Elsa. Naputol na ang usapan namin dahil ako ay papaliko na sa kanan at siya naman ay padiretso.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa balita ni Elsa. Isang taon na rin ang nakalipas simula nang maghiwalay kami ni Joey. Mahal ko pa rin si Joey. Kaya hanggang sa ngayon, inaasahan ko pa rin na magkabalikan kami. Ngunit alam kong malabo nang mangyari ‘yun dahil ikakasal na siya.
Pagpasok ng kwarto ay agad-agad akong nagpalit ng damit at binuksan ang kompyuter para tignan ang Facebook ni Joey. Hindi ko makita ang timeline niya dahil hindi na kami friend. Naalala kong inalis ko na pala siya sa friend list ko simula nang maghiwalay kami, ginawa ko ito noon dahil nagbakasakali akong sa ganitong paraan malimutan ko siya. Nagbakasakaling mas mabilis akong makakapagmove-on.

Martes – May 6 / 6:15 p.m.

Pagkababa ng jeep galing sa eskwela, makikita na naman ang iba’t-ibang tao; may naghihintay ng masasakyan at may naghihintay para magsundo.
Habang papaakyat sa footbridge nakasabay ko si Joey. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero inihanda ko na ang sarili. Nagkumustahan at nagkakuwentuhan kami habang naglalakad. Medyo nakahihiya man pero bahala na, bigla niyang iniabot sa akin ang invitation card para sa kasal niya. Habang iniaabot ni Joey ang invitation card, sabay kaming napalingon sa matandang nanlilimos habang siya’y kumakanta ng Nanghihinayang, Nanghihinayang ang puso ko. Sa piling ko'y lumuha ka lang, nasaktan lamang kita. Hindi na sana, hindi na sana iniwan pa. Iniwan kang nag-iisa at nagdurusa…ako sana'y patawarin na” dahil dito, sa kanya lang nakatuon ang pansin naming dalawa, hanggang sa kami ay lumiko na sa kaliwa, pababa. Habang bumababa ng tulay, sumalubong sa amin ang isang lalaki na nakapolong puti na mahaba ang manggas, naka-necktie, nakaitim na pantalon at itim na sapatos. Iniabot niya sa akin ang isang polyeto na may nakalagay sa unahan na “How Do You View the Future?” bigla akong napangiti sa nabasa subalit hindi ipinahalata kay Joey. Dahil baka kung ano pang isipin niya. Sinabi sa akin ni Joey na hindi niya ako maka-usap sa Facebook dahil hindi kami friends at sabay pabirong sinabi, “accept mo na kasi ‘yung friend request ko!” pagdating sa kanto, naputol na ang usapan namin dahil ako ay papaliko na sa kanan at siya naman ay padiretso.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil nagkita kami ni Joey. Naisip kong kailangan makapunta ako sa kasal niya. Magkaibigan kami pero para sa akin, may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Gusto kong pumunta para lang maipakita sa mga kabigan namin, sa kanya, at sa pamilya niya, na ayos na ako matapos ang isang taon. Isang taon matapos kaming maghiwalay. Gusto kong ipakita na ayos lang ako, na tanggap kong magkaibigan na lang kami. Kahit ang totoo sa likod ng damdamin ko’y hindi.
Pagpasok ng kwarto,  agad-agad na nagpalit ng damit at binuksan ang kompyuter para i-accept si Joey sa Facebook. Tinignan ko ang mga litrato niya kasama ang babaeng pakakasalan niya. Masakit man makita, masakit man tanggapin, pero kailangan ko na ring maunawaang hindi na kami magkakabalikan pang muli
Nag-isip ako ng ideya kung paano magkakaroon ng boyfriend, bago sumapit ang kasal ni Joey. Sa tingin ko, ito lang ang paraan para maipakita ko na okay na ako. Na nakapag-move on na ako. Na tanggap ko na.




Miyerkules – June 4 / 4:43 p.m.

Pagkababa ng jeep galing sa Quezon City, Circle, makikita pa rin ang iba’t-ibang tao; may naghihintay ng masasakyan at may naghihintay para magsundo.
Habang papaakyat sa footbridge ako ay masaya. Inaalala ang mga masasayang  kaganapan kanina kasama si Angelo.
Pagkarating sa itaas ng tulay ng Litex, ganu’n pa rin ang dami nang makikitang tinda na nakalatag; may mga nagtitinda ng case at sticker ng cellphone, may nagtitinda ng librong pambata, may mga ukay-ukay na sapatos, may nag-aalok ng mga cellphone at may mga CD na tulad nang “Friends with Benefits” na apatnapung piso ang halaga. Bigla akong napaisip sa ginagawa ko kay Angelo. Nililigawan niya ako at sumasama akong lumabas kami para lang matuloy ko ang binabalak na isama siya sa darating na kasal ni Joey. Hindi niya alam na wala siyang pag-asa sa’kin. Hindi niya alam na ginagamit ko lang siya. Hindi niya alam na wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Hindi niya alam na pinapakinabangan ko lang siya. Basta ang importante, kahit papaano masaya na ako kasi siguradong may maihaharap na ako sa mga kaibigan ko. Inaliw ang mga mata na baka sakaling may magustuhan o may mabili. Sa bandang dulo ng tulay, sa pagitan ng mga hagdan, napansin kong wala ang matandang laging kumukuha ng atensyon ko. Habang bumababa ng tulay, sumalubong sa akin ang isang lalaki na nakapolong puti na mahaba ang manggas, naka-necktie, nakaitim na pantalon at itim na sapatos. Iniabot niya sa akin ang isang polyeto na may nakalagay sa unahan na “What Is the Key to a Happy Life?” basta para sa aking masaya akong may maihaharap na ako sa kasal ni Joey. Hindi na ako mapapahiya. Iisipin nilang ayos na ako.

Sa kanto, kinalabit ako ng kaibigan kong si Mona. Siya ang nagpakilala sa akin kay Angelo, kaibigan niya ito. Nagbesohan kaming dalawa, nagkuwentuhan at kinamusta ang tungkol sa amin ng kaibigan niya. Noong una’y akala lang niya ay naghahanap ako ng kapartner kaya naipakilala niya sa akin si Angelo. Gayupaman bandang huli ay sinabi ko na  rin sa kanya ang tunay na pakay ko. Sinabi kong makikipag-date lang ako kay Angelo hanggang sa dumaan ang kasal ni Joey at sa huli’y babastedin ko na rin siya. Kinuwento ko ang buong dahilan kung bakit ako napunta sa ganu’ng sitwasyon. Subalit mas nanaig ang awa ni Mona para sa kaibigan niyang si Angelo kaya kinausap niya ako. Aniya sana ay h’wag kong paasahin si Angelo o kaya nama’y kausapin ko na lang sa gusto kong mangyari. Naputol na ang usapan namin dahil ako ay papaliko na sa kanan at siya naman ay papakaliwa.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa sinabi ni Mona. Kung kanina ay masaya ako dahil may maihaharap na ako na boyfriend para sa darating na kasal ni Joey. Ngayon ay may halong lito at lungkot na; nalilito dahil hindi ko alam ang gagawin kay Angelo lalo pa’t patuloy na siyang umaasa at lungkot naman dahil naguluhan na naman ako. Alam kong mali subalit ayokong mag-isip sila ng iba tungkol sa’kin. Gusto kong ipakita na may mahal na akong iba at hindi na si Joey. Gusto kong maramdaman nila na masaya na ako sa piling ng iba.


Huwebes – July 10 / 7:28 p.m.

Pagkababa ng jeep galing sa kasal ni Joey, makikita ang iba’t-ibang tao; may naghihintay ng masasakyan at may naghihintay para magsundo.
Habang papaakyat sa footbridge ako ay balisa; nag-iisip at patuloy ang pagluha ng mga mata. Sinusubukang kalimutan ang mga nangyari kanina.
Pagkarating sa itaas ng tulay, makikita ang dami ng tindang nakalatag na kasing dami ng tao kanina, na kasing dami ng kaibigan kong pumunta. Inaliw ang mga matang katatapos lang umiyak, baka sakaling makalimutan o hindi na muling tumulo pa ang luha. Sa bandang dulo ng tulay, sa pagitan ng mga hagdan, natanaw ko ang isang batang babaeng nanlilimos na marahil anak ng matanda. Tinawag nito ang aking atensyon dahil inaawit niya ang, “Kung may pagkakataon na mayakap siya at masabi ko na mahal kita ama, awiting to ay alay ko sa’yo mahal na mahal, mahal kita o aking ama…” dahil dito muling lumuha ang aking mga mata na bago pa tumulo’y ihahanda na ang panyo para pamunas ng luha. Nakita ko ang karatula na patay na pala ang matanda na lolo pala ng bata. Doon lang nakatuon ang aking pansin hanggang sa ako ay lumiko sa kaliwa, pababa. Habang bumababa ng tulay, sumalubong sa akin ang isang lalaki na nakapolong puti na mahaba ang manggas, naka-necktie, nakaitim na pantalon at itim na sapatos. Iniabot niya sa akin ang isang polyeto na may nakalagay sa unahan na “Where Can We Find Answers to Life’s Big Questions?” saan ko nga ba malalaman ang tamang sagot sa bawat tanong, sagot sa bawat gagawin kong  desisyon upang sa gano’n ay hindi na ako muling magkamali pa. Upang hindi na ako magsisi pa bandang huli.

Habang naglalakad sa kanto, naisip ko kung paano ako napahiya sa mga kaibigan ko. Una, dahil hindi sumulpot si Angelo sa usapan namin. Hindi maaaring hindi ako pumunta dahil nakabihis na ako, wala na akong nagawa.  Pumunta na lang ako kahit na sinabi ko kay Joey at sa mga kaibigan kong dadalhin ko ang boyfriend ko. Pangalawa, nagmukha akong tanga nang magwalk-out ako sa harapan ng mga kaibigan ko habang nagki-kiss si Joey at si Emily. Ang problema pa’y umiiyak ako sapagkat hindi ko na alam ang nadarama ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko napagilan ang dadamin ko. Marahil siguro’y hindi ko pa talaga maitatagong mahal ko pa rin Joey hanggang sa ngayon.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa mga pangyayari. Hindi ko alam kung magpapakita pa ako sa mga kaibigan ko o kaya’y kay Joey. Hindi ko talaga nagustuhan ang mga kaganapan kanina sa kasalan. Ramdam ko pa rin na napahiya talaga ako. Ramdam ko ang bilis ng karma sa ginawa ko kay Angelo.
Pagpasok ng kwarto ay agad-agad akong nagpalit ng damit at humiga sa kama. Dito ko na binuhos ang kapighatiang nadarama ng puso. Mula sa sakit na dulot nang pagpapakasal ni Joey, hanggang sa pagkapahiya ko sa mga kaibigan, hanggang sa pagkawala ng taong nagmahal sa akin ng tapat ngunit niloko ko at sinaktan.Sabay may tumunog at may nagtext sa akin, si Angelo:
Jack, naiintindihan ko ang sitwasyon mong nasaktan ka dahil kinasal na ‘yung taong mahal mo o si Joey, pero sana hindi mo ako ginamit. Kasi masakit. Oo masakit. Masakit kasi umasa ako. Pasalamat na lang at sinabi sa akin ni Mona ang mga plano mong gawin. Pinaasa mo ako… akala ko’y magtutuloy-tuloy na ‘yung nasimulan natin, akala ko magiging tayo na at huli, akala ko’y hindi ka katulad ng iba, pero hindi pala. Tulad ka rin pala ng mga manloloko. Manloloko ka din pala Jack! Paasa ka… salamat ah! Salamat…

Biyernes – July 18 / 5:45 p.m.

Pagkababa ng jeep galing sa eskwela, makikita ang iba’t-ibang tao; may naghihintay ng masasakyan at may naghihintay para magsundo. Tulad nila, siguro nga’y dapat maghintay na lang ako sa taong magmamahal at magsusundo sa akin.
Habang papaakyat sa footbridge ako ay balisa; nag-iisip. Sinusubukang intindihin at tanggapin ang mga nangyari nitong mga nakaraan araw.
Pagkarating sa itaas ng tulay, makikita pa rin ang dami ng tindang nakalatag. Tulad ng mga nagtitinda dito sa footbridge, mahirap magtinda at makabenta kaya hangga’t maaari ang bawat kinikita ay gastusin sa tamang paraan. Parang pagmamahal ko kay Angelo, hindi man lang pinahalagahan ang pinagsamahan namin sa loob ng dalawang buwan. Ngayon ko lang naramdaman ang lungkot ngayong wala na siya. Hindi ko man lamang binigyang pansin ang bawat pagpapasaya sa akin. Inaliw muli ang mga mata, baka sakaling may magustuhan o may mabili. Sa bandang dulo ng tulay, sa pagitan ng mga hagdan. Wala na ang matandang nanlilimos at kumakanta, wala na tuloy nagbibigay aliw sa bawat dumadaan at nagtitinda sa tulay. Siguro nga’y mabilis alang ang panahon para paglaruan pa ang mga bagay sa paligid. Hangga’t maaga ay dapat matuto tayong magmove on, matuto tayong tumanggap at matuto tayong magpahalaga lalo na sa mga taong nagmamahal sa atin. Sa dulo ng tula, ako’y lumiko na sa kaliwa, pababa. Habang bumababa ng tulay, sumalubong sa akin ang isang lalaki na nakapolong puti na mahaba ang manggas, naka-necktie, nakaitim na pantalon at itim na sapatos. Iniabot niya sa akin ang isang polyeto na may nakalagay sa unahan “How Do You View the Yourself?” siguro nga’y ito muna ang dapat kong gawin. Tanungin ang sarili kung ano ba ang pagtanaw at kung ano ba ang pagtingin ko sa sarili ko.

Habang naglalakad sa kanto ay tumutugtog nang malakas ang Halaga ng Parokya ni Edgar, “May kwento kang pandrama na naman, parang pang TV na walang katapusan. Hanggang kailan ka bang ganyan, hindi mo ba alam na walang pupuntahan…minsan hindi ko maintindihan, parang ang buhay natin ay napagti-tripan. Medyo malabo yata ang mundo, binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko…” sa isang sari-sari store.


Pagpasok sa kwarto, agad-agad akong nagpalit ng damit. Binuksan ang kompyuter para mag-Facebook at nagpost ng isang quotes, “Bigyan mo ng HALAGA ang taong nagmamahal sayo ng totoo, bago pa siya magising sa katotohanang marami pang iba bukod sa’yo.”

‘Yvonne’

Habang nakatingin sa kalangitan,
may isang ibon na sa akin ay lumapit:
Siya ay maporma, makulay, at sadya’ng kaakit-akit.

Kinausap niya ako kahit hindi kilala, sinagot ko siya kahit na may halong pagtataka.
Pumatak ang bawat segundo at minuto: kami ay nagkakilanlan, nagkasundo.
Lumabis ang aming tawanan, kulitan, kuwentuhan at tuksuhan,
hanggang sa maging komportable ang kilos sa isa’t isa: naging magkaibigan.

Iba ang nararamdaman ko sa kanya, sapagkat iba ang bato ng bawat ngiti at mga salita niya.
Nakikinita ko na parehas kaming may pagtingin, na higit sa pagkakaibigan lang ang nais namin.

Dahil sa paglalim nang pag-uusap namin, isiniwalat ko ang intensyon na gusto ko siya.
Tinanong ko kung ayos lang ba na ako ang mag-alaga sa kanya,
sabay pinangakuan na bibigyan ko siya ng maraming pagkain at magarang kulungan.

Siya ay tumahimik, tumingin sa kawalan - sa paligid, marahil siguro’y nag-iisip.
Nagulat ako dahil hindi na siya kumibo at tuluyan nang walang imik.
Ang kaninang matanong at maingay na huni,
ngayon ay pinalitan na ng basag na katahimikan at tikom na tuka.

Walang pasabi bigla siyang bumwelo, ibinuka ang mga pakpak,
sinubaybayan ko ang kanyang paglayo,
Alam kong maling ikaw ay ibigin, O, patawad kaibigan, patawad!
Huwag kana sanang bumalik at dumapo pa sa puso ko, ibong iiwan lang pala ako ng ganoon kadali: may pighati.
Paalam Yvonne, paalam! paalam aking kaibigan hanggang sa muli…

at simula noon hindi na siya nakita pa.

Miyerkules, Agosto 20, 2014


1. Concept of God. Who is God for you? What is God for you?
2. Prove or disapprove God’s existence.

Ang mga magulang ko ay katoliko at isa rin akong katoliko. Bininyagan ako sa katolikong simbahan. Wala akong magagawa kasi sanggol pa ako noon at walang kamalay-malay sa kung ano nga bang paniniwala ang dapat kong paniwalaan. Ang ibig-sabihin ang mga magulang ko ang naging daan para makilala ko Siya, ang Diyos. Ngunit habang ako’y tumatanda mas lalo kong natutuklasan ang bawat bagay sa mundo kasabay nito ang mga katanungan na pumapasok sa aking isipan. Isa na doon ang katanungan kung mayroon nga ba talagang Diyos.

Sa linggo lingo kong pagsisimba ipinahayag sa akin ng simbahan ang mabuting balita, ang utos ng Diyos, kung paano nagsakripisyo ang Panginoon para sanlibutan, na Siya ang tagapagtanggol, na Siya ang Maykapal na lumikha sa lahat, na si Hesus ang anak ng diyos at marami pang iba, na nakasulat sa bibliya. Ito ang Diyos, ngunit hindi para sa akin pero para sa relihiyon na aking kinabibilangan.

Maaari akong tawaging ateista pero hindi dahil sa wala akong Diyos na pinaniniwalaan. May Diyos ako, ngunit ayoko lang ang pamamahala ng simbahan, kung kaya’t hindi pa rin sapat sa akin ang tawagin na ako’y isang katoliko. Hindi pa malinaw sa akin ang lahat ng nasusulat sa bibliya at kung mayroon nga bang Siya. Marami pa ring katanungan ang nabubuo sa aking isipan lalo na kapag tinanong na sa akin kung “Mayroon bang Diyos?” Gayunpaman isa lang ang masasabi ko, may Diyos ako. May Diyos akong pinaniniwalaan

Ang Pag-ibig, pag-ibig para sa akin, ito ang nagpapatunay na mayroong Diyos hangga’t mayroong pag-ibig sa mundong ibabaw. Nangangahulugan itong nasa puso ng bawat isa ang Diyos na naghahatid sa atin sa kabutihan at maging mabuti. Ang Diyos ay tulad ng hangin, hindi mo man nakikita ngunit nararamdaman mo. Samatala, ang paghahanap sa kasagutan kung mayroon nga bang Diyos ay tulad ng patuloy na paghahanap natin sa katotohanan.

Marahil sa puso, sa isip at sa dadamdamin ko mayroon akong Diyos, sapagkat sa bawat hiling, sa bawat hingi ng senyales, sa bawat pag-iyak, sa bawat kasiyahan, sa bawat pagsubok, sa bawat gabi ko Siyang kausap, at sa aking patuloy pang paglalakbay ramdam ko na kasama at makakasama ko Siya. Naniniwala at maniniwala ako na may Diyos at patuloy kong hahanapin ang katotohanan upang mahanap ko ang sagot sa kung mayroon nga bang Diyos.

Miyerkules, Hunyo 27, 2012

The Credenda



From “The Gift of Acabar” by Og Mandino

Turn away from the crowd and its fruitless pursuit of fame and gold. Never look back as you close your door to the sorry tumult of greed and ambition. Wipe away your tears of failure and misfortune. Lay aside your heavy load and rest until your heart is still. Be at peace. Already it is later than you think, for your earthly life, at best, is only the blink of an eye between two eternities.

Be unafraid. Nothing here can harm you except yourself. Do that which you dread and cherish those victories with pride. Concentrate your energy. To be everywhere is to be nowhere. Be jealous of your time, since it is your greatest treasure.

Reconsider your goals. Before you set your heart too much on anything, examine how happy they are who already possess what you desire. Love your family and count your blessings. Reflect on how eagerly they would be sought if you did not have them.

Put aside your impossible dreams and complete the task at hand no matter how distasteful. All great achievements come from working and waiting. Be patient. God’s delays are never God’s denials. Hold on. Hold fast. Know that your paymaster is always near. What you sow, good or evil that you will reap. What you are is through your choice alone. Learn to live with honest poverty, if you must, and turn to more important matters than transporting gold to your grave.

Never meet trouble halfway. Anxiety is the rust of life; when you add tomorrow’s burdens to today’s their weight becomes unbreakable. Avoid the mourner’s bench and give thanks, instead, for your defeats. You would not receive them if you did not need them. Always learn from others. He who teaches himself has a fool for a master. Be careful. Do not overload your conscience.

Conduct your life as if it were spent in an arena filled with tattlers. Avoid boasting. If you see anything in you that puffs you with pride, look close and you will find more than enough to make you humble.

Be wise. Realize that all men are not created equal, for there is no equality in nature, yet no man was ever born whose work was not born with him. Work every day as if it were your first, yet tenderly treat the lives you touch as if they will all end at midnight. Love everyone, even those who deny you, for hate is a luxury you cannot afford. Seek out those in need. Learn that he who delivers with one hand will always gather with two. Be of good cheer.

Above all, remember that very little is needed to make a happy life. Look up. Reach out. Cling simply to God and journey quietly on your pathway to forever with charity and a smile. When you depart, it will be said by all that your legacy was a better world than the one you found.

Sabado, Hunyo 16, 2012

Happy Father's Day 2012

habang binabasa to dapat pakinggan tong song nato :)


Last May 12,2012 nagpost ako tungkol sa mama ko. [mother's day]
Ngayon, para naman sa PAPA ko :)
Actually hindi siya sundalo,
training lang nila yan, wala kasi ako makitang picture eh, sensya na !
and pasensya na guys kasi, close kame ng papa ko pero hindi ko kayang sabihin to
ng harap harapan, kaya dito na lang.
sorry kung madrama ah, natutunan ko lang kasi sa papa ko, na kailangan hangga't maaga magpasalamat. :)

Ang kaisa isang lalaking nagpatibok sa puso ng mama ko,.
ang haligi ng aming tahanan.
ang laging matibay sa lahat ng oras.
ang isa sa mga taong hinahangaan ko ng sobra.
at ang tatay ko na ni minsan hindi nanigarilyo.(isa sa mga pinagmamalaki ko sa kanya :))
si papa DENNIS SANTOS :)

Pa, Happy Father's Day po. and minsan ko lang sabihin sayo to. 
I love you so much pa. diba nga po pa, sabi niyo
"magbigay kami ng magbigay ng bulaklak kay mama hangga't nabubuhay,
kasi baka magsisi kami kung kailan wala na, at dun lang namin masasabi at mabibigyan ng bulaklak."
hangga't maaga pa sabihin na lahat ng gustong sabihin sa mga minamahal mo,
kasi hindi natin alam kung hanggang kailan ang katapusan ng buhay.
kaya ngayon, malakas yung loob ko para sabihin kay mama and sayo pa,
kung gaano ko kayo kamahal :)

Salamat pa, sa mga payo na binibigay mo sakin.
Salamat po sa pagiging matatag.
Salamat kasi lagi mong inuunawa yung bawat sitwasyon na nangyayari.
Salamat po sa suportang binibigay mo sakin at saming magkakapatid.
Salamat kasi hindi mo po kami pinapabayaan.
Salamat sa pagaccept kung sino ako.
at Salamat sa pagtitiyaga.

Pa, sorry sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko.
 sorry kasi hindi ako perfect son para sa inyo ni mama, pero tinatry ko naman po yung best ko.
sorry kung minsan hindi tayo nagkakaunawaan.
sorry kung minsan nagiging masagot na po ako.
and sorry sa lahat lahat ng mga bagay na nagagawa ko pa. 

Pa, sana po manatili ka parin sa tabi ko, samahan niyo po ako at ni mama sa pangarap ko.
dahil kasama po kayo dun.
sana po, hindi kayo magbago dahil tanggap ko kayo kung sino kayo.
sana po, patuloy niyo pa rin akong suportahan sa lahat at sa landas na tatahakin ko.
sana pa, patuloy mu pa rin akong payuhan at itama sa lahat ng maling nagagawa ko.
and pa, sana maging strong kayo ni mama sa lahat ng oras, huwag niyo pong pabayaan sarili niyo :)
I love you so much pa, and HAPPY FAATHER'S DAY !

Linggo, Hunyo 03, 2012

Mahalin mo ang isang tao hindi dahil sa mayaman o may itsura siya, mahalin mo siya dahil naramdaman mo rin yung pagmamahal na ipinadama niya sayo. mas masarap magmahal ng likas kaysa sa pilit. -- alvin :)

Huwebes, Mayo 31, 2012

Aminin mo muna kasi yung nararamdaman mo sa taong mahal mo.yan dapat ang una sa plano mo e. kasi naman may plano kana para sa inyo ! e, siya wala namang alam sa plano mu para sa kanya?! .. paano kapag ayaw niya pala talaga sayo at may mas priority siya kesa sayo? edi magiging walang saysay lang yung effort mo diba ? at sa huli ikaw ang nagmukang tanga. ikaw pa yung masasaktan ! -- Alvin :)
Hindi porket pinapaasa ka lang ng taong mahal mo, e, hindi ka na niya mahal. Marahil may mga dahilan lang yung taong yun, kung bakit ka niya pinapaasa. Halimbawa may mga taong hindi pa handa makipagrelasyon kaya kailangan mo muna maghintay, o  kaya naman ayaw niya ireject ka dahil mahal ka rin niya, at the same time mahal ka niya kaso ayaw niyang masira ang pagkakaibigan niyo :( [awch]. pero  ang magandang solusyon jan. gumawa ng desisyon para walang nagpapaasa, at walang umaasa. -- Alvin :)

Miyerkules, Mayo 30, 2012

ang isa sa kinatatakutan ng taong hindi makaamin sa gusto niya o minamahal niya ay ang REJECTION -- hindi lahat ng tao may tapang na harapin ang magiging reaksyon o desisyon ng taong gusto nila. Bakit hindi natin kayang subukan na aminin, malay mo yung taong gusto mo eh gusto ka din. hinihintay ka lang niya na ikaw ang unang umamin. malay mo kaya ka palang tanggapin ng taong yun. Sa kabila nito, mas pinapangunahan kasi tayo ng takot na baka, nagpaparamdam ka pa lang, e, pipigilan ka na niya kagad. At kung minsan naman ay may mga tao rin silang hinihintay, kaso hindi ikaw yun, at ang pinakahuli natatakot ka sa kahihinatnan na baka lumayo siya at maiba ang turing niya sayo :( -- Alvin :)

Huwebes, Mayo 24, 2012

Iba ang IMPORTANTE sa PRIORITY -- minsan pag nagmamahal tayo ng isang tao, akala natin purkit pinapahalagahan nila tayo,  mahal na nila tayo, ang hindi natin alam importante lang tayo sa kanila. dahil kung minsan may mas priority sila, yun yung taong mas mahalaga kesa sa atin. yun yung taong uunahin nila o mas kailangan nilang unahin, kaysa sa atin na importante lang pero hindi nila priority. pero kung minsan hindi naman porket hindi tayo priority, e, hindi na nila tayo kayang unahin. kung minsan ang dahilan nila, e, mas kaya lang natin tumayo sa sarili natin o kaya naman ay mas matibay tayo kaysa sa mga taong inuuna nila na kailangan, nasa tabi sila. -- alvin :)

Linggo, Mayo 20, 2012

Barkada kong tunay.

Time Check : 1:40 a.m
May 21, 2012. Monday :)

Wala akong magawa.
Gusto kong gumawa ng blog.
Kahit pagod na ako.
Masaya ako.

Para samin magbabarkada, hindi ordinaryong araw to. Kanina idinaos ang 2012 Flores de mayo (Santa Cruzan). Taon taon itong pinagdiriwang, kaya masaya ako dahil taon taon din kasali yung mga kaibigan ko. Hindi ito isang ordinaryong araw para saming magbabarkada, tatlo sa kanila kasali tapos yung iba suporta.

Napakasayang araw ito para samin, dahil kahit papaano nabuo ang barkada namin kahit hindi kumpleto. Sa katunayan, hindi ko rin alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko pagnagkakasama sama kami, pero isang pakiramdam lang ang nadarama ko ... ang pagkasaya. Bakit nga ba ganito na lang ang pagkasabik namin na makumpleto ang barkada ? ganun ba kami kalayo sa isa't isa? bakit ganito ang reaksyon ko ? bakit ba ganito na lang ang labis na reaksyon ko ?... sa totoo lang, sinabe ko na. hindi ko rin talaga maipaliwanag.

Balik tanaw mula sa pagkabata namin:

Simula bata pa lang, hindi namin alam kung paano kami pinag tagpo-tagpo. kahit alam naming magkakaiba kami ng paniniwala, ng adhikain, ng suwestiyon, ng ugali at ng kung anu-ano pang ugali sa mundo, magkakaiba-iba kami !. Marami kaming mga hindi pagkakatulad-tulad. Sa totoo lang sa street namin sa Sto.Domingo, Holy Spirit, kami ang bumubulabog sa kalsada, kami ang panggulo ng kalye, kami ang kasiyahan ng mga matatandang nanunuod samin, kami rin ang kabwisitan ng mga magulang namin, (lalo na pag may sumusugod na magulang ng kaaway namin), kami rin ang nagpapasiya at nagbibigay inspirasyon sa mga batang susunod na henerasyon. basta kami rin ang pinakagago sa amin.

Sa lugar namin, parati kaming kinaiingitan ng lahat ng bata, dahil halos walang nagtatangkang sumali samin kapag may laro kami. dahil siguro sa pakiramdam nila hindi sila kasali, dahil siguro alam nilang iba ang ugali namin, iba kami sa kanila. Pag dating sa mga laro. Halos lahat ata ng laro, na laro ng pinoy, e, nalaro na namin. Bambsak, agawanbeys, tumbang preso, patintero, pinispalo, jolen, goma, tansan, chinese garter at tentwenty , teks, piring-piringan, tomsoyer, agawan panyo, dr.kwak-kwak, pepsi7up tapos hindi ko matandaan yung isa eh yung tatalikod ka, katalikod mu yung kalaban mo, tapos kailangan ilalarawan lahat ng pang-asar sa kalaban mo ng kakampi mo, hanggang sa mahulaan mo :)  at marami pang iba... (hindi ko na maalala yung iba, basta yan lang halos tumatak sa isip ko, paano yung iba kasi gawa-gawa lang naming laro, pero sobrang saya !! eh) basta !

1.) Bambsak : ito yung larong parang tagu-taguan. may isang taya, magbibilang siya. tapos lahat kayo kailangan nakatago na, tapos kung sinu makita ng taya sasabihin niyang "BOOOOM " tapos yung mga nakatago pa, pwede nilang isak yung taya. pag naSAK (hahawakan nung mga nagtago at sasabihing "SAK" yung taya, kung ilan yung naka SAK yun yung bilang ng ligtas sa mga na boom ng taya. tapos yung mga natirang hindi nailigtas, magkakamatisan sila. yung KAMATISAN: ipipikit ng taya yung mata niya, tapos magiiskrambol lahat ng nasa likod (nakapila sila ah) tapos sasabihin ng taya, STOP ! tapos iistap lahat sabay magsasabi ng number, kung ilan yung natirang hindi ligtas. tapos kung anung number sasabihin ng taya, bibilangin sa pila, kung sinu yung nasa numerong iyon. siya ang taya :). Hahaha, sobrang saya nu ? lalo pag kami ang naglaro, sigurado yan. gagawa ng effort. kung saan-saan magtatago, yung tipong buwis buhay !! whaha ..

