Apokalips


Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lesson in life. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lesson in life. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Agosto 20, 2014

Traditional Games: Restore, Revive, Preserve


Traditional Games: 
Restore, Revive, Preserve

Time flies so fast. Take a look at your surroundings; everything’s connected through technology and most of the people in the world have become obsessed with modernization. Change is truly the only permanent thing in this world.

Have you ever experienced playing the games piko, tumbang preso, luksong tinik, luksong baka, patintero, tsato, jolen, bahay-bahayan, agawan base, langit-lupa, sipa, and tumbang preso? These games are the games played by Filipino children; which are commonly known as traditional games. Way back when I was a kid, my mom always told me that when I go and play outside my skin will get dark (because usually Filipino children enjoy playing in the afternoon with heat of the sun) and she always presumed that I’d get hurt or get into an accident because there’s too many vehicles on the road . But I am a naughty kid, so I always escape from my mom just to play outside. I enjoyed my childhood days with my childhood friends because we’re Generation Y, the last batch before technologies and gadgets (2000) boom in the world as well as my friends and I used to think and invent games that don’t need anything, just us, to be more challenging and more interesting… Oh, it was filled with nostalgia.

One of the most important phases of growing up is playing games. Nowadays, the youth, losing their interests in playing traditional games tend to be more laid back, diffident, lacking of social skills, lazy and also lacking of sportsmanship by having a hard time accepting defeat. Instead of traditional games they indulge more in playing computer games such as DOTA (Defense of the Ancients), Counter Strike, etc. and of course, those children in the middle class with their PS2, PSP, Xbox and Nintendo DS (The Importance of Preserving Traditional Filipino, 2012).

Modern games helps you in learning new technologies and the advantage is, you don’t need to go outside and play with other children because in modern games you can play alone, you just have modern gadgets. Thus, modern computer games are more likely to measure up to various expectations of adolescents which students can learn computer application abilities (Traditional Games VS Modern Games, 2013). Whereas, playing computer games will lessen the physical activities and also can cause to laziness and can’t have enough socialization.

“Traditional and contemporary games are a Hybrid of influences coming from Eastern and Western cultures, thus causing some degree of ambiguity” (As cited in Delos Reyes, 2010). Nowadays, children spending their playtime with their PS2, PSP, Xbox and Nintendo DS as well as we see them in different computer shops to play DOTA, counter strike, plants vs. zombies, etc. On the other hand, few numbers of Filipino children playing cultural and traditional games that we developed for so many years. It’s sad to say that this is one proof that we’re already influenced by modernization; yet I don’t mean that we should literally go back to the culture. Let’s face the fact that we are now in the modern world. But what I am trying to point out is, even though the world is continuously changing, we should preserve what our culture and tradition is. It’s our trademark and the reason why we are unique comparing to other country. According to Dr. Raul Pertierra, Sociology and Anthropoloy Profesor at the Ateneo de Manila, “The preservation of our culture starts with us and what we teach our children. We are in the position to shape the minds of the young and develop nationalistic, healthy and socially sound next generation of Filipinos”.

Traditional games (patintero, tagu-taguan, agawan base, tumbang preso, etc.) develop physical strength - in terms of running, jumping, hiking - personal interaction and communication skills with the help of friends. Today, as we can see, many children are prefer to play modern games (computer games, video games, etc.) much more than traditional games because they think that it is more helpful in developing their mind and skill in modern technologies. According to Hercules Callanta, Dean of the University of the Philippines College of Human Kinetics, “The kids of today need to spend time in playing such (traditional) games as this not only preserves our cultural heritage but also helps children develop their physical and psychological skill”. Traditional games play an important role in children when it comes to their health development and interaction with other children because it nurtures young adults to have a sense of teamwork. These traditional games give leisure to children from their studies as well as it helps in increasing cooperation, forming camaraderie and fascinating attitude. Also it is the avenue to bond with the people in their neighborhood.

In conclusion, traditional games are better than modern games because it is more relevant for child development. However, to make it more enjoyable there should be some modern changes so children could enjoy them and makes their mind fresh and their bodies get healthy. Thru traditional games every Filipino individual will develop their patriotism. We can accept change and modernization but we shouldn’t be forget our culture and tradition instead restore it, revive it and preserve it.


References:


Delos Reye, C.A., (2006, June). From Physical Recreation to Digitaion: A Social History of Children’s Games in the Philippines. Retrived from: http://www.inter-disciplinary.net/wp-content/uploads/2010/06/Delos-Reyes-paper1.pdf

Filipino Courting: Tradition VS Modern (2011, December 13). Retrieved from: http://chadixalexir.blogspot.com/

Larong Pinoy. Traditional Games in the Philippines. Retrived from: http://larong-pinoy.weebly.com/members.html

Owlie (2007, September 12). The Modern Filipino: A Blend of Cultures, yet Distinctly Filipino. Retrieved from: http://voices.yahoo.com/the-modern-filipino-blend-cultures-yet-distinctly-536266.html?cat=37

The Importance of Preserving Traditional Filipino, (2012, June 11). Retrieved from http://team13boom.blogspot.com/2012/07/importance-of-preserving-traditional.html

Maskara

Reaction Paper: The Miseducation of the Filipino

Maskara

Ang mukha ng edukasyon, ito ang sandata ng isang tao upang makamit ang tagumpay na kanyang hinangad sa buhay. Ito ang sagot sa lumalaking kamangmangan at makamit ang tagumpay ng isang bansa.

Sa Pilipinas, ‘miseducation’ ang nangyari at hindi edukasyon noong panahon ng Amerikano, ngunit hanggang sa kasalukuyann nangyayari pa rin ito. Tulad na lamang sa mga paaralan, iba ang itinuturo sa elementarya at sekondarya dahil ang gobyerno na nakasuot ng maskara ang nagdidikta sa kung ano ang nararapat na ituro at ito’y sa pamamagitan ng DepEd. Hindi tulad sa kolehiyo lalo na sa UP, itinatanggal nito ang maskara ng bawat isko at sinasabing mali ang pagsuot nito, na hindi kailanman makakamit ang nasyonalismo at kaunlaran ng bansa kung patuloy na isusuot ito. Subalit sa UP pa lamang din ay makikita na, na nanaig pa rin ang mga mag-aaral at guro na nakasuot nito tulad na lamang ng mga estudyante at propesor na nagnanais ng Academic Calendar Shift, na sinasabing sa tulong ng pagsuot ng maskara makikita ng ibang bansa na kaya nating makipagsabayan sa kanila. Subalit paano makikilala ang Pilipino kung suot-suot pa rin niya ang maskara at hindi ipinapakita ang mukha sa likod nito.

