Itinuturing na pangalawang magulang ang mga guro, sila ang kasama natin sa araw-araw , sila rin ang gumagabay at nagpapangaral sa mga bagay na nais nating gawin.
Sa Mataas na Paaralang North Fairview may mga iilang guro na hindi napapagod sa pagtuturo kung hindi sa kanilang pag-upo.
Hindi mawari kung bakit nakakayanan ng mga guro na walang ginawa kung hindi umupo at magpasagot sa libro pagkatapos ay uubusin ang oras sa hindi makabuluhang bagay. Mali ang sistema na ginagawa nila.
Nakakaasar pa dahil kung minsan, magsesermon sapagkat walang natututunan ang mga mag-aaral samantalang sila rin ang may kasalanan dahil wala naman silang ginagawa o istratehiya man lang sa pagtuturo.
Sadyang nakakairita ang mga ganitong sistema ng guro, imbis na makinig ng maayos ang mga mag-aaral ay nawawalan na ng gana sapagkat kapwa mag-aaral niya rin ang nagpapaliwanag.
Dagdag pa, ang mga guro na napakahina ng boses na talo pa ang dalagang Pilipina. Alam naman nila siguro na halos mahigit 60 estudyante sa isang klasrum ang tinuturuan nila.
Malaki at sapat naman ang sahod o kinikita nila, ngunit bakit hindi nila gampanan ng maayos ang kanilang trabaho kahit alam nilang sa kanila kumukuha ng aral at impormasyon ang mga mag-aaral.
Malaking sampal ito para sa mga guro ngunit dumarami ang mga gurong tamad, kung kaya't pati na rin ang mag-aaral ay kagaya na nila.
Sinisira lamang ng mga tamad na guro ang reputasyon nila at nasasayang lang ang perang ipinasusweldo sa kanila, kaya't nararapat lamang na sila'y alisin.
Ang mga tamad na guro ay nararapat lamang na patalsikin at tanggalin sa pwesto dahil wala naman silang kwenta.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento