Apokalips
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na talktopapavin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na talktopapavin. Ipakita ang lahat ng mga post
Linggo, Hunyo 03, 2012
Huwebes, Mayo 31, 2012
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Aminin mo muna kasi yung nararamdaman mo sa taong mahal mo.yan dapat ang una sa plano mo e. kasi naman may plano kana para sa inyo ! e, siya wala namang alam sa plano mu para sa kanya?! .. paano kapag ayaw niya pala talaga sayo at may mas priority siya kesa sayo? edi magiging walang saysay lang yung effort mo diba ? at sa huli ikaw ang nagmukang tanga. ikaw pa yung masasaktan ! -- Alvin :)
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Hindi porket pinapaasa ka lang ng taong mahal mo, e, hindi ka na niya mahal. Marahil may mga dahilan lang yung taong yun, kung bakit ka niya pinapaasa. Halimbawa may mga taong hindi pa handa makipagrelasyon kaya kailangan mo muna maghintay, o kaya naman ayaw niya ireject ka dahil mahal ka rin niya, at the same time mahal ka niya kaso ayaw niyang masira ang pagkakaibigan niyo :( [awch]. pero ang magandang solusyon jan. gumawa ng desisyon para walang nagpapaasa, at walang umaasa. -- Alvin :)
Miyerkules, Mayo 30, 2012
Posted by
Alvin De Guzman Santos
ang isa sa kinatatakutan ng taong hindi makaamin sa gusto niya o minamahal niya ay ang REJECTION -- hindi lahat ng tao may tapang na harapin ang magiging reaksyon o desisyon ng taong gusto nila. Bakit hindi natin kayang subukan na aminin, malay mo yung taong gusto mo eh gusto ka din. hinihintay ka lang niya na ikaw ang unang umamin. malay mo kaya ka palang tanggapin ng taong yun. Sa kabila nito, mas pinapangunahan kasi tayo ng takot na baka, nagpaparamdam ka pa lang, e, pipigilan ka na niya kagad. At kung minsan naman ay may mga tao rin silang hinihintay, kaso hindi ikaw yun, at ang pinakahuli natatakot ka sa kahihinatnan na baka lumayo siya at maiba ang turing niya sayo :( -- Alvin :)
Huwebes, Mayo 24, 2012
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Iba ang IMPORTANTE sa PRIORITY -- minsan pag nagmamahal tayo ng isang tao, akala natin purkit pinapahalagahan nila tayo, mahal na nila tayo, ang hindi natin alam importante lang tayo sa kanila. dahil kung minsan may mas priority sila, yun yung taong mas mahalaga kesa sa atin. yun yung taong uunahin nila o mas kailangan nilang unahin, kaysa sa atin na importante lang pero hindi nila priority. pero kung minsan hindi naman porket hindi tayo priority, e, hindi na nila tayo kayang unahin. kung minsan ang dahilan nila, e, mas kaya lang natin tumayo sa sarili natin o kaya naman ay mas matibay tayo kaysa sa mga taong inuuna nila na kailangan, nasa tabi sila. -- alvin :)
Linggo, Mayo 20, 2012
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Para sa aking pansariling pananaw, dapat mas pinipili yung mga taong torpe. kasi yung mga taong torpe, yun pa yung hindi ka sasaktan at hindi ka kayang iwan. sila pa yung kaya kang pahalagahan kasi alam nila na ikaw lang yung taong nakuha niya, taong pinagpaguran niyang kunin kahit torpe siya. Dahil kung minsan, may mga mga taong, magaling mang-aliw ng taong gusto nila. yung mga taong magaling sa bokahan, na siguradong kaya kang kunin. Ito yung mga taong kaya kang saktan,manloloko at marami ng naloko, dahil alam nilang kaya ka nilang pakawalan at palitan, kahit iwan mo sila. -- alvin :)
Biyernes, Mayo 18, 2012
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Sadya ngang maraming taong mabilis mainlove sa ibang tao, pati na rin sa ibang mga bagay. Kung minsan hindi na natin nabibigyan ng pansin yung mga taong dapat na mas binibigyan natin ng prayoridad, at yung mga bagay na dapat, e, mas pinapahalagahan natin. Nakakalimutan na natin yung mga yun kasi may mga bagong dumarating sa buhay natin. Pero ang lingid sa kaalaman ng tao, kung minsan yung mga bagong taong nakakasalamuha natin yun pa yung walang pakiaalam sayo sa bandang huli at mapagtatanto mong hindi ka mahalaga sa kanya. at kung sino pa yung mga taong pinalitan natin, yun pa yung mga taong nanatili sa tabi mo. -- alvin :)
Huwebes, Mayo 17, 2012
Posted by
Alvin De Guzman Santos
Dapat kasi paghumingi ng sorry ang isang tao sayo 1 beses lang. give her/him another chance ... pero sa pangalawang pagkakataon na gawin niya ulit yun. huwag mo na siya pansinin at huwag mo na patawarin pa ulit, kasi nagbigay ka lang ng motibo para lokohin ka niya ulit at saktan ka. once na ang tao nasanay na manloko hindi na niya kayang baguhin sarili niya ... depende na lang yan kapag may tao na rin na manloko sa kanya at magpamukha sa kanya kung gano kasakit ang ginagawa niya. -- alvin :)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)