Bukod sa demokrasyang itinuro, magaling rin ang mga Amerikano sa pagsuot ng maskara sa Pilipino dahil napaniwala nila noon na ito’y maganda at magagamit sa hinaharap ngunit ang hindi natin alam ay sa tulong nito nagagawa na nilang sakupin at mapasakamay na tayo. Sa kabilang banda, Isa pang patunay na dahil sa maskarang gamit, natatakpan ang bibig ng bawat Pilipino dahilan upang mahirapan tayong magsalita ng purong Filipino o tagalog. Habang nakasuot tayo ng maskara itinuturo bilang wikang panturo ang ingles sa atin dahil sinasabing mas bagay ang wikang ingles sa maskarang suot natin. Mas magiging mukhang kaaya-aya daw tayong mga Pilipino kung gamit ito at mas magiging mataas ang antas ng bawat Pilipino na magaling dito. Ngunit dahilan rin ito upang tayo’y mahirapan umintindi at magsulat sa wikang ingles maging sa wikang atin, sapagkat nahahati ang kaalaman natin. Hindi pa man tayo bihasa sa wikang atin, pinapasok na sa utak ng bawat Pilipino ang wikang ingles dahilan upang mas mahirapan tayo. Sinasabing ang ingles ang sagot sa kahirapan, kapag magaling ka sa ingles mas marami ang oportunidad ang naghihintay sa’yo. Kaya’t mas maraming Filipino ang nananabik matuto ng ingles kaysa sa wikang atin. Sa panahon ngayon, tulad ng ibang mga estudyante sa UP, mas marami ang tinatawag na “Conyo”. Sa UP din makikita na mababa ang tingin sa’yo ng iba kapag nagpahayag ka gamit ang tagalong/Filipino samantala matalino ka naman kapag magaling kang magsalita ng ingles.

Patunay na magpasahanggang ngayon patuloy pa rin na isinusuot ng bawat Pilipino ang maskara na ating nakuha mula sa mga dayuhang Amerikano na akala ng nakararami ay maganda ito sa paningin ng iba, na akala nila dahil dito ay uunlad ang bansa at pagkatao nila, ngunit ang hindi nila nakikita at nalalaman na may nakatago sa likod ng maskara na natatanging mukha ng Pilipino na wala at naiiba sa mga dayuhan, na siyang talagang magpapaunlad sa bayang pinagmulan. Ngayon, maling akala pa rin ang ating sinusundan, hindi pa rin natin naiisip ang oportunidad sa nasyonalismong matagal na nating dapat ginawa. Kayang makilala ng ating bansa kahit wala ang mapagsamantalang mga Amerikano na nagsuot sa atin ng maskara. Kayang makilala ang bawat Filipino kapag may sariling identidad at mukhang inihaharap. Tanggalin ang maskara at iharap ang tunay na mukha ng Pilipino, dito mahihinuha na hindi na pala natin kinakailangan na takpan ng maskara ang ating mukha dahil makakamit ang tunay na pagbabago sa pagtanggal sa mapaglinlang na maskara.

1. Concept of God. Who is God for you? What is God for you?
2. Prove or disapprove God’s existence.

Ang mga magulang ko ay katoliko at isa rin akong katoliko. Bininyagan ako sa katolikong simbahan. Wala akong magagawa kasi sanggol pa ako noon at walang kamalay-malay sa kung ano nga bang paniniwala ang dapat kong paniwalaan. Ang ibig-sabihin ang mga magulang ko ang naging daan para makilala ko Siya, ang Diyos. Ngunit habang ako’y tumatanda mas lalo kong natutuklasan ang bawat bagay sa mundo kasabay nito ang mga katanungan na pumapasok sa aking isipan. Isa na doon ang katanungan kung mayroon nga ba talagang Diyos.

Sa linggo lingo kong pagsisimba ipinahayag sa akin ng simbahan ang mabuting balita, ang utos ng Diyos, kung paano nagsakripisyo ang Panginoon para sanlibutan, na Siya ang tagapagtanggol, na Siya ang Maykapal na lumikha sa lahat, na si Hesus ang anak ng diyos at marami pang iba, na nakasulat sa bibliya. Ito ang Diyos, ngunit hindi para sa akin pero para sa relihiyon na aking kinabibilangan.

Maaari akong tawaging ateista pero hindi dahil sa wala akong Diyos na pinaniniwalaan. May Diyos ako, ngunit ayoko lang ang pamamahala ng simbahan, kung kaya’t hindi pa rin sapat sa akin ang tawagin na ako’y isang katoliko. Hindi pa malinaw sa akin ang lahat ng nasusulat sa bibliya at kung mayroon nga bang Siya. Marami pa ring katanungan ang nabubuo sa aking isipan lalo na kapag tinanong na sa akin kung “Mayroon bang Diyos?” Gayunpaman isa lang ang masasabi ko, may Diyos ako. May Diyos akong pinaniniwalaan

Ang Pag-ibig, pag-ibig para sa akin, ito ang nagpapatunay na mayroong Diyos hangga’t mayroong pag-ibig sa mundong ibabaw. Nangangahulugan itong nasa puso ng bawat isa ang Diyos na naghahatid sa atin sa kabutihan at maging mabuti. Ang Diyos ay tulad ng hangin, hindi mo man nakikita ngunit nararamdaman mo. Samatala, ang paghahanap sa kasagutan kung mayroon nga bang Diyos ay tulad ng patuloy na paghahanap natin sa katotohanan.

Marahil sa puso, sa isip at sa dadamdamin ko mayroon akong Diyos, sapagkat sa bawat hiling, sa bawat hingi ng senyales, sa bawat pag-iyak, sa bawat kasiyahan, sa bawat pagsubok, sa bawat gabi ko Siyang kausap, at sa aking patuloy pang paglalakbay ramdam ko na kasama at makakasama ko Siya. Naniniwala at maniniwala ako na may Diyos at patuloy kong hahanapin ang katotohanan upang mahanap ko ang sagot sa kung mayroon nga bang Diyos.