2.) Agawanbeys : eto pamilyar naman siguro ang lahat diba?. para sa mga hindi. Ito yung larong may dalawang base. kampihan kayo, tapos sa base niyo kailangan andun yung kamay niyo para mantaya ng kalaban kailangan fresh yung pagbebase niyo kesa sa kalaban. Halimbawa, nagpahabol ako, hindi ako fresh from base. tatayain ako ng mga fresh from base, hanggang sa sunod-sunod na yung habulan na yun... o kaya paunahan maka base... yung kalaban niyo kailangan mahahawakan yung teritoryo niyo. paunahan, siyempre pag nangyari yun, sisihin ang tagabantay :D whaha ... Dito, dito sa larong to ! marami samin ang lumalabas ang pagka pikunin, ahaha yung tipong sasabihin ng isa madaya, tapos hanggang sa mag-aaway away na kami, at ayawan na :D whaha .. dito rin nadidiskober yung mga may talent sa pagtakbo :P

3.) Tumbang preso : dito naman, minsan lang namin laruin to kasi, nagkakatamaran, lalo na pag burot ang taya :D siguro naman pamilyar tayo lahat dito, yung may lata tapos hahampasin ng mga kalaro mu. isa lang ang taya dito, tapos pag natumba yung lata, pupulutin ng mga kalaro mu yung tsinelas nila. dito na yung pagkakataon mu para itayo ang lata, tapos tayain yung mga wala pa sa base :D haha ..

4.) Patintero : pamilyar naman tayo dito diba ? yoko na ilarawan o sabihin yung proseso ng game kasi mahaba to eh. peru nung naalala ko 'tong larong 'to naalala ko na naman yung mga panahong dito lagi kami nagkakapikunan. sasabihing nataya. sasabihin nung iba hindi. hanggang sa kampihan na yan. diskusyon. o kaya may magpaparayang grupo para lang hindi matigil ang laro, o kaya magmamataasan, hanggang sa sira nanaman ang laro. nauuwi lang sa AYAWAN NA ! hehe :)

5.) Pinispalo : pamilyar din kayo dito, :) ito yung may starting point, tapos may finish line :) peru tsinelas ang gamit tapos papaluin mu hanggang sa mafinish line  ... sa larong ito, paliitan kami ng pamatong tsinelas para mabilis fuminish, peru dito kahit indibidwal ang laro. nagkakampihan pa din ... pag nasa line kasi yung pamato ng isa pwedeng tumulong sa iba ang isang manlalaro. hanggang sa maburot ang gusto niyong maburot :) whaha .. tapos ang talo, ang parusa palo sa paa. grabe ang sasakit pa naman ng palo kaya hindi mo nanaising hindi mag praktis sa bahay niyo.

6.) Jolen, Goma at Tansan : sa jolen, dito alam naman natin mga ibat-ibang laro, gaya ng adding, tapos yung sasapulin mu yung holen sa box tapos paglumabas sayo na ! .. sa tindahan pamahal ng pamahal ang jolen. sa goma ganun din, kung minsan pa nga padamihan sa kamay, na ginawa ng bracelet :) at ang huli sa tansan, potik dito halos kung san san na kami dati nakakarating na lugar, para kaming mga batang gala at batang namumulot ng tansan, para lang paramihin, tapos ang saya namin pag nakakita ng takip ng softdrinks na pang 1.5 dahil malaki yung halaga nun :)

7.) Chinese garter & tentwenty : larong pambabae sabi niyo diba? peru sa mga kabarkada ko, wapakels. Go kung go, mapababae, mapalalaki. naglalaro, pupunta pa kami sa pinakamalayong lugar para lang makabili ng magandang klase ng garter :)

8.) Teks : haha sino ba naman makakalimot dito, nilalaro namin to kaso boring. kaya mabilis malaos. kung dati teks, ngayong henerasyon merun na silang "pogs" parang ganun din yung teks, kaso yung teks rectangle yung pogs bilog:) whaha yun lang pinagkaiba nila.

9.) Piring-piringan : alam naman ito ng lahat eh, peru sa amin may pinauso kami. may tatlong kapangyarihan ang taya, kulay RED,YELLOW at BLUE. pag Red natural lang ang kilos namin. pag Yellow, mabagal yung galaw namin, lakad lang. hindi pedeng tumakbo. pag BLUE hihinto ka lang. bawal kang gumalaw kahit papunta na sayo ang taya. ikaw ang taya pag brineak mu ang rule :) hehe o ' diba ? masaya ?

10.) Tomsawyer : alam naman to halos lahat ng bata, lalo na yung fan ni tom sawyer :) minsan lang namin malaro to, halos karamihan samin babae, kaya ayaw kasi sasampa pa sa likod diba? tsaka sakitan .. kaya ayaw namin, pag napagtripan lang ! hehe ..

11.)  Agawan panyo : masaya rin tong larong to. pauso lang namin. haha :D yung may magkalaban na grupo, tapos may isang referee na may hawak ng panyo. tapos parehas ang bilang ng kalaban niyo sa isang grupo. may bilang kayo. halimbawa lima, 1,2,3,4,5 .. tapat tapat kayo ,, pag sinabe ng referee ang number niyo lalapit kayo sa panyo parehas kayo ng katapat mong number ng kalaban niyo, tapos magpapakiramdaman kayo at gagawa ng diskarte kung paano kukunin ang panyo, nang hindi kayo matataya ng kalaban mu ... masaya tong larong to, hehehe :)

12. ) Dr.kwak-kwak : eto minsan yung ginagawang finale namin pag naglalaro, kasi lahat tinatamad na sa mga magagaslaw ng laro. eto kasi magbubuhol buhol lang kayo hanggang sa mabuo ni dr. kwak-kwak, minsan lang namin to nilalaro, pag napagtripan ulit :D wahahaha , boring eh, pambata masyado ..