Ang Kagila-gilalas Na Paglalakbay sa St. Pio Chapel

Sulatin: Ang kagila-gilalas na paglalakbay sa St. Pio Chapel

Araw ng sabado. Napag-isipan kong sumabay sa aking mga kamag-aral sa KOM I na pumunta ng St.Pio Chapel. Saktong alasdos ng hapon ay umalis na ako ng aming bahay para hindi ako mahuli, magkikita kita kasi kame sa unibersidad ng 2:30 ng hapon sa National Institute of Physics. Taas ng sikat ng araw, ang init! Sabayan pa ito ng maitim na usok na binubuga ng mga sasakyan sa kahabaan ng commonwealth, nakakainis! Sumakay na ako ng jeep paphilcoa. Sa jeep… ako’y nagmasid tumingin sa mga pasahero at nagbayad sa driver “Bayad po! Philcoa lang..” tumapat ang jeep na sinasakyan ko sa St. Peter Parish, bilang isang katoliko ako ay nag sign of the cross… napansin kong ako lang ang nag sign of the cross tanong sa sarili ko “Ako lang ba ang katoliko dito sa jeep?” sabay lingon sa bintana, hindi na lang pinansin. Ako’y nagmuni-muni, pumasok sa aking isipan na ang jeep ay replika ng mundong ibabaw, iba’t-ibang tao, ugali, kasuotan, kultura, relihiyon, may mahirap at may mayaman. Naputol ang aking pagmumuni-muni ng makita ko na ang naglalakihang mga letra ng U.P Ayala Technohub, naghanda na ako sa aking pagbabaPara ho!”
Umakyat ako sa Footbridge. katulad ng pangkaraniwang araw, nandoon pa rin si Kuyang hindi nakakakita na may salamin, may mikropono at kumakanta ng OPM Song na may lata sa tabi at speaker. Hindi na bago sa akin ang mga taong araw-araw na nandoon dahil sa araw-araw din akong umaakyat ng overpass. Tanong sa sarili “Gaano kaya kalakas ang pananalig ng mga taong katulad ni Kuya? May Diyos pa kaya siyang pinaniniwalaan sa kabila ng mga pinagdadaanan niyang unos sa buhay?” Dedma na lang. nagmadali na akong bumaba sa hagdan dahil papuno na ang UP Ikot. Sumakay ng jeep at bumaba ng Vinzons Hall.  Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ang National Institute of Physics Building kung saan kame magkikita kita ng mga kasama ko. Sa ilalim ng init ng araw binaybay ko ang likod ng Math at Chem Building na turo sa akin ng mga kasama ko upang marating ang NIP. Ilang sandali lang ay nakita ko na silang dalawa. Sina Lawrence at Danica. Agad-agad kaming dumiretso na sa paglalakad at lumabas ng unibersidad patungo sa kahabaan ng Katipunan. At dahil sa pare-parehas kaming hindi alam kung paano pumunta doon, napagdesisyunan namin na magtaxi na lang.
Sa loob ng sasakyan, pumasok sa aking isipan na hindi pa ako gaanong komportable sa mga kasama ko. hindi ko pa talaga sila gaanong kilala. hindi ko pa alam kung paano sila pakikisamahan pero naisip ko na sa pagtatapos ng araw na ito ay sinisigurado kong magiging magkakasundo kami. Nagtanungan at nagpalitan kame ng mga impormasyon sa isa’t-isa hanggang sa unti-unti ko na silang nakikilala  at sa palagay ko matatapos ang aming paglalakbay na masaya. Binaybay lang ng sasakyan ang kahabaan ng katipunan hanggang sa makarating sa Eastwood at tinuruan na kami ni manong driver kung paano makikita ang simbahan na sinasabi namin. Binaba niya kame sa footbridge at doon namin nakita ang malaking Tarpaulin na may nakasulat “St. Pio Chapel”.
Wow! Ang linis ng paligid. Ang daming puno’t halaman at nagliliparang mga kalapati na para bang kame’y nasa paraiso. Sabayan pa ng hindi makabasag na katahimikan ng lugar. Teka? San nga ba ang papasok ng kapilya. Kaunti lang kasi ang tao kaya hindi namin alam kung saan maaaring pumasok, buti na lang may gwardiya at kami ay nagtanong. Bago buksan ang pinto ay bumungad sa amin ang mga karatulang nagsasaad ng mga bawal at pwede sa loob ng kapilya. Binuksan ko ang pinto. Dumampi sa akin ang lamig, airconditioned pala ang kapilya. Napakaganda sa loob. Nakaorganisa ang lahat. Sa totoo lang, hindi siya tulad ng pangkaraniwang kapilyang napupuntahan ko. Sabay basa “God in your goodness. You have made a home for the poor”. Ito ang nakasaad na sipi sa loob ng kapilya.
Habang nagpapatuloy kaming maglibot, nakatawag pansin sa akin ang kakaibang pintuan na para bang may hiwaga sa loob, para bang pinto sa mga palabas na kapag binuksan mo ay dadalhin ka sa ibang lugar. Binasa ko ang nakasulat “Sacred Place”. Wow! Mukhang nakakapagtaka kung ano ang nasa loob nito. Pagpasok sa loob. Totoo nga! Kakaiba siya… madilim ang kwarto, may ilaw, ngunit nakatutok ang mga ito sa bawat santo na andoon. walang ingay kang maririnig at mararamdaman mo ang kakaibang kabanalan sa loob ng silid na ito. Lumuhod ako sa Replika ni St. Pio na kung saan nakahiga siya sa isang salamin na ataul.
Lumuhod ako sa harapan…
Pinagdikit ko ang aking mga palad…
Pinikit ko ang aking mga mata…
At nagdasal ng taimtim…

Sa pagpikit ng aking mga mata, ramdam ko ang yakap sa akin ng panginoon at pagtanggap sa akin ni St. Pio, dahil ito ang unang beses ko na makarating sa kapilya niya. Habang nakaluhod humiling ako at nagpasalamat. Nilubos ko na ang pagkakataon na manalangin dahil sa kataimtiman ng lugar at para bang dalawa lang kame ng Panginoon na nandoon, magkausap. Ang sarap sa pakiramdam dahil walang nakakaagaw ng atensyon ko at ramdam ko ang kabanalan ng lugar na kung saan may hiwagang pumapasok sa aking damdamin.
Paglabas, nilibot muna namin ang kapilya. Kame nila Lawrence at Danica ay sobrang nagandahan sa lugar, para sa akin kung sakaling bibigyan ako ng pagkakataon mapadpad ulit sa lugar hindi ko palalagpasin puntahan ang kapilya ni St. Pio, dadalhin ko ang aking mga kapamilya at mga kaibigan. Pagkatapos libutin, parang may kakaibang tumutunog sa aking tiyan. Gutom na ako. Dumiretso kameng tatlo sa Eastwood kung saan malapit lang sa kapilya upang kumain at maglibot na din. Isang pagkakataon na rin ito para makasama at makilala pa ng lubusan ang isa’t-isa. Nakakatuwang kasama ang dalawa sapagkat habang kumakain.. nagkaroon ng kaunting talakayan patungkol sa “Wika at Lipunan”. Paglabas ng kainan, hindi namin namalayan na gabi na pala at kailangan na naming umuwi. Sumakay na kaming muli ng taxi papuntang unibersidad at doon tuluyan na kaming nagpaalam sa isa’t-isa.
Naglakad ako patungong central. Pumara ng jeep na pafairview. Tumingin ulit sa bintana.
Kataliko. Ito ang aking kinagisnang relihiyon. Naaalala ko pa na noong bata ako ay pinipilit ako ng aking Ina na uminom ng gamot. Iyong syrup na gamot na maalat at ang baho ng amoy, tulong pa sila ni Papa para lang makainom ako sa tamang oras Noong malaki na ako hindi na nila ako kailangan pang pilitin, kusa na akong umiinom. Parang sa relihiyon, katoliko ang kinagisnan ko at ito na rin ang itinatak ko sa aking isipan. sa kaugalian at papanampalataya.
 Nasa sa tao kung gaano kalakas ang kanyang paniniwalang may Diyos. Walang kahit sinoman ang magsasabi kung ano nga ba ang tama o mali at kung ano nga ba ang masama o mabuti tanging ang Diyos lang. Ang importante  sa buhay ay may Diyos kang pinaniniwalaan, magkakaiba man ang pananaw ng bawat relihiyon ang mahalaga ay kung paano ito isinasabuhay sa reyalidad, kung paano makikisama sa mga tao, kung paano siya magiging isang mabuting mamamayan sa lipunan na kanyang ginagawalan at sa kung paano niya mahalin ang kanyang kapwa. Iba-iba man ang pinaniniwalaanm, iisa pa rin ang naman ang hangarin ng bawat tao. Ang mamuhay ng matiwasay at may magkaroon ng pagkakaisa sa puso, sa diwa at sa gawa.

Sandali lang..  bababa na pala ako. “Para ho”

Linggo, Setyembre 16, 2012

Pakikipagsapalaran ni Juana


Mahirap makipagsapalaran sa buhay, lalo na kapag napasok ka sa mundong hindi mo kinalakihan. Para sa iyong pamilya, ano nga ba ang kaya mong isakripisyo para masabing mahal mo ang mga anak mo? Ano nga ang dapat mong gawin para labanan ang tukso sa iyong puso? At Ano nga ba ang tungkulin ng isang ina sa kanyang pamilya at ng pamilya sa kanilang ilaw ng tahanan...

Hirap…pagsubok…sakripisyo.

Mga karanasan ng isang OFW o Overseas Filipino Workers. Kung minsan kapag ang isang pamilya ay mayroong OFW, karamihan sa mga tao, ang iniisip, mayaman kaagad siguro dahil mas nakakabili sila ng mga iba’t-ibang gamit at maraming tsokolate. Ngunit ang hindi nila alam, ang kapalit nito ay pawis at lungkot.

Si Aling rosa ay isang OFW sa Lebanon, tatlo ang anak, taga Laguna. Napilitan lamang siyang pumunta dito dahil na rin sa kagipitan, nagkasakit ang kaniyang bunsong anak. May sakit ito sa puso. kailangan niyang mag-ipon upang maoperahan ang kanyang anak sa lalong madaling panahon. Tanging ang mangibang bansa na lamang ang solusyon upang makapag-ipon kagad sila ng kanyang asawa. Hindi maaaring si Mang Erni ang mangibang bansa - Asawa ni Aling rosa- sa kadahilanang may problema sa kanyang mga papeles kung kaya't napilitan na lang na si aling rosa ang magtrabaho at si Mang Erni na lang ang magbantay sa kanilang tatlong anak.

Eksena sa Ninoy Aquino International Airport:
Nagmistulang teleserye sa isang palabas ang iyakan ng pamilya lalo na ang mga anak ni Aling Rosa dahil matagal tagal ding mawawala ang kanilang ina. walang imik si Mang Erni, kahit na sa saloobin niya ay masakit na malalayo sa kanya ang asawa. Mahirap para sa isang pamilya ang mangulila sa kanilang ilaw ng tahanan ngunit wala ng magagawa, ito lang ang tanging paraan para umangat ang antas ng kanilang  pamumuhay. sa ibang bansa kasi mabilis lang ang pera, kapalit nito ang lungkot, pagsisikap at sakripisyo.  Habang papalipad na ang eroplanong sinasakyan ni Aling Rosa, dito niya lang binuhos ang mga luhang kanina pa gustong pumatak, kanyang pinigilan upang hindi makita ng kanyang mga anak.

Ang trabaho ni Aling Rosa sa Lebanon ay taga bantay ng anak ng mag-asawang arabo. Ang mag-asawang ito ay madalas na nasa opisina kung kaya't hindi nila maasikaso ang kanilang anak dahilan upang kumuha sila ng katulong para alagaan ang kaisa isa nilang anak.

Isang araw may sakit si Abi (ang anak ng arabo) sanay na si Aling Rosa gumamot ng mga ganitong bata dahil sa pag-aalaga niya sa kanyang anak. Kasabay nito ang pagbalita ng kanyang asawa na may sakit ang kanilang panganay na anak. Pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. naisip kasi niya na hindi man lang niya maalagaan ang mga anak niyang may sakit, samantalang ang ibang tao ay kanyang kinakalinga at inaalagaan. binalita din ni Mang Erni na ang pangalawang anak nila ay magtatapos sa hayskul na isang honor student. Gusto ng kanyang anak na umuwi siya at magpaalam kahit sandali lang upang magsabit ng medalya, ngunit gustuhin man ni aling rosa ang pumunta kaso hindi pa tapos ang kanyang kontrata at sa tingin niya'y hindi rin siya papayagan ng kanyang amo. ang lumuha na lamang ang kanyang nagawa.

Lumilipas ang panahon maraming mga oportunidad na nawawala kay kanya, katulad na lamang ng mamatay ang kanyang ina. nag iisang anak lang siya nito kung kaya't siya ang hinahanap bago ito mamatay, ngunit anong magagawa niya ? ayaw siyang payagan ng amo na umuwi ng pinas. napakasakit nito para sa kanya na wala sa libing at huling lamay ng kanyang ina. Gustuhin man ni Aling Rosa na maging matatag, tinatamaan pa rin siya ng lungkot, lumipas na ang maraming pasko at maraming okasyon, tanging sa chat at sa text na lamang niya naihahatid ang mensahe."konting tiis na lang" mga katagang pinanghahawakan niya upang patatagin ang loob.

Lumipas ang tatlong taon nang umuwi sa pilipinas si Aing Rosa.

Habang nasa eroplano siya, bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik na makauwi sa piling ng pamilya, kayakap ang maletang puno ng pasalubong para sa kanyang mga anak. Laruan,tsokolate, mga damit at kung ano ano pang pasalubong, yakap yakap ito ni Aling Rosa. Nang magkita sila ng asawa niya sa airport, bumuhos ang luha ng mag-asawa... sumakay sila ng taxi papunta ng kanilang bahay, wala pa ring imik ang kanyang asawa na si Mang Erni na halatang may tinatagong problema na hindi masabi sa asawa.

Sa tahanan ni Aling rosa :

Sumambulat sa kanya ang balitang pumanaw na ang kanilang bunsong anak, dahilan upang manlumo si Aling Rosa, kasabay ang pagsisising bakit umalis siya sa tabi ng anak. masakit para sa isang ina ang mawalan ng anak, labis ang depresyon ang dinulot nito sa kanya, lumipas ang ilang buwan umnamin siya sa asawa kung bakit siya nakauwi sa pilipinas... ayaw ng amo niya na umuwi siya sa Pilipinas kapalit nito ang pakikipagtalik sa asawa ng arabo. Sa kagustuhan ni aling rosa na makauwi ng pinas sa lalong madaling panahon, pumayag siya at binigyan ng malaking pera ng lalaking arabo upang hindi magsumbong sa asawa nito. Mali ang ginawa niya ngunit wala na siyang ibang magagawa noong panahon mga panahon na iyon.

Dito napagtanto ng bawat isa na hindi naman pala kailangang pumunta ng ibang bansa para kumita ng malaki at makipagsapalran, dahil sa pilipinas kaya din itong gawin kung mayroong pagtutulungan at pagsisikap. Nalaman din nilang kailangan labanan ang tukso na umiiral sa kanilang puso at kailangan ding maging matatag ang bawat isa sa pagharap sa anumang pagsubok.

Miyerkules, Setyembre 12, 2012

Ang tunay na karangalan


"Do not educate your child to be rich. Educate him to be happy. So when he grows up, he’ll know the value of things not the price."

kung minsan hindi natin alam kung ano nga ba ang tunay na kahalagahan natin bilang isang tao. Kung minsan din masyado tayong mapagkumpara sa mga taong mas nakakaangat dito sa lipunang kinagagawalawan natin. Ano nga ba ang mas mahalaga sa buhay? ano nga ang rason kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ibabaw.