13.) Pepsi7up : kung minsan konti na lang kami naglalaro nito, yung may mga energy pa, kasi nakakatamad din to kasi, may taya tapos huhulaan yung mga nasa utak niyo, depende sa theme :) hehe tapos kung sino may mahulaan tatakbo lahat hanggang sa may mataya :D whaha ..

tapos yung pang 14 nakalagay na dun. at marami pang iba ... as in, sobrang dami !
O diba, iilan pa lang yan pero sobrang saya ko pag-naaalala ko pa rin hanggan ngayon ? siguro nangulila ka rin sa pagkabata mo?, na parang gusto mu na rin balikan. ako kahit paulit ulit ko tong basahin. matatawa't matatawa ako dahil sabay ng pagbasa ko, nabubuo sa aking isipan ang mga askyon ng bawat barkada ko, bawat halakhakan, takbuhan, sugatan, pikunan, hanapan, sipaan, awayan. pero ang pinakamaganda dun, nagkakabati bati rin, kunabukasan.... Sadyang kay sarap balikan ng pagkabata, lalo na't may tropa kang katulad ng barkada ko. Kaya laking pasasalamat ko ring naging parte ako ng makulit kong tropa, kahit na sobrang daming pagsubok. kahit na sobrang kulit. ok lang.

Naalala ko rin ang trip namin dati, pag may dadaan halos pagtritripan namin. hanggang sa maka-away na namin sila. tapos bawat street sa holy spirit may kaaway kami. kumbaga parang siga kami, pero ang nakakahanga sa amin. walang iwanan sa ere, walang taguan, walang takutan,walang papatibag. laban ng isa, damay ang lahat pati ang nanay. umulan umaraw, susugod kami ! ... at eto pa, sino rin bang makakalimot sa telepono sa tabi ng tambayan namin. (uso pa telepono, nde pa masyado uso cellphone) halos hula ng number, tapos ipophone pal na namin ... isa pa sa pinakamalalang trip namin, ay maligo sa ulan. tapos biglang hinto ng ulan. kaya nagbasa na lang kami at nagtankang punuin ng tubig ang trak, na balak naming gawing pool ! (mga halatang wala pang isip, sino bang tangang nakapuno ng tubig sa likod ng truck ? hindi man lang namin naisip na may butas yun, pano namin mapupuno yun) hanggang sa maubos ang tubig sa drum nila ate nene :).... isama mo pa ang pagbalak ng pagtayo ng sarili naming bodega o binabalak naming bahay naming lahat, yung tipong titira kami  sa iisang bubong. hindi pa man natutupad, pero sisiguraduhin naming matutupad namin ang pangarap na iyon.

Ngayon, para sa akin, wala na akong makita pang mga batang naglalaro sa lansangan na natumbasan ang samahan na katulad ng sa amin. wala pa akong nakikitang kabataan na nagpapangiti at nagpapabalik ng alala ng mga taong lumipas na ang pagkabata. Blue Angel's Dragon (BAD) / Black Angel's Barkada (BAB) TEAM for ever :)) pangit man o korni mang pakinggan. isipin mo na lang bata lang ang nag-isip niyan :)
Hindi man perpekto ang barkada namin, ang importante naging parte kami nito, isang rekadong hindi pwedeng paghiwa hiwalayin. isang pamilyang binuo ng mga batang makukulit na hindi naging hadlang ang edad para bumuo ng isang importanteng pahina sa buhay ng bawat isa ... ang pagkabata. Salamat :*


---
Ngayong, mga nasa edad na kami ng pagkatanda, hindi pa rin lumilipas ang mga alaalang nag pamarka sa aming puso para bigyan ng halaga ang bawat pagkakataon sa buhay ng tao. ngayon, minsan na lang kami magkitakita, yung ibang barkada, may iba ng barkada, ung iba nasa ibang lugar na. hiwa hiwalay man kami, peru naniniwala pa rin akong magkakadikit ang puso namin. naniniwala pa rin ako o kami, na makukumpleto pa rin ang barkada namin. hindi man ngayon? bukas? pero ang tanging alam ko lang ay, may tamang panahon para paghandaan iyon.


I love you guys ,,,

toot*toot*too* ngayon ay ganap ng 3:45 a.m, Ika- 21 ng Mayo. Lunes.
Para sa aking pansariling pananaw, dapat mas pinipili yung mga taong torpe. kasi yung mga taong torpe, yun pa yung hindi ka sasaktan at hindi ka kayang iwan. sila pa yung kaya kang pahalagahan kasi alam nila na ikaw lang yung taong nakuha niya, taong pinagpaguran niyang kunin kahit torpe siya. Dahil kung minsan, may mga mga taong, magaling mang-aliw ng taong gusto nila. yung mga taong magaling sa bokahan, na siguradong kaya kang kunin. Ito yung mga taong kaya kang saktan,manloloko at marami ng naloko, dahil alam nilang kaya ka nilang pakawalan at palitan, kahit iwan mo sila. -- alvin :)

Biyernes, Mayo 18, 2012

Sadya ngang maraming taong mabilis mainlove sa ibang tao, pati na rin sa ibang mga bagay. Kung minsan hindi na natin nabibigyan ng pansin yung mga taong dapat na mas binibigyan natin ng prayoridad, at yung mga bagay na dapat, e, mas pinapahalagahan natin. Nakakalimutan na natin yung mga yun kasi may mga bagong dumarating sa buhay natin. Pero ang lingid sa kaalaman ng tao, kung minsan yung mga bagong taong nakakasalamuha natin yun pa yung walang pakiaalam sayo sa bandang huli at mapagtatanto mong hindi ka mahalaga sa kanya. at kung sino pa yung mga taong pinalitan natin, yun pa yung mga taong nanatili sa tabi mo. -- alvin :)

Huwebes, Mayo 17, 2012

Dapat kasi paghumingi ng sorry ang isang tao sayo 1 beses lang. give her/him another chance ... pero sa pangalawang pagkakataon na gawin niya ulit yun. huwag mo na siya pansinin at huwag mo na patawarin pa ulit, kasi nagbigay ka lang ng motibo para lokohin ka niya ulit at saktan ka. once na ang tao nasanay na manloko hindi na niya kayang baguhin sarili niya ... depende na lang yan kapag may tao na rin na manloko sa kanya at magpamukha sa kanya kung gano kasakit ang ginagawa niya. -- alvin :)