Matalino. Mabait. Masipag
Ito ay iilan lamang sa katangiang hindi mo maitatangging totoo kapag nakilala mo si Ana. Sikat siya sa eskwelahan nila sa angking talino at kagalingan sa lahat ng aspeto. Iba ang kanyang kasipagan pagdating sa pag-aaral. Mabait si Ana, pero ang nakapagtataka wala siyang mga kaibigan sa paaralan.

Grade 1 pa lang si Ana siya na ang top 1 sa paaralan, hanggang grade 5 at pagdating ng grade 6 siya ang tinaguriang Valedictorian sa kanilang paaralan, kaya gano’n na lamang kahanga ang lahat ng kanyang mga kaklase sa kanya, pati na rin ang kapit-bahay nila. Halos pinuno na ni ana ang kanilang bahay ng tropeo, medalya at iba’t-ibang sertipiko. Kasabay nito ang mga ngiti ng mga magulang ni ana tuwing nakakakuha siya ng mga parangal.

Para sa mga ordinaryong mag-aaral, mga nagbubulakbol, mga loko-loko sa paaralan at mga batang pa-ulit ulit sa pag-aaral, sadyang nakakainggit ang mga batang matatalino katulad ni ana dahil sa kasikatan at karangalan na natatamo nito. Masaya nga ang maging katulad ni ana kung ating iisipin, sa kabila nito masaya nga ba si ana sa ginagawa niya ?

Tropeo. Medalya. Sertipiko
Mga bagay na gustong makamit ng bawat mag-aaral, dahil dito sumisikat ka, hindi lang yon, dahil nagiging proud sayo ang mga magulang mo. Para kay ana, ito rin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya at sa mga magulang niya ngunit kasabay nito, bago niya makuha ang mga bagay na ito marami siyang pinagdadaanan. Mag-aaral ng mabuti, hindi nakakapaglakwatsa, bawal makipagbarkada, kailangan lang magpokus sa pag-aaral at kailangan sumali sa iba’t –ibang paligsahan kahit na kung minsan hindi talaga siya magaling sa aspetong iyon, dahil na rin siguro sa siya ang inaasahan na sasali dito.

Hindi madaling maging honor student para kay ana dahil kung minsan naiisip niyang hindi niya natatamasa ang saya ng buhay, ang realidad sa kabila nito. hindi niya na minsan alam ang kahalagahan ng buhay niya sa mundong kanyan ginagalawan, para kay ana umiikot na lang ang kanyang mundo sa tropeo, medalya at sertipiko, hindi niya na nagagawa ang mga bagay ng ginagawa ng pangkaraniwang bata.

Tumuntong sa Hayskul si ana, kasabay nito ang lalo pa niyang pag-aaral ng mabuti dahil alam niyang mas mahirap na sa hayskul. Sa First year, siya na naman ang First honor, hanggang second year at third year, pagdating ng fourth year siya na naman ang tinanghal bilang Valedictorian, lumipas na naman ang 4 na taon na kaharap ni ana ang mga libro. Apat na taon na ang kasiyahan niya ay puro sa medalya lang at ang napupuntahan niya ay ang eskwelahan at bahay lang.

Sa pagsakay ng jeep ni ana, may nakasakay siyang magbabarkada. Sobra ang tawanan, ang kulitan at labis ang laitan pero makikitang nag-eenjoy sila sa buhay na kinagagalawan nila bilang kabataan na halatang komportable sila sa mundo. Walang problema at walang iniisip.. Naisip ni ana na ang mga magababarkadang iyon ay masaya kahit na walang natatamong karangalan, sumasabay lang sa agos ng buhay at nakakaraos sa pag-aaral kahit na hindi magsunog ng kilay. Pag dungaw niya sa bintana, nakita ni ana ang mga batang masayang naglalaro ng patintero, pumasok sa kanyang isipan ang tanong na, sa tinagal tagal niya sa mundo, nakapaglaro ba siya ng patintero ? o kaya naman kahit anong larong pangkalye man lang. Nakakalungkot isipin na hindi nga ito naranasan ni ana.

Noong nasa elementarya siya at hayskul, walang kaibigan si ana dahil natakot na siyang makipag kaibigan. Noong nasa grade 4 kasi siya, may naging kaibigan si ana, ngunit ginamit lang ang katalinuhan niya nito. Lagi niyang pinapakopya kahit sobra na at napagtanto niya na ginamit lang siya dahil iniwan din siya nito dahil may iba ng mga kaibigan. Sadyang tanga si ana pagdating sa pagkakaroon ng kaibigan.

Sa patuloy na pag andar ng jeep, biglang nagpatugtog si manong driver ng isang love song, kasabay nito ang pagsakay ng magkasintahan. Alam ni ana na sa pagdating sa pag-ibig dito lalo wala siyang karanasan. Minahal lang ni ana ang mga libro niya at nahumaling lang siya sa kanyang mga asignatura.
Sa patuloy na pag andar, patuloy din ang mga bagay sa paligid niya ng pagpapakita na  ang kalahati ng buhay niya ay nasayang, hindi sa sinasaabing hindi na lang dapat siya sana nag-aral ng mabuti, naisip lang niyang masyado lang natuon ang oras at panahon sa pag-aaral, yung mga bagay na dapat niyang matutunan sa labas ng apat na sulok ng kanilang klasrum ay hindi niya natutunan. Napagtanto ni ana na sa katagalan ng pananatili niya sa mundo, sinayang niya ang oportunidad na maging masaya kahit saglit lang.

Masaya ang buhay. masaya ring makatamo ng karangalan, pero mas masaya kung pagsasabayin at ibalanse ang buhay sa paggalaw natin dito sa mundong ibabaw. sa kasiyahang ito, hindi natin namamalayan na ang buhay  ay maikli lamang. ang pag-aaral ng mabuti ay isa sa mga sagot para sa pagtamo ng ating pangarap, kasabay nito ang karanasan sa ating buhay na magpapatibay sa ating pundasyon, dito makakaranas tayo ng kung anu-anong pagsubok dahilan upang patuloy tayong bumangon at harapin ang buhay. dito nagkakaroon tayo ng mga ideya kung papaano laruin ang buhay, upang maging masaya. Sa sitwasyon ni ana, hindi niya ito na enjoy, ngunit para sa kanya hindi pa huli ang lahat, mahaba pa ang lalakbayin niya para harapin ang kalahati ng buhay ang magkaroon ng buhay pag-ibig, magkaroon ng mga kaibigan, maranasan ang kamalian, at makita ang tunay na ibig sabihin ng buhay.

Bumaba si ana ng may ngiti sa kanyang labi, kasabay nito ang biglaang pagpikit ng mga mata, at pagmanhid ng buong katawan. Ngayong napagtanto ni ana ang lahat ng mga bagay, kasabay nito ang pagbawi sa buhay niya na minsan hindi man lang niya naitama ang kamaliang kanyang iginuhit sa kanyang kapalaran. Papunta na sana si ana sa paaralan ng biglang siyang banggain ng isang bus. na comatose si ana, ngunit ilang araw lang bago ang graduation ay binawian na siya ng buhay.

Araw ng Graduation:

Pumunta ang lahat ng pamilya ni ana. nang tawagin ang kanyang pangalan, ina ni ana ang pumunta sa entablado para sa kanyang speech. "Nakita ko ang mga sulat at tula na ginawa ng aking anak, mahal na mahal namin siya, ngunit ngayon lang namin napagtanto na hirap na hirap na siya na puro aklat na lang ang kanyang kaharap. mahirap din ang maging achiever para kay ana. marami man siyang karangalan ngunit masakit para samin na hindi siya naging masaya sa mundong ibabaw. masakit para saming mga magulang niya ang malaman ang mga bagay na ito. ngunit nagpapasalamat ako sa aking anak sa lahat ng naiambag niyang karangalan sa pamilya. mahal na mahal namin siya. " sabay ng paghagulgol ng buong kamag-aral ni ana at pagsaludo sa kanyang kadakilaan at katalinuhan.

Sadyang nararapat na tularan si ana sa angking talino niya, kasabay nito na huwag sana nating kalimutan na sa labas ng paaralan ay mayroon din tayong matututunan, mahalagang sumabay lang tayo sa agos ng buhay at  ibalanse ito. maikli lang ang buhay.

Miyerkules, Hunyo 27, 2012

The Credenda



From “The Gift of Acabar” by Og Mandino

Turn away from the crowd and its fruitless pursuit of fame and gold. Never look back as you close your door to the sorry tumult of greed and ambition. Wipe away your tears of failure and misfortune. Lay aside your heavy load and rest until your heart is still. Be at peace. Already it is later than you think, for your earthly life, at best, is only the blink of an eye between two eternities.

Be unafraid. Nothing here can harm you except yourself. Do that which you dread and cherish those victories with pride. Concentrate your energy. To be everywhere is to be nowhere. Be jealous of your time, since it is your greatest treasure.

Reconsider your goals. Before you set your heart too much on anything, examine how happy they are who already possess what you desire. Love your family and count your blessings. Reflect on how eagerly they would be sought if you did not have them.

Put aside your impossible dreams and complete the task at hand no matter how distasteful. All great achievements come from working and waiting. Be patient. God’s delays are never God’s denials. Hold on. Hold fast. Know that your paymaster is always near. What you sow, good or evil that you will reap. What you are is through your choice alone. Learn to live with honest poverty, if you must, and turn to more important matters than transporting gold to your grave.

Never meet trouble halfway. Anxiety is the rust of life; when you add tomorrow’s burdens to today’s their weight becomes unbreakable. Avoid the mourner’s bench and give thanks, instead, for your defeats. You would not receive them if you did not need them. Always learn from others. He who teaches himself has a fool for a master. Be careful. Do not overload your conscience.

Conduct your life as if it were spent in an arena filled with tattlers. Avoid boasting. If you see anything in you that puffs you with pride, look close and you will find more than enough to make you humble.

Be wise. Realize that all men are not created equal, for there is no equality in nature, yet no man was ever born whose work was not born with him. Work every day as if it were your first, yet tenderly treat the lives you touch as if they will all end at midnight. Love everyone, even those who deny you, for hate is a luxury you cannot afford. Seek out those in need. Learn that he who delivers with one hand will always gather with two. Be of good cheer.

Above all, remember that very little is needed to make a happy life. Look up. Reach out. Cling simply to God and journey quietly on your pathway to forever with charity and a smile. When you depart, it will be said by all that your legacy was a better world than the one you found.

Linggo, Hunyo 03, 2012

Mahalin mo ang isang tao hindi dahil sa mayaman o may itsura siya, mahalin mo siya dahil naramdaman mo rin yung pagmamahal na ipinadama niya sayo. mas masarap magmahal ng likas kaysa sa pilit. -- alvin :)

Huwebes, Mayo 24, 2012

Iba ang IMPORTANTE sa PRIORITY -- minsan pag nagmamahal tayo ng isang tao, akala natin purkit pinapahalagahan nila tayo,  mahal na nila tayo, ang hindi natin alam importante lang tayo sa kanila. dahil kung minsan may mas priority sila, yun yung taong mas mahalaga kesa sa atin. yun yung taong uunahin nila o mas kailangan nilang unahin, kaysa sa atin na importante lang pero hindi nila priority. pero kung minsan hindi naman porket hindi tayo priority, e, hindi na nila tayo kayang unahin. kung minsan ang dahilan nila, e, mas kaya lang natin tumayo sa sarili natin o kaya naman ay mas matibay tayo kaysa sa mga taong inuuna nila na kailangan, nasa tabi sila. -- alvin :)

Linggo, Mayo 20, 2012

Barkada kong tunay.

Time Check : 1:40 a.m
May 21, 2012. Monday :)

Wala akong magawa.
Gusto kong gumawa ng blog.
Kahit pagod na ako.
Masaya ako.

Para samin magbabarkada, hindi ordinaryong araw to. Kanina idinaos ang 2012 Flores de mayo (Santa Cruzan). Taon taon itong pinagdiriwang, kaya masaya ako dahil taon taon din kasali yung mga kaibigan ko. Hindi ito isang ordinaryong araw para saming magbabarkada, tatlo sa kanila kasali tapos yung iba suporta.

Napakasayang araw ito para samin, dahil kahit papaano nabuo ang barkada namin kahit hindi kumpleto. Sa katunayan, hindi ko rin alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko pagnagkakasama sama kami, pero isang pakiramdam lang ang nadarama ko ... ang pagkasaya. Bakit nga ba ganito na lang ang pagkasabik namin na makumpleto ang barkada ? ganun ba kami kalayo sa isa't isa? bakit ganito ang reaksyon ko ? bakit ba ganito na lang ang labis na reaksyon ko ?... sa totoo lang, sinabe ko na. hindi ko rin talaga maipaliwanag.

Balik tanaw mula sa pagkabata namin:

Simula bata pa lang, hindi namin alam kung paano kami pinag tagpo-tagpo. kahit alam naming magkakaiba kami ng paniniwala, ng adhikain, ng suwestiyon, ng ugali at ng kung anu-ano pang ugali sa mundo, magkakaiba-iba kami !. Marami kaming mga hindi pagkakatulad-tulad. Sa totoo lang sa street namin sa Sto.Domingo, Holy Spirit, kami ang bumubulabog sa kalsada, kami ang panggulo ng kalye, kami ang kasiyahan ng mga matatandang nanunuod samin, kami rin ang kabwisitan ng mga magulang namin, (lalo na pag may sumusugod na magulang ng kaaway namin), kami rin ang nagpapasiya at nagbibigay inspirasyon sa mga batang susunod na henerasyon. basta kami rin ang pinakagago sa amin.

Sa lugar namin, parati kaming kinaiingitan ng lahat ng bata, dahil halos walang nagtatangkang sumali samin kapag may laro kami. dahil siguro sa pakiramdam nila hindi sila kasali, dahil siguro alam nilang iba ang ugali namin, iba kami sa kanila. Pag dating sa mga laro. Halos lahat ata ng laro, na laro ng pinoy, e, nalaro na namin. Bambsak, agawanbeys, tumbang preso, patintero, pinispalo, jolen, goma, tansan, chinese garter at tentwenty , teks, piring-piringan, tomsoyer, agawan panyo, dr.kwak-kwak, pepsi7up tapos hindi ko matandaan yung isa eh yung tatalikod ka, katalikod mu yung kalaban mo, tapos kailangan ilalarawan lahat ng pang-asar sa kalaban mo ng kakampi mo, hanggang sa mahulaan mo :)  at marami pang iba... (hindi ko na maalala yung iba, basta yan lang halos tumatak sa isip ko, paano yung iba kasi gawa-gawa lang naming laro, pero sobrang saya !! eh) basta !