Sabado, Mayo 12, 2012

Happy Mother's Day 2012



ang kaisa isang babaing nagpatibok sa puso ng tatay ko, na kasalukuyang nag.aaruga sa aming limang magkakapatid. ang babaing hindi ko kayang tanggihan kahit na pagod ako sa school,sa mga gala ko at sa kung saan man ako galing ... magpasama lang sa kung saan niya gusto pumunta ..
si mama MELISA SANTOS :) ...

ma, happy mother's day ...  i love you so much ma :***
salamat sa lahat ng mga sakripisyo mo sakin. Bilang bunso sa limang magkakapatid alam ko po lahat ng sinakripisyo mo sakin. pati na rin sa mga kapatid ko...
salamat kasi pilit mo akong pinagtatakpan pag may kasalanan ako...
salamat ma sa mga luhong binigbigay mo sakin...
salamat kasi lagi kang nandito sa tabi ko...
salamat sa mga suportang binigay mo sakin ...
at salamat sa lahat ...

pasensya na ma, kung minsan pasaway ako sayo...
sorry ma, kasi kung minsan kailangan mo pa ko sunduin sa labas para lang pumasok na kasi gabi na..
sorry ma, kasi kung minsan nasasagot kita..
sorry ma, kasi may pagkakataong hindi tayo nagkakaunawaan..
sorry ma, kung hindi ako yung perfect son na hinahanap mo...
at sorry ma, sa lahat ng mga kasalanan at perwisyong dinulot ko sayo ..

ma, sana samahan mo pa ko sa mga pangarap ko..
ma, sana huwag kang magbago..
ma, kahit na paulit ulit mo akong dinadakdakan alam ko naman pong para din yun sakin.
ma, sana lagi kang nasa tabi ko..
and ma, mahal na mahal na mahal kita :)) hindi man ako yung perfect son ... peru I always try my best para lang mapasaya  ka ... sana ma maging strong ka parin..
and ma, huwag na huwag mong pababayaan ung sarili mo :)


You taught me everything and everything you've given me. I always keep it inside..
You're the driving force in my life,There isn't anything or anyone that I can be..
And it just wouldn't feel right. If I didn't have you by my side.
You were there for me to love and care for me when skies were gray.
Whenever I was down, you were always there to comfort me. And no one else can be what you have been to me.You will always be.
You will always be the GIRL in my life For all times ...


ma.. you know how much i love you and you are the only queen of my heart :)

Miyerkules, Oktubre 27, 2010

ka.IBIG.an :'(

           Sa patuloy na pagpatak ng ulan, katumbas nito ang luha sa mga mata ko ..masakit man isipin hindi ko sa inyo maitatanggi, na minsan na rin akong umibig .. OO umibig ! hindi naman masama ang umibig 'diba ? ngunit ang masama ay umibig ako sa isang KAIBIGAN .. nakakalungkot man isipin, pero wala na akong magagawa dahil puso ang kumakalaban sa damdamin ko. Mahirap. Oo mahirap, ang hirap sabihin at ipahayag kung ano ang nararapat.Ito ang istorya ko.


           Noong bata pa lang ako, wala pa itong nararamdaman kong 'to ! tinuturing ko lang siyang ordinaryong kaibigan. Sabay na magtatawanan, kulitan, asaran at  kung ano-ano pang gagawin namin lagi ko siyang kasama .. Isang araw, hindi ko akalain na magbabago ang pagtingin sa kanya, hanggang sa aminin ko ito sa isa ko pang kaibigan ... ayoko tong malaman niya, dahil baka magbago ang tingin niya sa'kin o baka naman iwasan at layuan niya ko. Anong dapat kong gawin para mapigilan ang nararamdaman sa kanya ?


          Ngunit ang isang sikreto ay hindi maitatago, nagulat ako ng nalaman ito ng barkada. patay!! Anung gagawin ko ? pero masya ako dahil hindi naman siya lumayo at umiwas salin. Sa patuloy ng pag-ikot ng mundo at ang oras ay umaandar, na syang dahilan para kami ay tumanda. Sa hindi ko inaasahan na magaganap, unti-unting lumayo at umiwas ang kaibigan ko.


          Kasalanan ko ba kung ibigin ka ? ayoko man mangyari pero .. eto na !! Ilan taon na rin ang lumipas, ngunit hanggang ngayon siya pa rin ang nasa puso ko.. bakit ? bakit hanggang ngayon hindi niya pa rin maintindihan,hindi niya pa rin maunawaan. Sa dinami--rami ng kaibigan ko, IKAW PA !! hindi ko kayang iwan ka, hindi ko kayang hindi ka pansinin at lalong hindi ko kayang  layuan ka dahil ikaw ang nagbigay kulay sa makabuluhang buhay ko.


          Hindi mo man tanggapin pag-ibig na inalay sayo, asahan mong hinding-hindi ito magbabago, una sa rules ng pagmamahal sa iyo " FIRST LOVE NEVER DIE " yan ang bulong ko sayo.Sa pagtatapos ng munti kong mensahe, sana'y iyong napagtanto nararamdaman sayo.Masakit man sa akin dahil patuloy kang nakikita, pero masaya ako dahil nasa mabuti ka, hayaan mo kapag may problema ka, asahan mo nanatili mong akong KAIBIGAN !!


-- hope you read this !! :) I <3 U

Sabado, Oktubre 23, 2010

Agos ng buhay

Sa takbo ng buhay, para itong isang ilog na hindi natin alam kung saan ang hangganan ,  wala tayong kaalam alam sa mga mangyayari at wala rin tayong kaideideya kung ano ang magaganap . 

Sa buhay marami tayong nakakasama, may mga taong umaalis, may dumarating 
may mga taong nananatili sa ating tabi  at nagbibigay ng inspirasyon sa ating makabuluhang buhay, pero dumarating ang mga pagkakataong kailangan ka rin nilang iwan.

 Ngunit kung hindi mo man napapansin mayroong kaisa't-isang taong handang dumamay sayo sa PAG-AGOS NG BUHAY. Isang taong hindi ka kailanman kayang iwan , kaya ito ay para sa isang taong hindi ko lubos MAPAPASALAMATAN.

Kung ito man ang pagkakataon para masabi ko lng sayo ng harap harapan , ang mensaheng ito ay naging daan para mailahad sa iyo ang mga bagay na nagpasaya at nagbigay inspirasyon para harapin ang bawat pagsubok sa buhay ko, para sa taong nagbigay ng kulay sa buhay ko, sa taong laging nanatili lagi sa tabi ko. 


isa lang ang mensahe ko sayo : SALAMAT !! :)