1.) Bambsak : ito yung larong parang tagu-taguan. may isang taya, magbibilang siya. tapos lahat kayo kailangan nakatago na, tapos kung sinu makita ng taya sasabihin niyang "BOOOOM " tapos yung mga nakatago pa, pwede nilang isak yung taya. pag naSAK (hahawakan nung mga nagtago at sasabihing "SAK" yung taya, kung ilan yung naka SAK yun yung bilang ng ligtas sa mga na boom ng taya. tapos yung mga natirang hindi nailigtas, magkakamatisan sila. yung KAMATISAN: ipipikit ng taya yung mata niya, tapos magiiskrambol lahat ng nasa likod (nakapila sila ah) tapos sasabihin ng taya, STOP ! tapos iistap lahat sabay magsasabi ng number, kung ilan yung natirang hindi ligtas. tapos kung anung number sasabihin ng taya, bibilangin sa pila, kung sinu yung nasa numerong iyon. siya ang taya :). Hahaha, sobrang saya nu ? lalo pag kami ang naglaro, sigurado yan. gagawa ng effort. kung saan-saan magtatago, yung tipong buwis buhay !! whaha ..

2.) Agawanbeys : eto pamilyar naman siguro ang lahat diba?. para sa mga hindi. Ito yung larong may dalawang base. kampihan kayo, tapos sa base niyo kailangan andun yung kamay niyo para mantaya ng kalaban kailangan fresh yung pagbebase niyo kesa sa kalaban. Halimbawa, nagpahabol ako, hindi ako fresh from base. tatayain ako ng mga fresh from base, hanggang sa sunod-sunod na yung habulan na yun... o kaya paunahan maka base... yung kalaban niyo kailangan mahahawakan yung teritoryo niyo. paunahan, siyempre pag nangyari yun, sisihin ang tagabantay :D whaha ... Dito, dito sa larong to ! marami samin ang lumalabas ang pagka pikunin, ahaha yung tipong sasabihin ng isa madaya, tapos hanggang sa mag-aaway away na kami, at ayawan na :D whaha .. dito rin nadidiskober yung mga may talent sa pagtakbo :P

3.) Tumbang preso : dito naman, minsan lang namin laruin to kasi, nagkakatamaran, lalo na pag burot ang taya :D siguro naman pamilyar tayo lahat dito, yung may lata tapos hahampasin ng mga kalaro mu. isa lang ang taya dito, tapos pag natumba yung lata, pupulutin ng mga kalaro mu yung tsinelas nila. dito na yung pagkakataon mu para itayo ang lata, tapos tayain yung mga wala pa sa base :D haha ..

4.) Patintero : pamilyar naman tayo dito diba ? yoko na ilarawan o sabihin yung proseso ng game kasi mahaba to eh. peru nung naalala ko 'tong larong 'to naalala ko na naman yung mga panahong dito lagi kami nagkakapikunan. sasabihing nataya. sasabihin nung iba hindi. hanggang sa kampihan na yan. diskusyon. o kaya may magpaparayang grupo para lang hindi matigil ang laro, o kaya magmamataasan, hanggang sa sira nanaman ang laro. nauuwi lang sa AYAWAN NA ! hehe :)

5.) Pinispalo : pamilyar din kayo dito, :) ito yung may starting point, tapos may finish line :) peru tsinelas ang gamit tapos papaluin mu hanggang sa mafinish line  ... sa larong ito, paliitan kami ng pamatong tsinelas para mabilis fuminish, peru dito kahit indibidwal ang laro. nagkakampihan pa din ... pag nasa line kasi yung pamato ng isa pwedeng tumulong sa iba ang isang manlalaro. hanggang sa maburot ang gusto niyong maburot :) whaha .. tapos ang talo, ang parusa palo sa paa. grabe ang sasakit pa naman ng palo kaya hindi mo nanaising hindi mag praktis sa bahay niyo.

6.) Jolen, Goma at Tansan : sa jolen, dito alam naman natin mga ibat-ibang laro, gaya ng adding, tapos yung sasapulin mu yung holen sa box tapos paglumabas sayo na ! .. sa tindahan pamahal ng pamahal ang jolen. sa goma ganun din, kung minsan pa nga padamihan sa kamay, na ginawa ng bracelet :) at ang huli sa tansan, potik dito halos kung san san na kami dati nakakarating na lugar, para kaming mga batang gala at batang namumulot ng tansan, para lang paramihin, tapos ang saya namin pag nakakita ng takip ng softdrinks na pang 1.5 dahil malaki yung halaga nun :)

7.) Chinese garter & tentwenty : larong pambabae sabi niyo diba? peru sa mga kabarkada ko, wapakels. Go kung go, mapababae, mapalalaki. naglalaro, pupunta pa kami sa pinakamalayong lugar para lang makabili ng magandang klase ng garter :)

8.) Teks : haha sino ba naman makakalimot dito, nilalaro namin to kaso boring. kaya mabilis malaos. kung dati teks, ngayong henerasyon merun na silang "pogs" parang ganun din yung teks, kaso yung teks rectangle yung pogs bilog:) whaha yun lang pinagkaiba nila.

9.) Piring-piringan : alam naman ito ng lahat eh, peru sa amin may pinauso kami. may tatlong kapangyarihan ang taya, kulay RED,YELLOW at BLUE. pag Red natural lang ang kilos namin. pag Yellow, mabagal yung galaw namin, lakad lang. hindi pedeng tumakbo. pag BLUE hihinto ka lang. bawal kang gumalaw kahit papunta na sayo ang taya. ikaw ang taya pag brineak mu ang rule :) hehe o ' diba ? masaya ?

10.) Tomsawyer : alam naman to halos lahat ng bata, lalo na yung fan ni tom sawyer :) minsan lang namin malaro to, halos karamihan samin babae, kaya ayaw kasi sasampa pa sa likod diba? tsaka sakitan .. kaya ayaw namin, pag napagtripan lang ! hehe ..

11.)  Agawan panyo : masaya rin tong larong to. pauso lang namin. haha :D yung may magkalaban na grupo, tapos may isang referee na may hawak ng panyo. tapos parehas ang bilang ng kalaban niyo sa isang grupo. may bilang kayo. halimbawa lima, 1,2,3,4,5 .. tapat tapat kayo ,, pag sinabe ng referee ang number niyo lalapit kayo sa panyo parehas kayo ng katapat mong number ng kalaban niyo, tapos magpapakiramdaman kayo at gagawa ng diskarte kung paano kukunin ang panyo, nang hindi kayo matataya ng kalaban mu ... masaya tong larong to, hehehe :)

12. ) Dr.kwak-kwak : eto minsan yung ginagawang finale namin pag naglalaro, kasi lahat tinatamad na sa mga magagaslaw ng laro. eto kasi magbubuhol buhol lang kayo hanggang sa mabuo ni dr. kwak-kwak, minsan lang namin to nilalaro, pag napagtripan ulit :D wahahaha , boring eh, pambata masyado ..

13.) Pepsi7up : kung minsan konti na lang kami naglalaro nito, yung may mga energy pa, kasi nakakatamad din to kasi, may taya tapos huhulaan yung mga nasa utak niyo, depende sa theme :) hehe tapos kung sino may mahulaan tatakbo lahat hanggang sa may mataya :D whaha ..

tapos yung pang 14 nakalagay na dun. at marami pang iba ... as in, sobrang dami !
O diba, iilan pa lang yan pero sobrang saya ko pag-naaalala ko pa rin hanggan ngayon ? siguro nangulila ka rin sa pagkabata mo?, na parang gusto mu na rin balikan. ako kahit paulit ulit ko tong basahin. matatawa't matatawa ako dahil sabay ng pagbasa ko, nabubuo sa aking isipan ang mga askyon ng bawat barkada ko, bawat halakhakan, takbuhan, sugatan, pikunan, hanapan, sipaan, awayan. pero ang pinakamaganda dun, nagkakabati bati rin, kunabukasan.... Sadyang kay sarap balikan ng pagkabata, lalo na't may tropa kang katulad ng barkada ko. Kaya laking pasasalamat ko ring naging parte ako ng makulit kong tropa, kahit na sobrang daming pagsubok. kahit na sobrang kulit. ok lang.

Naalala ko rin ang trip namin dati, pag may dadaan halos pagtritripan namin. hanggang sa maka-away na namin sila. tapos bawat street sa holy spirit may kaaway kami. kumbaga parang siga kami, pero ang nakakahanga sa amin. walang iwanan sa ere, walang taguan, walang takutan,walang papatibag. laban ng isa, damay ang lahat pati ang nanay. umulan umaraw, susugod kami ! ... at eto pa, sino rin bang makakalimot sa telepono sa tabi ng tambayan namin. (uso pa telepono, nde pa masyado uso cellphone) halos hula ng number, tapos ipophone pal na namin ... isa pa sa pinakamalalang trip namin, ay maligo sa ulan. tapos biglang hinto ng ulan. kaya nagbasa na lang kami at nagtankang punuin ng tubig ang trak, na balak naming gawing pool ! (mga halatang wala pang isip, sino bang tangang nakapuno ng tubig sa likod ng truck ? hindi man lang namin naisip na may butas yun, pano namin mapupuno yun) hanggang sa maubos ang tubig sa drum nila ate nene :).... isama mo pa ang pagbalak ng pagtayo ng sarili naming bodega o binabalak naming bahay naming lahat, yung tipong titira kami  sa iisang bubong. hindi pa man natutupad, pero sisiguraduhin naming matutupad namin ang pangarap na iyon.

Ngayon, para sa akin, wala na akong makita pang mga batang naglalaro sa lansangan na natumbasan ang samahan na katulad ng sa amin. wala pa akong nakikitang kabataan na nagpapangiti at nagpapabalik ng alala ng mga taong lumipas na ang pagkabata. Blue Angel's Dragon (BAD) / Black Angel's Barkada (BAB) TEAM for ever :)) pangit man o korni mang pakinggan. isipin mo na lang bata lang ang nag-isip niyan :)
Hindi man perpekto ang barkada namin, ang importante naging parte kami nito, isang rekadong hindi pwedeng paghiwa hiwalayin. isang pamilyang binuo ng mga batang makukulit na hindi naging hadlang ang edad para bumuo ng isang importanteng pahina sa buhay ng bawat isa ... ang pagkabata. Salamat :*


---
Ngayong, mga nasa edad na kami ng pagkatanda, hindi pa rin lumilipas ang mga alaalang nag pamarka sa aming puso para bigyan ng halaga ang bawat pagkakataon sa buhay ng tao. ngayon, minsan na lang kami magkitakita, yung ibang barkada, may iba ng barkada, ung iba nasa ibang lugar na. hiwa hiwalay man kami, peru naniniwala pa rin akong magkakadikit ang puso namin. naniniwala pa rin ako o kami, na makukumpleto pa rin ang barkada namin. hindi man ngayon? bukas? pero ang tanging alam ko lang ay, may tamang panahon para paghandaan iyon.


I love you guys ,,,

toot*toot*too* ngayon ay ganap ng 3:45 a.m, Ika- 21 ng Mayo. Lunes.

Huwebes, Nobyembre 18, 2010

45 LESSON OF LIFE :P



-- Regina Brett

1. Life isn’t fair, but it’s still good.
2. When in doubt, just take the next small step.
3. Life is too short to waste time hating anyone…
4. Your job won’t take care of you when you are sick. Your friends and parents will. Stay in touch.
5. Pay off your credit cards every month.
6. You don’t have to win every argument. Agree to disagree.
7. Cry with someone. It’s more healing than crying alone.
8. It’s OK to get angry with God. He can take it.
9. Save for retirement starting with your first pay cheque.
10. When it comes to chocolate, resistance is futile.
11. Make peace with your past so it won’t screw up the present.
12. It’s OK to let your children see you cry.
13. Don’t compare your life to others. You have no idea what their journey is all about.
14. If a relationship has to be a secret, you shouldn’t be in it.
15. Everything can change in the blink of an eye. But don’t worry; God never blinks.
16. Take a deep breath. It calms the mind.
17. Get rid of anything that isn’t useful, beautiful or joyful.
18. Whatever doesn’t kill you really does make you stronger.
19. It’s never too late to have a happy childhood. But the second one is up to you and no one else.
20. When it comes to going after what you love in life, don’t take no for an answer.
21. Burn the candles, use the nice sheets, wear the fancy lingerie. Don’t save it for a special occasion, Today is special.
22. Over prepare, then go with the flow.
23. Be eccentric now. Don’t wait for old age to wear purple.
24. The most important sex organ is the brain.
25. No one is in charge of your happiness but you.
26. Frame every so-called disaster with these words ‘In five years, will this matter?’
27. Always choose life.
28. Forgive everyone everything.
29. What other people think of you is none of your business.
30. Time heals almost everything. Give time.
31. However good or bad a situation is, it will change.
32. Don’t take yourself so seriously. No one else does.
33. Believe in miracles.
34. God loves you because of who God is, not because of anything you did or didn’t do.
35. Don’t audit life. Show up and make the most of it now.
36. Growing old beats the alternative — dying young.
37. Your children get only one childhood.
38. All that truly matters in the end is that you loved.
39. Get outside every day. Miracles are waiting everywhere.
40. If we all threw our problems in a pile and saw everyone else’s, we’d grab ours back.
41. Envy is a waste of time. You already have all you need.
42. The best is yet to come.
43. No matter how you feel, get up, dress up and show up.
44. Yield.
45. Life isn’t tied with a bow, but it’s still a gift.”


“To celebrate growing older, I once wrote the 45 lessons life taught me. It is the most-requested column I’ve ever written. My odometer rolled over to 90 in August, so here is the column once more…